PRECY
Kahit masakit ang buto sa binti ko ay sinubukan kong tumayo. May babaeng lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso, kaya kahit paano ay nakakuha ako ng suporta dahil nahihirapan talaga ako.
Pakiramdam ko ay nabali ang buto sa paa ko nang itulak ako ng lalaking humarang sa daan ko. Mataas ang sapatos na suot ko, kaya mabilis akong nawalan ng balanse at basta na lang bumagsak sa sahig.
Napakasakit ng pakiramdam ko sa binti ko. Nanunuot ang matinding sakit maging sa kalamnan ko. Halos hindi ako makatayo, kaya mahigpit na nakahawak ang kanang kamay ko sa braso ng babaeng tumulong sa akin.
Tiim-bagang naman na tinapunan ako ng masamang tingin ni Aryan. Kahit may mga taong nakapaligid sa amin ay harapan niyang pinakita sa lahat na galit siya, kaya lalo lamang akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko.
Sigurong parurusahan niya ako. Malinaw na sinabi sa akin ni Aryan kanina, bago kami pumunta dito sa party, na huwag aking gagawa ng kahit anong ikagagalit niya dahil mananagot ako sa kanya, pero heto, kahit umiwas naman ako ay mismong gulo ang kusang lumapit sa akin.
Hindi ko kilala ang lalaking lumapit sa akin. Wala rin akong kahit anong kaugnayan sa kanya, kaya hindi siya dapat lumapit sa akin, dahil gulo ang dala niya sa buhay ko.
Ilang minuto ang mabilis na lumipas, nakita kong tiningnan ni Aryan ang hawak na cellphone. Alam kong gaya ko ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ng mga taong nakapaligid sa amin, kung paano tumigas ang ekspresyon ng kanyang mukha at tiim-bagang na tinapunan ng matalim na mga mata ang lalaking tumulak at nambastos sa akin.
“You,” madilim ang ekspresyon ng mukha na turo niya sa lalaki. “Come here.”
Lahat ng mga tao sa paligid namin ay sa kanilang dalawa nakatutok ang mga mata. Walang emosyon na nakatayo si Aryan, pero alam kong mapanganib siya ngayon, base na rin sa nakikita kong kuyom na kamao.
Malakas na singhap ang narinig ko, mula sa paligid ng biglang umigkas ang kamao ni Aryan at walang pakundangan na sinuntok niya ang lalaking kaharap.
Hindi pa siya nakuntento, walang pakialam na tinadyakan niya ng paulit-ulit ang lalaking nambastos sa akin sa tiyan at mabilis na sinikmuraan.
“This will serve as a warning to everyone. Don't mess with me, or I will send you to hell!” matalim ang mga mata at matigas ang ekspresyon na sabi ni Aryan sa lahat.
Paluhod na nakasalampak sa paanan ni Aryan ang lalaki, habang duguan ang ilong at ang nasugatang mga labi.
“I'm sorry, Miller. I'm won't do it again,” hinging paumanhin ng lalaki, pero parang walang narinig sa Aryan.
Mabilis na sinabunutan niya ang lalaking nagmamakaawa sa kanyang paanan.
“Even if I wanted you dead, I would not kill you. I will punish you harshly for your foolishness and arrogance. I swear that you will suffer and regret touching what belongs to me for the rest of your life.”
Marahas na inalis ni Aryan ang nakahawak na mga kamay ng lalaki sa kanyang binti at muli itong sinipa sa dibdib.
“Simula bukas, ayaw kong makikita ang mukha mo sa kahit saang sulok ng lungsod, or else…” Tinapunan ni Aryan ng matalim na mga mata ang lalaking nanginginig sa takot sa kanyang paanan.
"I'll send you to hell after chopping your body to pieces."
Agad na nagmakaawa at paulit-ulit na humingi ng tawad ang lalaki habang nakaluhod sa paanan ni Aryan, pero hindi ito pinansin ng asawa ko.
