Chapter Four
NATHAN
PINAGBIGYAN ko ang trip niya.
Kahapon ko pa nahahalata ang gusto niyang gawin sa akin. Halatang halata ko naman na pinagnanasaan niya ako. Ewan ko lang kung totoo ang aking naiisip pero malakas talaga ang kutob ko na may iba siyang nararamdaman sa akin.
Ngunit ko pinagtitripan niya lang ako ah sige sasakyan ko ang trip niya.
Magpapabungkal daw siya sa akin kanina. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang ito.
Nang mag-aya siya ng meryenda ay mabuti na lang talaga dahil nagugutom na rin ako. maagang maaga kasi akong nag-almusal dahil nagising ako ng alas kwatro dahil hindi na ako makatulog.
Si Aling Miranda ang taga luto namin ng aming almusal. Kaya naman ng alas diyes na ng umaga ay nagugutom na ako kaagad.
Naupo ako sa upuang kahoy na gawa sa ugat ng puno habang hinihintay ko ang pagdating ng aking meryenda.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Nadapa siya dahil sa pagkakatitig niya sa bato kaya naman tumapon lahat sa akin ang dala-dala niyang meryenda.
Nawala sa loob niya ang sumunod niyang ginawa. Kinuha niya sa akin ang hawak kong face towel na kulay dark bro at saka nya pinunasan ng bandang harapan ko. Labis ko itong ikinagulat sapagka't hindi ko inaasahang mahawakan niya ang parteng iyon. napakasensitibo nito dahil kahit kaunting hawak lamang ay talagang mag aalburuto ang bagay na nandun sa loob nito.
Titig na titig ako sa kanya habang pinupunasan niya ang bagay na nasa pagitan ng aking mga hita ngunit mas ikinagulat ko ng tumingin siya sa akin sa aking mga mata. Pagkatitig niya sa akin ay mas nabuhayan ako.
Napatitig ako sa kanyang mga mata pababa sa kanyang mga labi. Napapalunok na lang ako sa training kikita ko ang mga labi niya.
Kaya naman bago niya tanggalin ang kamay niya na nakapatong sa hinaharap ko ay hinawakan ko ng mahigpit ang kanang kamay niya saka ko mas ikiniskis ito sa parteng iyon kung saan mas nabubuhayan ang dapat mabuhay doon.
Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang kamay sa parteng iyon sa kabila ng pagkakabasa nito dahil sa malamig na chocolate drinks na tumapon sa akin kanina lang.
Ngunit nawala ang lahat ng init ng aking nadarama ng marinig ko ang pasigaw na tawag ni Melissa mula sa loob ng bahay palabas at patungo sa aming kinaroroonan.
Nang tuluyan nang umalis si Ma'am Maurene ay lumingon pa siya sa akin saka ko siya tinitigan sa kanyang mga mata at upang matinag pa siya ay ngumiti ako ng nakakaloko na para bang sinasabi ko na : "Iyan ang napapala ng malikot mong isip at malikot mong mga kamay. Siguro naman ngayon ay magtatanda ka na at hindi mo na ako pag titripan kung nagtitrip ka lang sa akin."
Pagkaalis niya ay nagtungo na ako sa aming quarters upang maligo at magpalit ng damit.
Nanlalagkit ako sapagkat halo-halong pagkain ang bumuhos at tumapon sa akin kanina.
Sa labas ng aming quarters ay may gripo at isang balde at tabo. nakapwesto ang aming quarter sa likod ng bahay at ilang metro lamang ang layo nito sa pintuan ng kanilang kusina.
Ang bawat trabahador ay may sariling kwarto. Apat lamang kaming stay-in kung kaya't kakaunti lamang ang nandito ngayon. wala ang aking mga kasamahan dahil nagtungo sila sa bilihan ng mga halaman kila Kyla ang kapatid ni pareng Kiel, isa sa mga barkada ko.
tinanggal ko ang aking damit at naiwan lamang ang brief ko ng kulay puti tsaka ko kinuha ang towel ko ng puti na nakasabit sa sampayan. Lumabas ako ng kwarto at doon ako sa may tabi nito maliligo. Binuksan ko ang gripo at nagsimula nang maligo.
