CHAPTER 2

1009 Words
Nang makauwi kami. Tamang-tama naman na nakauwi na sila Mommy at Daddy galing QC. Ilang araw pa silang nag-stay roon dahil sa gustong obserbahan ang bago nilang pinapatayo na hardware shop. Kinakabahan pa ako ng dalawa sila ang sumalubong sa amin. May pagtataka sa kanilang mukha nang makitang magkasama kami ni Yaya Flora. Ngayon na may pasok. Hindi rin kasi ako nakauniform sa mga oras na 'yon. Hindi na nagsumbong pa si Yaya Flora. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit nila ginagawa iyon sa akin. Wala rin naman ginagawang masama ang parents ko sa mga magulang niya. Kaya bakit niya ako sinasaktan? At bakit mukhang galit na galit si Jeka sa akin? Eh, lahat na nga nasa kaniya na. Maganda, mayaman at matalino. Hindi pa ba sapat iyon para sa kaniya? "Rizel!" sigaw ni Yaya Flora galing sa labas ng kwarto ko. Napatalon naman ako sa gulat dahil doon, hawak-hawak ko ang aking dibdib sa nangyari. Nagiging magugulatin na ako at dahil iyon kay Yaya Flora. Gabi na at ilang oras na lang ay mag-di-dinner na kami. Nakakaramdam na rin ako nang gutom sa mga oras na ito. Nakakatamad din naman kasing bumaba para kumuha ng makakain. "Lumabas ka na d'yan at hinahanap ka na ng Daddy mo," dagdag pa nito. "Opo susunod na ako!" balik kong din sigaw. Inayos ko muna ang mga gamit ko. Hindi ko pa tapos sagutan ang ilan sa mga ibinigay na home work ni Miss Valdez. Ito pa naman ang isa sa mga subject na nahihirapan akong intindihin. I'm not good in solving. Napabuntong-hininga na lang ako. Sigurado akong hindi ko na ito matatapos mamaya. Pagkatapos kasi namin kumain at kapag bumalik na ako rito sa kwarto ko ay kinakain na ako nang antok at nawawalan na rin nang ganang mag-aral pa. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Ah basta. Bahala na! Mangongopya na lang ako kay Aera bukas. Nang matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na rin ako agad. Akala ko ba mag-dinner na? May mga pagkain na sa mesa pero wala pa sila Mommy at Daddy. Naglakad ako patungong sala nang marinig ko ang boses nila Mommy. Hindi nga ako nagkakamali nakaupo sila Daddy habang tumatawa at kaharap na kausap. Lumingon ako sa mga kausap nito. T-teka anong ginagawa nila rito? Bakit sila nandito? Masayang nakikipagkwentuhan sila daddy sa mga lalaking nakaupo sa kabilang sopa. May dalawa pa sa kanilang naghaharutan at nagbabatukan. May isa naman ay nakasuksok ang kamay sa kaniyang ilong. "Oh, Hija," tawag sa akin ni Daddy nang lingunin niya ako. "Your here. Come here." Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi nito. Naglakad ako papalapit sa kanila at umupo sa pagitan nilang dalawa. "Guys, I want you to meet my daughter. She's Rizel," saad ni daddy at inakbayan pa ako. I look at them. Their look at me while have a smile on their face. Maliban sa dalawang lalaki. Iyong isang nangungulangot kanina na hanggang ngayon ay nasa ilong pa rin ang daliri niya. Gulat na gulat talaga ang mukha niya? Gusto ko man siyang pagtawanan ngunit hindi ko magawa. Ang epic kasi ng itsura niya. At ang isang lalaking naman nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Akala mo kakainin ako ng buhay. TSK. Weirdo! "Yes. I know her, sir. We're schoolmates," sagot nito. I mean sagot ng lalaking masama ang tingin sa akin na ngayon ay nakangiti na. Weirdo nga talaga! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Ang pagkakaalam ko anak siya ng may-ari ng University na pinapasukan ko. Oh, well 'yon lang naman ang alam ko sa lalaking 'yan. Wala kasi akong time para kilalanin ang Weirdo na 'yon pati na ang mga kasama nito. "How about you, hija. Did you know them?" "Yeah." Tumingin ako sa lalaking weirdo. "I know their faces but not their names." Gusto ko man na irapan ang Weirdong lalaki na nasa harapan ko ay hindi ko magawa. Una, baka makita ako nila Mommy. Pangalawa, ayaw kong magmukhang bastos sa harap nila. Nakakaramdam pa naman ako nang panggigigil sa taong 'yon. Sa way ba naman ng pagtitig niya sa akin. Nakakainis! Nakakabanas! At nakakapikon! Para bang gusto ko siyang saktan sa mga oras na 'to, ewan ko ba natutulad na rin yata ako sa kay Jeka. "Ouch!" wika ng isa sa mga kasama ng wierdo. Iyong isa sa mga naghaharutan. Um-acting pa ito na parang nasasaktan. Hindi niya ba alam na mukha siyang tanga sa itsura niyang 'yan? Kung hindi ako nagkakamali siya 'yong kilalang playboy sa University namin. Kilala ko sila sa mga bansag sa kanila pero hanggang doon lang talaga ang nalalaman ko. Hindi naman kasi pag-aalam ng pangalan nila ang dahilan ng pagpasok ko. Knowledge ang pinasok ko hindi sila. Nagpaalam muna sila Daddy at Mommy para i-check ang mga pagkain para sa dinner namin. Gusto ko man na sumunod sa kanila pero hindi ko magawa. Kinausap kasi ako ni Mommy para i-entertain sila. Ayaw ko man sanang pumayag pero wala akong nagawa. "You're weird," saad ng lalaking Weirdo upang kunin ang aking atensyon. Ako pa talagang weird sa lagay na 'to? "All students know who we are and what our name is." Hindi lang pala weirdo ang lalaking 'to Siraulo pa! Hindi ko alam kung bakit ako naiirita sa mukha niya. Lalo na sa way nang pagngisi niya sa akin. "All student except 'me'," pagtama ko dito. Tinaasan ko ito ng kilay. Hindi ko maiwasan hindi siya tarayan. Hindi naman kasi ako ganito sa mga taong nakapaligid sa akin. Pero pagdating sa kaniya na ngayon ko lang nakausap at ngayon lang ako naka encounter ng taong tulad niya. I mean nila. Hindi ko tuloy hindi maiwasan irapan siya. Bastos na kung bastos wala naman sila Mommy at Daddy, eh. Saka ngayon lang 'to hindi na mauulit. Hindi ko na ito hinintay pa na magsalita at iniwan ko na sila. Wala na rin naman nagbalak pa na magsalita sa mga kasama niya kahit na ang playboy na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD