Chapter Five
MAURENE
DUMAGDAG pa ang alas tres ng hapon sa init na aking nadarama.Paano ba naman kasi yung mga dual meaning na mga sinasabi niya ay nakakadagdag talaga ng init sa pakiramdam.
Gustong mag init ng ulo ko dahil kanina lang ay sinaway ko sya sa kanyang pagiging greenminded pero hindi ko magawa ngayon dahil tila ba bumibigay na ako ng todo sa kanya.
Kaya naman hindi na ako nagsalita pa. Imbes ay itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagtatanim.
Maging siya ay hindi rin nagsasalita habang tinutulungan ko siya sa kanyang ginagawa.
Mag-aalas singko na ng hapon ng matapos kami sa pagtatanim ng mga halaman.
Naupo naman ako sa kahoy na gawa sa ugat ng kahoy habang tinitingnan lang siya na nagliligpit ng aming mga ginamit sa pagtatanim.
Halatang gamay na gamay niya ang kanyang trabaho dahil alam niya kung saan niya ilalagay ang mga materyales na ginamit namin sa aming pagtatanim ng mga halaman.
Halata namang sobrang pinagpapawisan siya dahil sa init ng maghapon. Nangingintab kasi ang mga balikat niya pati na rin ang kanyang mga braso. At kahit itim ang kanyang tank top ay halatang basang basa narin ito sa pawis.
Nang matapos niyang iligpit ang mga materyales ay tumayo siya sa isang gilid sa tabi ng punong mangga at doon nagpunas ng pawis. Tinanggal niya ang suot niyang payabyab na sumbrero saka ito ay pinatay sa kanyang pawisang katawan.
Kitang-kita ko naman ang dahan-dahan niyang pagtanggal ng pang-itaas na damit sa kanya ito isinampay sa may sanga ng punong kahoy.
Para bang napapalunok na lamang ako habang nakatitig sa kanya.
Parang nag slow motion pa ang paraan niya ng pagpupunas ng kanyang pawis gamit ang face towel na kanina ay nakasampay lang sa balikat niya. Naliligo ng pawis ang kanyang buhok at maging ang kanyang noo ay nangingintab din dahil sa pawis.
Maraming beses ko nang binanggit na hindi batu-bato ang tipo ko sa katawan ng isang lalaki. Yung hubog niya ang mga tipo ko dahil hindi man ganun ka build up ang muscles ay may laman naman siya.
Kumurap-kurap naman ako nang mapansin kong mapadako sa aking direksyon ang kanyang atensyon. agad akong tumayo at naglakad paalis sa pwesto na iyon.
Ngunit ikinagulat ko nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Ma'am Maurene,"
Nilingon ko siya at nakita kong papalapit siya sa akin. Nakasampay sa kanyang balikat ang itim na tank top at nakasuot muli sa kanya ang payabyab na sumbrero.
Habang papalapit siya ay papa bilis naman ng pabilis ang pag t***k ng aking puso.
"Ha? Bakit may kailangan ka ba?"
Mabuti na lang at may natagpuan ako ng tamang salita habang nadidistract ako sa kanyang paglapit.
"Itatanong ko lang po sana kung nakalabas na po kayo sa bahay na ito o kaya ay sa bakuran ninyo sa mga nagdaang araw?"
Tanong niya habang isa-isang nililinis ang kanyang mga daliri sa kamay dahil may mga lupa pa ito.
"Lumalabas naman ako para mag grocery o kaya naman ay mag-jogging ng madaling araw bago ako matulog ulit. Pero para gumala ay hindi ko pa nagagawa dahil hindi ko pa masyadong kilala ang mga tao dito. Hindi kasi ako dito lumaki," sagot ko sa kanya.
"Ah ganun po ba? Gusto niyo po bang sumama sa akin mamaya meron po kasing handa at sa bahay ng kaibigan ko," mukha namang nahihiya siya habang sinasabi niya ito dahil sa pagkakamot niya ng kanyang batok.
"Anong handaan? Nakakahiya naman kung sasama ako pero hindi ako imbitado. Hindi ba?"
"Naku ayos lang iyon mababait naman ang aking mga kaibigan at saka gusto ka rin naman nilang makilala dahil ikwinento kita kahapon nang lumabas ako," sobrang luwag ng kanyang pagkakangiti habang sinasabi niya ito na para bang proud pa siya ng ikwento ako sa kanyang mga kaibigan.
"Sure ka? Ano ba yung handaan na iyon, birthday?"
" Opo birthday po ng anak ng barkada ko," sagot naman niya na may halong pagkagiliw sa kanyang mukha.
"Sure ka ha baka nakakahiya. Mamaya hindi ako invited tapos nandun na ko," paniniguro ko sa kanya.
"Naku Ma'am. Wala pong problema doon. Ako po ang bahala sa inyo," very positive naman ang kanyang boses Kaya naniwala na lang ako sa kanya.
"Sige anong oras ba iyon para naman makapaghanda ako?"
"Nagsimula na po iyon kaninang 4:00 pa Ma'am. Hahabol na lang po ako kasi po tinapos ko pa po ang trabaho ko dito."
"Hala bakit hindi mo sinabi sa akin kanina para naman hindi ka na late? "
May halong pag-aalala ang boses ko dahil parang ako pa ang dahilan ng pagkakadelay niya sa kanyang lakad.
"Ayos lang po yun ma'am. Kasama naman po kita mamaya papunta doon hindi po ba?" Ngayon ay ngumiti na naman siya habang nagsasabi nito.
Hari ba siya ng pagngiti? Hindi ko pa kasi sya nakitang sumimangot man lang. May time na may pag-aalala sa kanyang mukha ngunit mapapawi agad ito dahil sa kanyang mga ngiti at positibong aura.
"O sige magsa-shower lang ako at magbibihis. Magkita na lang tayo mamaya dito sa baba," paalam ko sa kanya.
"Sige po Ma'am. Huwag ka pa masyadong magpaganda dahil baka may makakita po sa iyo doon na barkada ko ay ligawan ka pa. Baka maunahan pa nila ako," kasunod nito ay may pilyong ngiti at kaunting tawa sa kanyang mga labi.
Ewan ko kung nagtitrip na naman siya pero isa lang ang totoo kinikilig ako sa mga linya niyang ganito.
"Ikaw ay ang mga linya mong ganyan," kunwari ay umirap pa ako sa kanya ngunit ngumiti din naman pagbalik ng tingin ko sa kanya.
"Pasensya na po ma'am. Ganito lang po talaga ako, mapagbiro pero mabait naman po talaga ako ma'am," aniya.
"At siya nga pala, huwag mo na pala akong tawaging Ma'am. Nagmumukha akong matanda," pahabol ko pa.
"Kung ayaw niyo po ng Ma'am, ano pong itatawag ko sa inyo, Mommy? Mama?"
Gusto ko ng mapa halakhak sa kanyang katanungan dahil sa kanyang natural na pagiging komedyante sa akin.
"Nakakarami ka na sa akin ha? Buti na lang hindi ako na-offend sa mga ganyang biro mo dahil kung ma-ooffend mo ako, naku, lagot ka talaga sa tatay ko," napapangiti naman ako habang nag sasabi nito sa kanya.
"Bakit Mommy papabugbog niyo po ba ako kay Sir Emilio?"
"Hindi naman. May ipagagawa lang siya sayo na hindi mo magugustuhan," sagot ko naman sa kanya.
"Bakit naman po hindi ko magugustuhan kung kayo po ang ipapatrabaho niya sa akin hindi po ba?"
"Sabi ko nga nakakarami kana naman ng mga linyahan mong ganyan. Excuse me hindi ako mahuhulog agad sa mga bitag ng mga linya mo. Strong ito no," itinuturo ko pa ang dibdib ko habang sinasabi ko ito.
"Hindi ko naman po intensyon na mahulog po kayo sa akin ma'am. Sadyang ganito lang po ang mga linyahan ko sa buhay kaya po siguro ganito ako magsalita. Masanay na po kayo sa akin dahil lagi po akong ganito sa inyo. Komportable lang po kasi talaga ako sa inyo dahil mukha po kayong mabait sa akin," seryoso ang pagkakasabi niya nito at maging ang mukha niya ay may kaseryosohan din kaya naman hindi imposibleng maniwala ako sa kanyang mga sinasabi.
"Okay sige naniniwala na ako pero wag mo na kong tawaging Ma'am dahil ayaw kong magmukhang matanda," pag-uulit ko nang aking request sa kanya.
"Bakit naman po hindi ma'am ang itatawag ko sa inyo eh anak po kayo ng aking mga amo?"
"Hindi ba't sabi mo komportable ka sa akin, kaya wag mo na kong tawaging Ma'am kung kumportable ka nga. Tawagin mo na lang akong Miss Maurene o kaya naman ay… basta… ikaw na ang bahala,"
"Sigurado po kayo diyan ka na ha?"
"Oo nga sigurado nga ako,"seryoso namang sagot ko sa kanya.
"Sige po tatawagin ko na lang po kayo ng Miss Ganda. Okay po ba iyon?"
"Hindi pa ba masyadong obvious na maganda ako?"
"Maganda naman po talaga kayo ng Ma'am. Kaya tatawagin ko na lang kayo ng Miss Ganda," maluwag pa rin ang pagkakangiti niya habang sinasabi niya ang mga salitang ito.
"Tanggalin mo na lang yung miss," at talagang agree pa ako sa gusto niyang itawag niya sa akin.
"Okay, Ganda," saka siya kumindat sa akin.
Diyos ko gusto kong maihi sa kilig dahil sa ginawa niyang iyon.
"At Ano po ang gusto niyong itawag sa akin?"
Maya-maya ay ito ang katanungan niyang hindi ko alam kung paano sagutin.
Nag-isip naman ako kaagad at tila ba hindi ako makahanap ng tamang salita upang sagutin ang katanungang ito hanggang sa mapadako ang tingin ko sa mukha niya pababa sa kanyang pawisang katawan.
Umandar agad ang aking malikot na imahinasyon kaya naman nakapag isip agad ako ng magandang itatawag sa kanya.
"Alam ko na kung ano ang itatawag ko sayo," excited pa ako sa pagsasabi nito sa kanya.
"Naku mam sa pagkakangiti ninyo ay parang natutuwa ako sa isasagot ninyo," maging siya ay excited na malaman kung ano ang nasa isip ko dahil mababanaag ko sa kanyang mukha ang kagustuhang malaman ito.
"Ang itatawag ko sayo ay MACHITO," nakangiti kong wika sa kanya.
"Ha? MACHITO? Ano po iyon? Machete? Matsing?" Nagtataka niyang tanong sa akin.
"Ang ibig sabihin nun ay macho gwapito. Ipinag combine ko lang ang dalawang salita para one word lang ito," hindi matanggal-tanggal sa aking labi ang mga ngiti na hindi ko talaga mapigilan.
"Bakit naman macho-gwapito ang tawag mo sa akin ang ganda? Eh hindi naman ako macho at hindi rin naman ako gwapito?"
"Basta ganyan kasi ang depinisyon ko ng gwapo at macho. Iyang mga ganyang tipo," katulad ng dati ay nagtaas-baba pa ang tingin ko sa kanya at sumunod naman ang paningin niya sa kanyang sarili.
Napapailing na lang siya dahil sa aking mga sinabi at tila ba ikinahihiya niya pa ang kanyang katawan kaya naman sa harapan ko ay nagsuot siya ng hinubad niya ang tanktop kanina.
"O sige Ganda, gagabihin na tayo sa pagpunta sa birthday. Mag-sashower at magbibihis. Magkita na lang po tayo mamaya dito sa baba," at dahil sa kahihiyan ay iniba nya na ang usapan at nagyaya na magprepare para sa pagpunta namin sa birthday ng anak ng kanyang barkada.
"Sure sige. Kita na lang tayo mamaya."
Nagkanya-kanya na kami.
Nagmadali naman akong naghanap ng aking maisusuot na damit. Gusto ko ay iyong simple lamang at hindi gaanong magarbo tignan. Sabi niya nga huwag akong masyadong magpaganda dahil baka ligawan ako ng kanyang mga barkada at maunahan pa siya. Natatawa ako sa sinabi niyang iyon dahil parang may attitude siya ng pagiging possessive which is one thing na gusto ko sa isang lalaki.
Pinili ko namang isuot ang isang fitted blouse na kulay pula at skinny jeans. birthday yun kaya hindi naman ako pwedeng mag suot ng maikling shorts sa o kaya naman ay mag bistida dahil napakapormal naman nitong tingnan.
Pagkatapos ay nagmadali na akong magshower.
Pagkalabas ko ng CR ay basang basa pa ang buhok ko dahil sa pagmamadali. alam ko naman ang galaw ko dahil napakabagal ko talaga compared sa isang tipikal na babae. Kaya naman nag double time ako.
Wala ng makeup makeup dahil sabi nya nga ay kahit hindi na ako magpaganda.
Pinili ko na lamang na ilugay ang aking buhok pagkatapos ko itong e-blower para matuyo naman kahit kaunti lang.
Nang masiguro kong maayos na ang hitsura ko ay kinuha ko ang purse ko at ang aking cellphone saka nagmadaling bumaba ng bahay.
Sa pasilyo ay Nakita ko si mama na pababa ng hagdan.
"Oh saan ang lakad mo? Bakit parang hapon na hapon na ay nagbihis ka pa ng ganyan?" Tapos baba ng tingin sa akin ni mama habang pumapanaog kami sa hagdan ng bahay.
"May birthday kasi akong pupuntahan ma. Yung anak ng barkada ni Nathan. Invited naman daw ako kaya pupunta na lang ako nakakahiya naman kung tatanggihan ko hindi ba ma? Anak pa man din ako ng kapitan ng barangay," sagot ko naman sa kanya habang inaakay ko rin siyang maglakad pababa sa hagdan.
"Kasama mo ba si Nathan papunta doon? Mag-iingat kayo ha at huwag kayong magpapagabi masyado," tanong at bilin ni mama sa akin.
"Opo ma, magkasama po kami at baka po hinihintay niya na ako diyan sa labas. Hindi po kami magpapagabi dahil aayain ko na po siya umuwi mamaya maya,"
"Oh siya sige kailangan mo din namang lumabas ng bahay paminsan-minsan at hindi lang nakakulong dito sa loob ng ating bakuran. Para naman makita mo ang ating barangay,"
Mabuti na lamang talaga at sobrang considerate ng aking mother. That's why I love her.
"Oh ayan na pala si Nathan pinapasok na pala siya ni Melissa sa loob," wika ni mama habang papalapit kay Nathan na nasa sala na pala at naghihintay sa akin.
Nakasuot naman siya ng kulay itim na shorts na may apat na bulsa sa tagiliran at isang puting plain t-shirt na tinernuhan ng itim na sumbrero.
Ang linis linis niyang tingnan na parang ang bango bango pa.
"Kanina ka pa ba dyan? Sorry natagalan ako,"
"Ah hindi naman Ganda kani-kanina lang,"
Sagot naman niya at parang ikinagulat pa ito ni mama dahil nag pa balik balik pa ang tingin niya mula sa akin patungo kay Nathan.
Maging ako ay nagulat dahil sa sitwasyon naming tatlo.
"Ah okay sige ma, mauna na po kami at baka gabihin pa po kami mamaya kung hindi kami pauwiin ng maaga dahil late kaming dumating," pag iiba ko naman ng usapan parang naman hindi na tanungin ni mama kung bakit ganda ang tawag sa akin ni Nathan.
Obvious naman ang dahilan kung bakit niya ako tinatawag na Ganda pero baka mas magtanong pa siya kung bakit ganun na lang ang tawag sa akin ni Nathan.
"Oh sige iho iha mag-iingat kayo ha at yung bilin ko wag kayong masyadong magpapagabi dahil baka delikado sa daan. Alam niyo naman ang pulitika," sabi pa ni mama sa aming dalawa.
"Wag po kayo mag-alala Ma'am. Ako po ang bahala kay ganda. Hindi po siya magagalaw hangga't nasa tabi niyo po ako peksman," nagtaas pa sya ng kanang kamay at nakangiting kinausap ang aking mama.
At sa ikalawang pagkakataon makaharap Si mama ay tinawag niya akong ganda. napaka awkward ng situation dahil tatahimik bigla si mama sa tuwing naririnig niya na tatawag ako ni Nathan na ganda.
"O sige ma, aalis na talaga kami ha baka gabihin kasi kami, bye" bumalik pa ako sa kanyang pisngi saka hinila si Nathan sa labas ng bahay.
Hila-hila ko pa rin siya kahit palabas na kami ng gate at para bang nagmamadali akong makaalis ng bahay para lang masabihan ko siya sa mga bagay na kailangan niyang tandaan.
Nang makalayo kami ng ilang metro sa bahay ay hinarap ko siya.
" MACHITO, please wag mo akong tatawaging ganda sa harapan ni mama o sa kahit na kanino na nasa loob ng bahay," seryosong pakiusap ko sa kanya.
"Bakit Ganda? May masama ba? Nahihiya ka bang close tayo?" Seryosong tanong niya.
"Hindi naman sa nahihiya ako pero hindi pa kasi alam nila mama na close tayo at sa kakakilala ko pa lang sayo diba? Kaya sana ay hintayin mo na lang yung right time na makita nilang close talaga tayo para hindi naman sila manibago hindi ba?"
Hindi siya sumagot bagkus ay tumango Tango lang siya at nakita ko naman sa kanyang mukha ang pag sang-ayon sa aking mga sinabi.
"Pasensya ka na talaga pero kailangan nating gawin ang ganung bagay," dagdag ko pa.
Hindi na siya nagsalita pero ngumiti lang siya sa akin at nagtaas baba ang kanyang mga kilay.
Teka nagpapa-cute ba siya sa akin? Dahil kung oo sobrang apektado ako sa pagpapa-cute niya.
"Oh siya. Tara na at baka gabihin pa tayo mapagalitan pa ako ni mama," pag anyaya ko sa kanya.
Nagpatiuna na akong maglakad para naman sumunod na siya sa akin. ngunit hinabol niya ako sa paglalakad at pumantay siya sa paglalakad ko.
At ikinagulat ko pa ang sumunod niyang ginawa habang sinasabi ang mga salitang:
"Hindi naman tayo pwedeng gabihin diba kasi may pangako ako sayo na didiligan ko ang halaman mo gabi-gabi. Kaya naman handa na ako mamaya para diligan ka," wika niya sabay akbay sa akin at saka ako idinikit ng mabuti sa kanyang tagiliran dahilan para maamoy ko ang natural niyang amoy na napakabango para sa akin.
Shocks. Ano kayang dilig ang gagawin niya sa akin mamaya? Sa halaman ko nga ba o sa akin talaga. I should be ready pero parang it's too early.
End of chapter five.