Dati nang may sabon doon dahil madalas akong maligo sa labas tuwing umaga at gabi. Pagkatapos kong sa bunga ng aking katawan ay nagbuhos na ako ng tubig. Isang beses lang ako mag shampoo sa isang araw at tuwing umaga lang iyon.
Ang paborito kong sa buhay na madalas kong ginagamit ay Safeguard pink. Mabango kasi ito at para bang lagi akong fresh kapag ito ang gamit kong sabon.
Hinila ko na ang towel na nasa sampayan saka ako nag punas ng aking mukha at ng aking katawan.
Ipinulupot ko ang tuwalya sa aking baywang saka ko dahan dahang tinanggal ang aking brief para labhan ito kaagad.
Habang naglalaba ako ay nagulat ako ng may nakatayo na pala sa aking tabi.
"Oh Ma'am nakakagulat ka naman, nandiyan ka pala, kanina ka pa ba diyan?" wika ko habang patuloy pa rin sa pagsusuot ng aking brief.
"Dalian mo magbihis dahil mag-uusap tayo," wika niya sa mataray na boses.
"Nag-usap na po tayo. Bakit hindi pa po ba pwedeng pag usapan ang gusto mong pag-usapan ma'am?" Nakangiti pa rin ako habang tinatanong ang mga iyon sa kanya.
Napairap naman siya sa kawalan dahil sa aking kapilosopohan at sa aking mga ngiti na tiyak kong naging apektado ang pagkatao niya.
"Hindi ko gusto ang ginawa mo sa akin kanina," panimula nya.
Hindi naman ako makasagot kaagad dahil nagi-guilty din ako sa aking ginawa kanina. nadala lang ako ng kanyang paghawak kung kaya't hindi ko rin naman mapigilan ang aking sarili.
"Alam kong kasalanan ko ang pagkakadapa ko at hindi ko sinasadyang mapunasan ang parteng iyon dahil wala naman talaga yun sa loob ko pero yung ginawa mong paghawak sa aking kamay at pagkiskis na nito sa parteng iyon ang hindi ko kayang palagpasin," walang patid niyang sabi.
Hindi naman ako makapagsalita dahil ayaw kong sabayan ang galit niya at baka makapagbiro pa ako na hindi niya ikatutuwa.
"Kapag kinakausap kita tumingin ka sa akin at kung pwede lang sana habang kinakausap kita itigil mo yung ginagawa mo," nakapamaywang niyang sabi sa akin.
Patuloy lang ako sa pagsuso hanggang sa panlaban ko na ang lalabhan ko ang brief at saka ito piniga at pagkatapos ay tumingin ako sa kanya.
"Ano po bang gusto niyong gawin ko ma'am? Mag-sorry? O sige po ang magso-sorry na po ako sa inyo," seryoso ang mukha ko habang sinasabi ko ang mga linyang ito.
"Sa tingin mo sa patlang ang sorry sa mga ginawa mo sa akin kanina?" Nakataas pa ang isa niyang kilay habang sinasabi niya ito sa akin.
Ang akala ko kasi talaga ang pinagtitripan niya lang ako kaya sinakyan ko ang bawat trip niya. Iyon pala ay ikinagalit niya ito kaya naman nagi-guilty ako ng sobra sa akin mga ginawa.
Napayuko na lang ako dahil sa kahihiyan kaya naman may kaunting katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Pasensya na po kayo Ma'am Maurene, hindi na po mauulit," mahina ang wika ko habang nakayuko pa rin sa harapan niya.
Hindi naman siya nagsasalita kaya naman tumingala ako para tignan siya. ngunit hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan dahil mukha na namang scanner ang mata nya na nakatingin sa akin mula itaas hanggang ibaba at tumitig ito sa gitnang parte ng katawan ko.
Napakamot nalang ako sa batok ko habang napapatingin sa kawalan dahil sa pagtitig niya sa akin na para bang gusto niya na lamang akong lamunin ng buhay.
