Episode 20 Dominic `Dona’ Nambria’s POV “Kasi nagiging mahigpit ako sayo. Pinagdadamot ko na kausapin ka ng ibang lalaki. Gusto ko sa akin lang ang atensyon mo at hindi sa ibang lalaki diyan sa paligid mo. Nasasakal ka ba sa ginagawa, Nambria? Hindi mo ba nagugustuhan? Tell me, Nambria,” aniya. Kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya habang nagsasalita. Ngumiti ako sa kanya at ipinatong ang kamay ko sa kamay niyang nasa ibabaw ng kamay ko. “Syempre hindi. Bakit naman ako maiinis? At isa pa hindi ka naman mahigpit sa akin. Alam ko naman na pinoprotektahan mo lang talaga ko sa mga lalaki,” nakangiting sambit ko. Alam kong iniisip niya lang naman ang mga bagay na nakabubuti sa akin kaya siya nagiging ganito. Wala namang kaso ‘yun sa akin at mas gusto ko nga na ganito siya sa akin