KABANATA 1

2097 Words
[Meet him for the first time] Warning; ⚠️ This chapter involved with insult language, violence.. Ang gamit kong writing style ay Third pov omniscient, Sa Third Person Omniscient Point of View, ang narrator ay may kaalaman at perspektibo sa loob ng mga karakter at pangyayari sa kwento. Ito ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa mga pangyayari at mga karakter sa kwento dahil ang narrator ay may kakayahang ma-access ang mga kaisipan at damdamin ng iba't ibang mga karakter. “Hija huwag kang kabahan, mabait naman ang panganay kong anak.” Pagpapagaan sa kanya ng loob nang kanyang ama. “P-pa, hindi ko naman po kasi maiiwasan na kabahan, akalain mo naman. Ito ang kauna-unahan kong makikita siya.” Rason niya. Mahina namang natawa ang matandang si Ramon, “Relax and smile, hija.” Ngumiti lamang ang dalagang si Celestina at umayos ng tayo sa tabi nang dalawa pang kapatid. “Lil sis, relax. Kuya don't eat you unless—” “Unless what Reimer?” Rome asked. “Unless iba ang gusto, bwahahaha.” Pagtawa na saad ni Reimer. “Mga Kuya, are you really sure that Kuya Ramir won't kill you two if he finds out what you did?” Celestina said. Umayos ng tayo si Celestina nang nakita niya na ang kotse na sinasakyan matandang kapatid. Narinig niya din ang pag ungot ni Rome at Reimer ng nakita din ang kotse ng nakakatandang kapatid. Huminto ang kotse sa harapan nila at may lumabas na maskuladong lalaki, ngunit hindi makita ng maayos ni Celestina ang mukha nito dahil naka sunglasses at mask ito. “Kaninong babae 'yan dad? Sayo o sa dalawa ko pang kapatid?” Tanong ni Ramir at binalingan ang dalawa pang kapatid. Napa-ubo naman si Rome at Reimer dahil sa sinabi ng kapatid. “Ayusin mo ang pananalita mo son, baka kung malalaman mo kung sino ang babaeng ‘to titirik ang mata mo dahil sa galit o tuwa.” Walang paligoy-ligoy na sabi ni Ramon. “Tsk! What is your name, woman? How much do you need? 100k? 2 million? Or 1 billion? I know it's difficult to find work today, but you're not going to be my stepmother, not ever.” Malutong na sabi ni Ramir sa dalagang si Celestina. Natulos naman kaagad sa tinatayuan ang dalagang si Celestina, hindi alam kung ano ang isasagot at nasasaktan na din dahil sa mga salitang binitawan nito. “U-uhm....” "Enough son, Celestina is not my woman, maybe yours? Mmmm....” Wika ni Don Ramon. Peke namang umubo si Ramir dahil sa sinabi ng ama, “Mine? She's not my type.” Blangko nitong sambit. Hindi naman mapakali si Celestina dahil sa narinig mula kay Ramir. Hindi pa nga siya nagpakilala ay ramdam na niyang hindi siya gusto ng lalaki. “P-pa, aalis nal—” “No, hindi ka aalis kung may aalis man dito ay siya yon.” Wika ni Don Ramon at tinuro pa ang anak nitong si Ramir. “Really, Dad? If she's not your mistress, then kick her out!” shouted Ramir. Masamang tingin na pinukol ng ama na si Ramon ang anak, “Don't you dare shout in front of me, Ramir. Have you forgotten what I told you last time?” Wika ni Don Ramon. “This is Insane! F—ck It!” Ramir cursed and went inside. Habang ang dalagang si Celestina ay hindi alam kung ano ang gagawin, aalis ba o papasok ulit. Nakatayo lang siya habang pinagmamasdan ang mag-ama na papasok sa malaking pintuan. Mabuti nalang at napansin ni Rome na hindi sumunod si Celestina. “Lil sis, get inside. Don't worry about kuya, ganon na talaga yon.” Rome said. Hindi pa rin sumunod si Celestina dahil sa takot sa panganay na anak ng Don. “Hija? What's wrong?” Don Ramon asked ng bumalik ito sa labas dahil napansin nitong hindi pumasok ulit ang dalaga. Nanginginig ang buong katawan ni Celestina, kinakapos ang hininga na parang sinakal. “Hija?... Hija?” Tawag ulit ni Don ngunit hindi na makapag salita si Celestina dahil sa nararamdaman. “Reimer! Rome! Come here!” Sigaw ni Don Ramon ng hindi alam kung ano ang