PRECY Hindi ko alam kung paano kami natapos maligo ni Aryan. Basta na lang kasi niya ako hinubaran at naglumikot na ang kanyang mga kamay sa buong katawan ko. Mabuti nga at nakapag-sabon at shampoo pa ako dahil ang hirap kumilos na laging nakayakap sa akin si Aryan. Kung hindi pa ako muntik madulas dahil sa pangungulit niya sa akin ay hindi niya ako titigilan kanina. “Sandali,” mabilis na pigil ko kay Aryan. Nagsusuklay ako ng basa at mahabang buhok ko sa nasa tapat ng salamin. Biglang pumulupot ang mga braso ni Aryan sa bewang ko at bumaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman kong pinasadahan ni Aryan ng dila ang leeg ko, papunta sa batok habang sapo ng dalawa niyang mga kamay ang dibdib ko na para bang nag-lalamas siya ng harina na gagawing tinapay.