"AHEM. UHMM. AHEM," sinusunod ko pagklaro ng aking lalamunan dahil hindi talaga siya nagpapatinag sa pagtitig sa aking katawan.
"Okay basta hindi na iyon mauulit pa, dahil kapag ginawa mo pa ulit yun sa akin isusumbong kita kay Papa," nanumbalik ang katarayan niya yung sa akin pagkatapos niya akong gahasain ng gamit ang kanyang paningin.
"Makakaasa po kayo Ma'am. Pasensya na po ulit, magbibihis lamang po ako dahil baka may masamang mangyari po sa akin ngayon," itinatago ko ang pagngiti ko dahil baka makita niya ito sabay iwas at lakad papunta sa aking kwarto para magbihis.
Para kasing kusa akong nahubaran sa tuwing tumititig siya sa akin. Ibang iba sa pakiramdam sa tuwing tumititig siya.
Napapailing na lang ako at natawa habang nagbibihis sa aking sariling kwarto.
Tsk. Patay tayo diyan Nathan.
MAURENE
Nakakainis lang.
Paano ba naman kasi nagpunta ako sa likod bahay para singilin siya sa kanyang ginawa ngunit mas maka pinagsisihan ko pa ang aking pagtingin sa kanya dahil sa naabutan kong sitwasyon naming dalawa.
Mayroon naman silang CR na may sarado pero bakit mas pinipili niyang maligo sa labas ng kanilang quarters.
Naabutan ko tuloy syang half naked at sa palagay ko ay Wala talaga siyang suot na panloob habang nakatapis siya ng towel na nakasabit sa kanyang baywang.
Mahalata rin kasi ang bakat na bagay na iyon sa kanyang hinaharap.
Napatitig lang ako sa kanya ng magandang katawan habang nagsasalita siya.
Katulad nga ng Sabi ko napapahinto na lang ako at napapatitig sa tuwing nakikita ko siya. ayaw kong sisihin ang sarili ko dahil siya naman talaga itong nagbibigay ng motibo sa akin kaya ko ito nagagawa.
Kaya naman ng nagmadali siyang pumasok sa kanyang kwarto ay nagmadali na rin akong pumasok sa aming bahay dahil sa pagkapahiya.
Pakiramdam ko ay nahihiya ako sa sarili ko dahil sa aking mga pinaggagawa.
Kinahapunan ay naabutan ko siyang magpapatuloy sa kanyang ginagawa sa hardin. Kasalukuyan na siyang magtatanim ng mga paborito kong halaman.
Nahihiya man ako sa kanya ay lumapit na rin ako para tulungan siya. Nakatalikod siya sa akin habang siya ay nagtatanim ng mga halaman. Nakasuot siya ng itim na tank top at basketball short na kulay blue.
Naka payabyab din siya ng sumbrero at halatang pinagpapawisan siya dahil sa init ng araw sa oras na alas-tres kaya naman nangingintab ang kanyang mga balikat pati na rin ang kanyang mga braso.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Kaya naman hindi niya namalayan ang aking pagdating.
"Nagsimula ka na palang magtanim ng mga halaman. Hindi mo man lang ako tinawag," wika ko ng maupo ako sa kanyang tabi.
"Ma'am mahilig ka palang manggulat ano," kitang-kita ko naman ang pagkabigla niya nang makita niya ako.
"Sorry naman akala ko kasi ramdam mo ang pagdating ko," may tunog na pagka mataray ang pagkakasabi ko nito habang umiirap sa kawalan.
"Kapag Kasi dumating ka ma'am sabihan mo ako para masabayan kita sa pagdating mo," ayan na naman ang mga linya niyang may dalawang ibig sabihin.
"Alam mo ikaw parang gusto mo yatang masisante dito ngayon. Napag usapan natin kanina na tigilan mo ako na sa mga ganyan mong mga linya pero heto at umuulit ka pa rin," tumayo ako at nagpa mahiwang sa harapan niya.
"Ma'am meron po ba akong ibang ibig sabihin sa aking mga sinabi? May mali po ba," tumayo siya at nagpagpag ng kanyang mga kamay saka tumingin sa akin.
Sa mga ganitong pagkakataon ay pakiramdam ko ay ako ang talunan dahil sa tuwing tititig siya sa akin ay gusto ko na lamang lamunin ako ng aking damdamin dahil napakarami kong naiisip na mga kahalayan sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.
"Para kasing may gusto kang sabihin na hindi mo masabi sabi," umirap ako ulit at hindi tumingin sa kanya.
"Kayo po yata ang hindi nagsasabi ng gusto nyong sabihin sa akin, kasi po nahahalata ko po kayo mula pa kahapon sa kusina habang kumakain at pagkatapos kumain, at pati na rin kaninang bago tayo magmeryenda nang matapunan mo ako ng macaroni salad at chocolate drinks, pati na rin po habang naliligo ako kanina sa labas ng aming quarters,"
Naku lagot seryoso na siyang nagsasalita ngayon. Pakiramdam ko ako yung huli pero hindi kulong. napahawak ako sa laylayan ng aking damit dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Patay ako nito dahil parang nahalata niya lahat ng aking naiisip mula pa kahapon.
"Anong anong ibig sabihin mong may gusto akong sabihin sayo na hindi ko masabi-sabi? Eh nasabi ko naman na lahat sayo hindi ba?" nagtudlo pa ko ng aking mga kamay at tiningnan siya ng mariin sa kanyang mga mata upang sa ganun ay hindi niya mahalata na totoo ang kanyang mga hinala.
Kung padadaig ako sa kanyang mga tingin ay Ako ang magiging talunan sa huli.
Laban Maurene.
"Sana lang po ay parehas lang sinasabi mo diyan sa laman ng isipan mo. iba po kasi yung nararamdaman ko sa tuwing tinitingnan ninyo ako mula sa itaas hanggang sa ibaba. Sa totoo lang po ay pinagpapawisan ako ng malagkit sa tuwing nararamdaman ko na nakatitig ka po sa akin," napakamot naman siya sa kanyang batok dahil tila ba nahihiya siya sa akin o kaya ay sa sitwasyon.
Bigla namang bumait ang tono nya na para bang sinasabi niyang linawin ko nalang ang lahat para naman hindi siya naghihinala sa akin.
"Bakit masama ka bang titigan? Sa palagay mo ba ina- eye r**e na kita kapag tinititigan kita? Feeling mo naman ha!"
Feeling ko ako na ang reyna ng in denial. Dahil lahat ng sinasabi ko ay hindi parehas sa laman ng isip ko. Sa totoo lang ay totoo ang kanyang mga sinabi at sapul na sapul ako doon.
Pero alangan naman na aaminin ko sa kanya ang tunay na laman ng isipan ko eh di ako ang magmumukhang green minded sa aming dalawa.
"Hindi naman po sa masama ma'am pero iba lang po kasi yung pakiramdam ng natititigan ng ibang tao. Para po kasing hindi ako nagiging komportable sa tuwing tumititig po kayo sa akin," hindi siya nakatingin sa akin bagkus ay nagkamot ulit siya ng kanyang batok.
"So kapag kinakausap kita gusto mo hindi ako nakatingin sayo? Hindi ba't mas kabastusan iyon?" Buwelta ko sa kanya.
"Ibang-iba po kasi ang pakiramdam ma'am sana po kapag kinakausap ninyo ako ay sa mata ko lang po kayo nakatingin at huwag na po sa iba't ibang parte ng aking katawan," titig na titig ang kanyang mga mata sa akin.
Pakiramdam ko ay tinakasan ng dugo ang aking mga pisngi.
Huling huli na ako pero ayaw ko pang umamin.
"Bakit ba sa katawan mo napunta ang usapan nating dalawa?"
Gusto kong ibahin ang usapan dahil sa usapang ito ay ako ang magmumukhang talunan sa aming dalawa.
"Eh iyon po kasi ang napapansin ko sa inyo sa tuwing kinakausap niyo po ako."