nangyayari sa dalaga. Sobra ang panginginig nito habang dilat na dilat ang dalawang mata. Mabilis naman na dinaluhan ng dalawang anak na lalaki, habang ang panganay ay nakatingin lamang sa nangyayari. Walang pakialam. “No worries, Dad, she's having a panic attack," Rome explained. Isang doktor si Rome kaya alam nito ang kalagayan ni Celestina. “No worries? Nakikita mo bang nahihirapan siyang huminga? Ha! Tapos sasabihin mo sa akin na hindi mag-alala! Ginagàgø mo ba ako Rome?!” Galit na saad ni Don Ramon sa anak. Bumuntonghininga na lamang si Rome atsaka tumayo, “Having a panic attack is not a critical situation, Dad. She will go back to normal once she has regained control of her emotions. And by the way, Dad, did you forget that your son is a doctor?” Saad in Rome. Dinala si Celestina sa silid nito habang si Rome ay nasa tabi naka-upo. When Celestina regained her composure, Rome quickly stood up to assist her in sitting down. “How are you feeling? Do you feel dizzy or anything unusual?” Agaran na tanong ni Rome. Kaagad na umiling ang dalaga, “I'm okay kuya Do—” “Ilang beses ko bang pinaalala sayo na bawal kang ma-stress dahil aatake na naman ang panic mo? Ang tigas talaga ng ulo mo, Celes.” Pangangaral ni Rome. Celestina pout, “Sorry.” "Alam mo bang galit na naman si Dad, dahil sa nangyari sayo kanina?” May-inis na sambit ni Rome. Napayuko nalang ang dalagang si Celestina, She know, alam niyang kapag may nangyari sa kanya ay ang malalagot palagi ay ang kapatid niya kahit na wala naman itong ginawa. Kaya nga si Remier ay halos hindi lalapit sa kanya kapag sila lang dalawa. "By the way, ano na naman ang dahilan bakit ka inatake? Dalawang taon na ang nakalipas ng huli mong atake.” Nakakunot na wika ni Rome. Mas lalo tuloy na yumuko ang dalaga na si Celestina, inatake kasi ito kanina dahil sa sigawan. Lalo na nakaramdam na siya ng pangamba. Ayaw naman nitong aminin kung ano ang dahilan at baka mag-aaway ang mag-ama. “I'm really okay, kuya.” She said in a low voice. Wala ng nagawa pa si Rome kundi bumuntonghininga nalang, “By the way, Kuya Ramir will stay here. Kung takot ka sa kanya, huwag ka nalang lalapit sa kanya? Okay?” Tumango naman agad si Celestina, kahit na hindi sabihin ni Rome ay didistansya naman talaga ito dahil sa takot. Ang sama kaya ng tingin ni Ramir sa kanya kanina atsaka hindi pa nga nito alam ang kwento niya, hinusgahan na agad siya. Hindi talaga maganda ang kutob niya sa panganay na anak ng Don. “Bumaba ka nalang mamaya kapag lunch na, Dad wants you to dine downstairs, not here in your bedroom.” Kahit nag-aalangan si Celestina ay napatango na lang siya, ayaw naman niyang magmukhang importante kaya hanggat hindi siya malalapit sa panganay ay ayos lang. Lumabas na si Rome sa silid ni Celestina at dumeretso sa sala kung saan ang kapatid at ama. Naabutan niya pa itong intense. “Dad stop it, Celes is okay. Nagising na siya,” Rome. Ang galit na tingin ng ama sa panganay ay nalipat laagad kay Rome. “The three of you are unbelievable. Hindi naman ganyan ang ugali ng ina niy—” "Dahil namana namin ‘to sayo, Dad remember?” Pagsingit ni Reimer. Galit na lang na tumayo si Don Ramon at maglakad patungo sa library, kahit naman gaano siya kagalit sa tatlong anak ay hindi naman nito dinibdib. Lunch time na kaya mabagal na naglakad si Celestina pababa ng hagdan. She also heard the commotion from the dining area. Pagpasok naman ni Celestina sa dining area ay agad natigil ang usapan ng apat, "Hija, how are you?” Nag-alala na tanong ni Don. Marahan naman na ngumiti si Celestina, “I-i'm okay Pa,” Maingat niyang sagot. Hindi naman sinasadya na napatingin si Celestina sa banda ni Ramir na masama pa rin ang tingin nito sa dalaga. Maingat na umupo si Celestina sa tabi ni Reimer, “Why are you sitting here? Di ba doon ka laging umuupo sa tabi ni Dad?” Nakakunot ang noo na tanong ni Reimer. Paano naman kasi ako uupo doon, eh andon ang tigre? Ano gusto kong makatanggap ng insulto ulit? Trip ko lang, ganon?