CHAPTER 3

1164 Words
Hindi nagtagal ay nag-umpisa na kaming kumain. Sa kamalas-malasan ay katabi ko pa ang siraulong weirdo na ito. Bakit ba kasi pa siya ang tumabi sa akin? Pwede namang iba na lang, hindi ba? "Yes, Tita. Daddy, have plan too. I think," sagot ng katabi ko. "But I don't know when." "Ohh. Where he is right now?" Mukhang close na close talaga ang lalaking 'to sa parents ko. Kaninong anak ba siya? What reason do they know each other? Me and the man beside me with his gang is just a college students. Kaya bakit sila magkakilala ng parents. Who is his father by the way? "I don't know po. Vietnam or Paris?" he answered, unknowingly. "You know Dad. He always busy at work." Malungkot ang mukha nito nang lingunin ko siya. Whats the matter? "A workaholic man," dagdag naman ni daddy. Nagpatuloy lang sila sa pagkukwentuhan at minsan pa ay nagtatawanan sa joke ng isa't isa. Hindi ko maintindihan kung ano ang reason bakit sila tumatawa. Na kahit sila daddy nakikisabay rin. Hindi ko naman ikakaila na g'wapo ang mga lalaking 'to. Lalo na kung nasa mismong harap mo na sila at pagmamasdan mo nang matagal ang mukha nila. Napapansin ko lang sila tuwing malayuan lang. Para kasi ilang white man (white lady) dahil sa sobra nilang puti. Hindi na ako nagulat na maraming talagang mga babae o kahit na binabae ang naghahabol sa kanila. But not me. Hindi ako interesado sa mga 'to. Napalingon ako sa lalaking nasa harap ko na katabi lang ni Mommy. Tahimik lang ito at hindi nagsasalita halos. Magsalita lang ito kung may itinatanong sila Mommy at Daddy sa kaniya after that hindi na ulit siya nagsasalita pa. Ngumingiti-ngiti nga lang siya kapag nag-jo-joke ang mga kaibigan niya. Pansin ko ang makapal na kilay na mayroon siya. Dahil sa kapal ng kilay nito at pagiging tahimik mapagkakamalan mo siyang suplado. Pero isa 'yon sa mga nagpapadagdag sa kagwapuhan niya at dahil na rin doon kapansin-pansin siya. Mas nakaka attract pa rin talaga sa mga lalaki ang pagiging tahimik nila. Mabilis akong nagbaba nang tingin. Bigla ba naman itong lumingon sa akin. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Nakita o nahuli niya kaya akong nakatingin sa kaniya? Sh*t! Nakakahiya ka, Rizel! Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na lumingon pa sa kanya. Mabilis din naman natapos ang dinner namin na iyon. At ito kami palabas ng bahay para ihatid ang mga buysita except sa lalaking makapal ang kilay. Oo, buysita talaga sila! Makakapal kasi talaga ang mga mukha ng mga kasama niya. Ang iingay akala naman nila bahay nila ang bahay namin. Lalo na ang siraulong weirdo na nasa tabi ko ngayon. Sobrang kapal ng mukha sarap ingudngod sa inidoro. Feeling close! Nauunang naglalakad sa amin sila Daddy at kasunod lang naman nila ang ibang kasama ng wierdo. Ito ako nasa likod kasabay ang lalaking 'to. Hindi ba siya nakakaramdam na naiirita ako sa kanya? Na ayaw kong malapit siya sa akin? Patuloy lang kami sa paglalakad nang mas lumapit ito sa akin at bumulong. "I'm Harvey Rye Dawson." bulong nito at medyo lumayo na sa akin. "Siguro naman wala na sa bukabularyo mo ang word na 'except me', you know me and also my name." Hindi maalis ang nakakaloko tingin nito sa akin. Nilingon ko ito nang nakataas ang kilay. Inirapan ko siya. "I don't care who you are. Bakit ikakatalino ko ba kapag nalaman ko kung sino ka?" Iyong kasama mo ang gusto kong malaman ang name, hindi ikaw. Gusto ko sanang sabihin 'yan. Kaya lang baka marinig niya kami. Nasa harapan naman namin siya at nagpapatuloy sa paglalakad. "Pwede ba tantanan mo ako," balik kong bulong dito sa nakakairitang boses. "Baka hindi ako makapagpigil at baka maihampas ko sa makapal mong mukha 'yong malaking salamin na nasa kwarto ko." Tumawa lang ito at umiling-iling pa. "Bad girl. I thought you're a good girl." Feeling close talaga ang Siraulong 'to! Pimukit muna ako sandali para pigilan ang inis ko rito bago uli nagsalita. "Yes, am I but because of you my bad side exist." Nababanas na talaga ako sa kanya. Ano bang nakain ng lalaking 'to at ngiti nang ngiti. Para siya 'yong mga taong napapanood ko sa t.v. Iyong mga taong nasa Mental hospital. Umiling-iling na lang ako at nauna nang naglakad dito. Relax Rizel paalis na sila hindi mo na makikita ang mukha niya at hindi na rin magtatagpo pa ang landas niyo. Pagkakausap ko sa sarili ko. H'wag ko lang talagang makita ang mukha ng Siraulong Wierdo na 'to bukas o sa susunod na araw. Baka hindi na talaga ako makapagpigil. Ipapalunok ko sa bunganga niya iyong kabinet kung saan ako ikinulong nila Jeka kanina. Inirapan ko siya nang ngumisi pa ito sa akin bago tuluyan na pinaandar ang sasakyan niya. Siraulo! "Miss Zura," bungad na sabi ni Miss Valdez nang makapasok ito ng classroom namin at lingunin niya ako. Nagtataka ang nga mata niya nang lingunin ako. "What are you doing here? Kanina pa nag-umpisa ang klase mo sa first subject mo." Lumingon din ako sa kaniya nang may halong pagtataka. Ano bang pinagsasabi niya. Eh, siya nga ang prof ko sa first subject ko. "Po?" taka kong tanong. Iyon na lang ang sinabi ko dahil sa ayaw ko siyang tawaging tanga o pagtawanan. Kahit ang mga classmate ko nagtataka rin dahil sa sinabi ni Miss Valdez. Sabog ba siya? Pero hindi, eh. Seryoso itong nakatingin sa akin at walang bahid ng pagbibiro ang kanyang mukha. "Hindi po ba, Miss Valdez. Kayo po ang first prof namin sa first subject namin?" tanong ng isa sa mga classmate ko na tulad ko ay nagtataka rin sa sinabi nito. "Yes, Miss Fran," sagot nito. "Eh ano po ang sinasabi niyong kanina pa nag-umpisa ang klase ni Rizel sa first subject niya? Eh, hindi pa naman po nag-uumpisa ang klase natin?" saad naman ng classmate kong lalaki na nasa harap ko. All of us wondering because of what she said. Tumingin ito sa akin. "Miss Zura, hindi pa ba nasasabi sayo ng Dean o ng new adviser mo ang pagtransfer mo sa kabilang section?" tanong nito na ikinailing ako. Ako mag-ta-transfer sa kabilang section? Bakit? Sa dami ng nag-aaral sa University na ito mahihirapan ang isang adviser sa eighty plus na student kada isang course. Lalo na sa course namin, kaya kahit na college na kami ay may two section pa rin kami. Magsasalita na sana ako nang bigla bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang hindi katandaang Babae. Kunot ang noo at nakataas ang kilay nito. Kung hindi ako nagkakamali siya ang Adviser ng first section. "Miss Zura. Why are you here? Kanina ka pa hinihintay ng prof mo sa first subject mo," masungit na boses nito. Bumuntong-hininga na lang ako at tumayo. Nauna na akong naglakad palabas dito. Hindi ko na nga narinig pa ang pinausapan nila. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari at wala akong balak intindihan kung bakit ako nalipat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD