THE FAILED MISSION EPISODE 22 “HINDI naman ganun dati si Niklaus, Aya. Baka badtrip lang siguro ‘yun lalo na’t maraming hina-handle na trabaho,” wika ni Asher. Kasama ko pa rin siya hanggang ngayon at nandito kami sa restaurant at kumakain. Naiinis pa rin ako kay Alessandro dahil tinawag niya akong malandi. Hindi ko alam kung dahil lang ba ‘to sa hormones kaya ako nasaktan sa kanyang sinabi. “Wala akong pakialam sa kanya, Asher. Masyado siyang suplado. Hindi naman natin siya inaano, tapos sasabihin niya akong malandi? Gago siya!” inis kong sabi. Mahinang natawa si Asher kaya napatingin ako sa kanya at tinaasan ko siya ng aking kilay. “Why are you laughing?! Walang nakakatawa!” inis kong sabi sa kanya habang nakasimangot. “Ang cute mo kasi talaga kapag nagmumura ka, Aya. Iyong nasa M