Chapter Nineteen NATHAN MABUTI na lang talaga at napakiusapan ko si Melissa na tulungan akong makaakyat sa kwarto ni Maureen. Tyinempuhan ko talaga na makaakyat si Ma’am Rosalinda sa kanilang kwarto bago ako kumatok sa bintana ng kanilang kusina. Kanina pa ako nag-aabang sa may kusina ng aming tinitirhan at tinatanaw ko mula doon ang kusina ng pamilya Trinidad. Naunang umakyat si Maureen at sumunod naman kaagad si Ma’am Rosalinda. Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago lumapit. Kumatok ako sa bintana habang si Melissa ay naghuhugas ng pinagkainan. Sumenyas ako sa kanya na pagbuksan ako ng pintuan sa kusina. Agad naman siyang nagtungo doon at pinagbuksan ako. “Bakit kuya?” “Pwede bang makausap saglit si Maureen?” tanong ko sa kanya. Hindi ako makatingin ng deretso dahil tila nanga