Wala siyang pakialam, kahit maraming mga mata ang nakakita sa nangyari, dahil karamihan sa kanila ay alam ni Aryan na takot sa kanya.
Bumaling si Aryan sa kanyang mga tauhan na naghihintay lamang ng utos mula sa kanya.
“Break his leg,” utos ng asawa ko, dahilan para mapasinghap ang lahat sa paligid namin.
Muli niyang hinarap ang lalaking nambastos sa akin at taas noong tinitigan ng diretso sa mga mata.
“Forget about your family assets and status. Starting today, you and your entire family are now out in the business world.”
Pabagsak na napasalampak ng upo sa sahig ang lalaking natulala sa narinig na sinabi ng asawa ko. Kahit nakaluhod siya at nagmakaawa ay hindi talaga siya pinakinggan ni Aryan at ngayon ay binigyan pa ng pinakamalupit na parusa.
Nagtaas ng mukha si Aryan at hinarap ang mga tao sa paligid namin. “Anyone who wants to help this bàstard and his entire family are considered enemies of my empire.”
Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na at nakapaligid na rin pala ang mga tauhan ni Aryan at handang gamitin ang kamay na bakal kung kinakailangan.
Walang may naglakas ng loob na kumuha kahit bidyo man lang sa ginawa niya, dahil kilalang dominante si Aryan sa business world at walang may gusto na galitin siya.
Alam nilang malaki ang mawawala sa kanila, katulad ng lalaking tulalang nakasalampak ngayon sa sahig, dahil sa parusang natanggap mula sa asawa ko ng magalit si Aryan sa kanya.
Napalunok ako ng napunta sa akin ang matalim na mga mata ng asawa ko. Hindi ko malaman kung hahakbang ako palapit sa kanya o mananatili sa kinatatayuan ko, dahil nakikita ko ang matinding galit sa kanyang ekspresyon.
“Thank you,” mahina at pilit ang ngiti sa labi na sabi ko sa babaeng katabi ko at tumulong sa akin, bago bumitaw sa kanyang braso.
“Welcome, Mrs. Miller.” Narinig kong mabilis na sagot ng katabi ko, sabay ngiti sa akin.
Nagpasya akong humakbang para lumapit kay Aryan, kahit nakakaramdam ako ng takot na baka kung ano ang gawin niya sa akin.
Sinubukan kong humakbang palapit kay Aryan, pero hindi ko kaya. Ang sakit talaga ng paa ko. Pakiramdam ko ay mapuputol na ang buto sa binti ko, sa tuwing igagalaw ko ang kanang paa ko.
Naluluha ako, pero tiniis ko kahit namimilipit ako, dulot ng matinding sakit na nararamdaman ko, habang nakatayo sa gitna at halos mapugto ang paghinga ko, pero wala akong nakita kahit kaunting awa sa mga mata ni Aryan.
He is cold and distant. Wala siyang emosyon. Tuluyang nagbago ang dating siya, simula ng iwan ni Gwyneth si Aryan nang sumama sa kung sinong lalaki ang malanding babaeng iyon.
Nawalan siya ng pakialam sa mga tao sa kanyang paligid. Araw-araw ay parang robot kung kumilos si Aryan. Walang emosyon. Buhay nga siya, pero para siyang walang puso, lalo na kapag galit siya.
Kahit hirap at iika-ika ay pinipilit kong maglakad palapit kay Aryan. Ilang lunok muna ang ginawa ko, bago lakas loob na humawak sa kanyang braso, dahil pakiramdam ko ay mabubuwal at babagsak ako sa sahig.
Hindi maganda ang naging impact sa binti ko nang itulak ako ng walanghiyang lalaking nasa harap ko. Nakasama pa sa kondisyon ko na mataas ang takong ng sapatos na suot ko, kaya dagdag pahirap ito sa tuwing igagalaw ko ang paa ko.
Napasinghap ako ng makita ko, kung paano tinadyakan ng paulit-ulit ng isa sa mga tauhan ni Aryan ang lalaking nambastos sa akin.