—Sa isip ni Celestina. Yumuko nalang ang dalaga, “D-dito nalang ako.” Maingat na wika nito atsaka kumuha ng kutsara at tinidor upang makakain na. Sobrang tahimik ng hapag na akala moy galit ang isa't isa, ilang subo lang ang kinaya ni Celestina at kaagad itong nagdesisyon na ihinto na ang pagkain. “I-i'm—” “Are you so scared that you can't even eat properly?” Ramir. Napalunok naman kaagad si Celestina, kahit ano ang gagawin niya ay hinahanapan talaga siya ni Ramir ng kasalanan. Kahit sobrang konting mali o hindi sinasadya ay pilit nitong pinagpipilitan na mali siya. Huminga nalang ng malalim si Celestina dahil hindi alam kung ano ang dahilan. “I really don't know why you hate me so much, Kuya Ram.” Mahinang usal ng dalagita. Parang bomba na sumabog ang salitang binitawan ni Celestina, napatayo pa si Ramir dahil sa gulat at galit na nararamdaman. “Say it again, what did you call....me?” Mabigat na sabi nito. “Kuya rel—” Masamang tingin na pinukol ni Ramir ang kapatid na si Rome dahil sa pagsali nito. Habang ang ama nila ay tahimik lang habang nagmamasid sa nangyayari. Takot at kinakabahan na umiiling si Celestina, “W-wala p-po—” “Say it again!” Dumagundong na sigaw ni Ramir. Kaagad nag-unahan ang mga luha ni Celestina at napaigtad pa ito dahil sa malakas na sigaw ni Ramir. “I-i'm sorry,” hinging paumanhin ng dalaga at mabilis na tumakbo patungo sa silid nito. Habang si Don Ramon ay mariin na pinagmasdan ang anak, ilang sandali ay ngumisi ito na para bang may naisip na plano. “Rome, Reimer, stand up. We are going on vacation," Don Ramon said Nagtataka naman na tumingin ang dalawa sa kanilang ama, “What? Dad? Aalis tayo na ganito ang sitwasyon?” Hindi makapaniwala na saad ni Rome. “Hindi ka naman siguro bingi, Rome. I said aalis tayo, Pack your things, we're going on vacation. Except for you!...You will stay here!” Wika ni Don at tinuro pa si Ramir. “Huh?” Mula sa galit na expression ay nagtataka ang mukha ni Ramir. “Aalis kami at ikaw ang magbabantay kay Celestina, huwag na huwag mo siyang saktan Ramir dahil kapag nalaman ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” Banta ni Don Ramon sa anak. "Manang Lorna, gather all the maids here,” utos ni Don. Mabilis naman na tumalima ang matanda na si Lorna, ilang minuto lang ay agad nagsipasukan ang mga maid na umabot ng kinse. “Si manang Lorna ang atasan ko na hahawak ng sahod niyo at kapag nakuha niyo na mamaya. Aalis kayo, don't worry hindi ko naman kayo sinitante, I want all of you to relax. Uuwi kayo sa probinsya niyo o saan niyo gusto.” Maawtoridad na wika ni Don. “Copy Don! Maraming salamat Don!” Sabay nitong wika. Tumango naman si Don, “Boys, let's go.” Ani pa nito at naglakad palabas ng dining area. “Dad, saan tayo mag bakasyon? Sa maraming chikababe sana.” Hirit ni Rome. "Shut it, Rome. Dad would kill you. Are you blind? Hindi mo ba nakikita na badtrip si Dad?” Reimer. Kumunot naman kaagad ang noo ni Rome at napatingin sa ama, "Really? Galit siya sa lagay na yan? May galit bang parang nag-imagine ng festival?” Walang nagawa ang kapatid na si Reimer kundi ay umiling nalang, hindi alam kung ano ang gagawin. May meeting kasi ito bukas tapos ngayon sasabihin ng ama na mah bakasyon. Sumakay sila sa limo ng ama, huminga ng malalim si Reimer bago nagsalita. “Dad, I have a meeting scheduled for tomorrow. Pwede bang hindi nalang ako sasama?.... Uhm no worries hindi ako magpapakita kay kuya.” Saad nito. Tumango lamang ang ama, "Huwag na huwag kang magpapakita sa kapatid mo, gusto ko si Celestina para sa kanya. Huwag mong sirain ang mga plano ko.” Mariin na saad ng Don.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD