PRECY “Sir, heto na po ang pagkain ninyo.” Narinig kong sabi ng babaeng pamilyar ang tinig sa akin dahil siya rin ang naghatid ng pagkain namin ni Aryan dito sa kubo kanina. Nahihiyang lumuwag mga braso ko na naka-yakap sa katawan ni Aryan. Umayos ako ng upo nang ilapag ng babaeng dumating ang dala niyang pagkain sa maliit na mesang malapit sa amin. Nang umalis ito ay agad na inabot ko ang milk tea at mabilis na uminom. “Ang sarap!” napangiting sabi ko. Malamig ang temperatura dito sa kubo at ramdam kong dumaloy ang lasa ng pinaghalong tamis ng tea at gatas sa lalamunan ko. Nang ilapag ko ang plastic cup na hawak ko sa mesa ay agad naman itong inabot ni Aryan at tinikman rin. Ako naman ay kumuha ng hotdog at mabilis na kinagat at ngumuya. Hawak ko pa ang stick nang hawakan ako sa