Malakas na napasigaw ang lalaking nambastos sa akin habang gumugulong ang katawan sa sahig. Namimilipit siya sa sakit at nagmamakaawa na patawarin na ni Aryan, pero nanatiling matigas ang puso ng asawa ko.
Pinanood ni Aryan kung paano pinahirapan ng husto ng kanyang mga tauhan ang lalaking nasa harap namin, gano'n rin ng mga tao sa paligid namin.
Hindi ko alam kung nararamdaman rin ba ni Aryan na nanginginig ang mga binti ko at hindi ko na kayang tumayo ng matagal, dahil talagang napakasakit na nang pakiramdam ko sa binti ko.
“Kayo na ang bahala sa isang ‘yan. Make sure he won't be able to walk again, and after that, send him to his clan and tell them what he did to my wife,” walang emosyon na utos ni Aryan sa mga tauhan.
“Yes, boss!” sabay-sabay na sagot ng mga lalaking nakasuot ng itim.
“Cancel the event!” makapangyarihan na utos ng asawa ko sa lalaking lumapit sa kanya ng tawagin niya.
Bumaling sa akin si Aryan at matalim ang mga mata na tinitigan ako.
“This is what you get for being so stubborn.” Narinig kong paninisi niya sa akin, pero hindi ako sumagot.
Bigla niya akong hinawakan sa braso at hinatak para sumunod sa kanya. Kagat ang pang-ibabang labi na humakbang ako para tiisin ang matinding sakit na nanunuot sa binti ko, pero hindi ko naiwasan na huwag mapadaing habang naglalakad ako habang hatak-hatak ni Aryan.
Mukhang hindi na nakatiis ang lalaking kasama ko at tuluyan ng naputol na ang maikling pasensya ni Aryan dahil mabagal akong maglakad.
Tumigil siya sa paglalakad. Hinarap ako ni Aryan at biglang pumulupot ang kanyang mga braso sa likod ng binti at likod ko at pagkatapos ay mabilis niya akong binuhat.
Alam kong ginawa niya ito dahil mabagal akong maglakad. Halos hatak ko na ang paa ko, kaya hindi na siya nakatiis at binuhat ako.
Mas mabuti na ito, kesa iwan niya ako dito sa party, katulad noong minsan na nagalit siya sa akin at pinalabas ako sa loob ng sasakyan, kaya naglakad na lang ako pauwi sa kanyang bahay, dahil wala akong hawak na pera noon
Alam kong hindi rin siya magbibigay kung hihingi ako sa kanya, kapag sumakay ako ng taxi. Ayaw ko rin gawin iyon, dahil siguradong isusumbat na naman ni Aryan sa akin ang bawat sentimong hihingiin ko sa kanya.
“You are always pain in my àss,” tiim-bagang na sabi ni Aryan, bago ako itapon sa loob ng sasakyan.
“This will be the last time you're going out with me.”
Kinabahan ako sa narinig kong sinabi ni Aryan. Sanay naman akong nasa loob lang ng bahay, pero paano kung ikulong niya ako doon, bilang parusa at hindi na ulit pwedeng lumabas kahit kailan, katulad ng palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nagagalit siya?
Alam kong hindi siya nagbibiro, dahil kahit minsan ay hindi naman niya ginawa iyon, kaya nakaramdam ako ng takot na baka tuluyan na niya akong saktan, pero bakit hindi sang-ayon dito ang aking puso?
Baliw na nga siguro ako na hanggang ngayon ay nagtitiis ako sa poder ni Aryan at umaasa na balang araw ay magbabago rin ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Hindi ako pwedeng tumakas at lumayo kay Aryan, kaya tinanggap ko na ang naging kapalaran ko.
Hawak niya ang buhay ng aking ama. Kahit sinaktan siya ni Gwyneth ay ipinagamot niya si daddy, pero kapalit naman noon ay kailangan kong manatili sa poder ni Aryan bilang kabayaran at collateral ng pagkakautang ng aking pamilya sa kanya.