Episode 34 Dominic `Dona’ Nambria’s POV Napanguso ako ng makita ang kalahating sunog na hatdog at kalahating parte naman ay hilaw. Pang ilang luto na niya ito ng hatdog pero hanggang ngayon wala pa rin namang maayos. Ang dami nang nakahain na pinggan sa island table na ang laman ay puro hotdog. “Sabi ko naman sayo, ako na lang ang magluluto,” sambit ko kay Paul na katapat ko. Nakahawak ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng island table. Walang damit na pangtaas at tanging apron lang ang tumatakip sa abs niya. Ako naman ay nakaupo sa high stool. “Gusto ko lang naman subukan. Pagod ka pa kaya huwag ka na munang mag gagagalaw,” sambit niya. Pagod nga ako lalo na’t inangkin na naman niya ko sa banyo. Gusto ko lang naman maligo at hindi ko naman akalain na maaakit talaga siya sa akin. “Gu