Chapter Eighteen MAUREEN Wala na akong pakialam kung mahuli man kami ni Melissa sa ganoong kalagayan. Patuloy lamang ako sa paghalik sa kanya habang hawak-hawak ko ang pareho niyang mga kamay sa kanyang ulunan. Labis labis ang kanyang kaba dahil ramdam na ramdam namin ang nalalapit na pagdating ni Melissa sa aming pinagkukublihang puno ng mangga. Pero wala na kaming pakialam dahil nadala na kami ng aming mga nararamdaman. Ninanamnam ko ang tamis ng kanyang mga labi at para bang nasanay na ako sa kanyang mga halik dahil hinahanap hanap ko na ito sa tuwing ako ay nag-iisa. Ang mga labi niya ay malambot na bulak para sa akin. Ang dila niya ay naglilikot na para bang gustong pumasok sa aking labi kaya naman sinusubukan ko rin ito ng sipsipin. Ito ang pinaka perfect you sa aking tanang buh