Paano niya namamanage ang pagiging magalang sa akin sa sitwasyon na ganito?
"Hindi ba pwedeng hinahangaan ko lang yung hubog ng katawan mo kaya napapatitig ako sa iyo at sa katawan mo?"
Ginawa kong simply ang pag-amin ko para lang maging light ang usapan naming dalawa.
Sana lang ay hindi niya ako kantsawan o kaya naman ay pagtawanan dahil sa aking simpleng pag amin ng paghanga ko sa kanya ng hubog.
"Naku ma'am, wala naman pong kahanga-hanga sa akin. Isa lamang akong hamak na hardinero ng inyong pamilya," halata ko ang nahihiya niyang itsura ngayon habang kausap ko siya.
"At kapag hardinero hindi na pwedeng hangaan, ganun ba yun?"
"Hindi naman po sa ganun pero nakakahiya lang po kasi na hangaan nyo po ang tulad ko," napapangiti siya na may halong hiya habang pasulyap-sulyap sa aking mga mata.
"Bakit ka nahihiya eh parehas lang din naman tayo ng tao hindi ba?"
"Opo parehas lang po tayo ng tao pero ang pagkakaiba po natin ay mayaman kayo at ako ay mahirap lang."
"Iyan ang dapat mong tanggalin sa isipan mo dahil hindi ako kagaya ng iba na nagmamaliit ng ibang tao dahil lamang sa sila ay mahirap o kaya ay hindi umaangat sa buhay."
Napayuko naman siya sa aking sinabi.
Pakiramdam ko ay ang bait bait ko sa mga sinasabi ko ngayon. Ako pa ba itong nagsasalita?
"Sige po Ma'am Maurene, pasensya na kung ito ang mga nasabi ko pero salamat na rin po dahil may humahanga po sa isang katulad ko," magalang pa rin ang boses niya sa akin sa kabila ng mga napag-usapan namin hindi gaanong pabor sa akin.
"Okay sige magtanim ka na diyan at tutulungan na kita," pag-iiba ko ng usapan.
"Ma'am ako na lamang po ang gagawa nito i-check niyo na lang po mamaya dahil baka po marumihan pa ang inyong mga kamay," pinigilan niya ang paghawak ko ng lupa at pinagpag pa iyon gamit ang kanyang mga kamay.
May pagkamagaspang ang kanyang kamay na halatang sanay sa trabaho. muli ay napatitig na naman ako sa kanyang mga kamay at napatigil kami sa pagsasalita dahil naramdaman ko ang unti unti kong pagpisil sa kanyang mainit na palad.
Bigla naman akong napatingala dahil sa ginawa ko at nahuli ko ang kanyang mga mata na nakatitig na rin pala sa akin.
Bigla kong binitawan ang kanyang mga kamay ngunit ayaw niya itong bitawan.
"Sa totoo lang po ma'am maganda po kayo kung Sana po ay ka-level ko kayo ay niligawan ko na kayo kahapon pa,"
Shocks. Seryoso ba siya? Anong problema sa estado ng buhay ko bakit ito pa ang nagiging hadlang para ligawan niya ako?
Ni hindi ako makasagot sa kanyang mga sinabi. hawak-hawak pa rin niya ang mga kamay ko habang nakatitig ako sa kanyang mga mata at maging siya ay nakatitig rin sa aking mga mata. Kapwa nag-uusap gamit ang mga paningin.
Bigla naman siyang nagsalita kaya nagbago ang lahat sa sitwasyong aming kinatatayuan.
" Sige po ma'am Ako na po ang bahala dito sa pagtatanim. At mamayang gabi po susubukan ko pong diligan ang mga butil ng halaman ninyo makakaasa po kayo," pagkasabi nito ay ngumiti siya at sabay kindat sa akin.
What? Too early para isuko ko ang aking hardin.
Isa lamang ang totoo.
Si Nathan Francisco ay sobrang maginoo ngunit sobrang bastos pala nito.
Haaayyy. Nakakaloko.
End of Chapter Four.