Chapter One
MAURENE
ISANG dahilan kung bakit ko ginustong magstay sa bahay habang naka-off ako sa work ay dahil nakakarelax ako, nakakain ko ang mga gusto ko na hindi na kailangang magluto for myself, and of course, nakakarelax and at the same time nakakakain ng husto habang pinagpapantasyahan ang aming sexy, hot and yummy gwapong hardinero.
“Melisa, sino ang bagong hardinero na iyan? Bakit ngayon ko lang siya nakita? Ilang araw na ako dito pero bakit ngayon ko lang siya namataan?” tanong ko sa kasa-kasama naming sa bahay na scholar nina Mama at Papa.
“Ma’am, si Nathan iyan. Matagal-tagal na rin siya dito. Kararating niya lang kahapon galing sa kanila dahil umuwi siya noong last week. Mag-iisang linggo din siyang nagbakasyon,” ani Melisa nang mai-abot sa akin ang isang baso ng ice cream na iniutos ko sa kanyang kunin kanina.
Nakaupo ako sa isang bakal na upuan sa labas ng bahay habang prenteng pinanonood ang mga nag-aayos ng ng aming bakuran. Nakaagaw ng atensyon sa akin ang isang lalaking ayon kay Melisa ay nagngangalang Nathan.
Nakasumbrero siya ng payabyab na medyo luma na, malaking sando na puti na halatang luma na rin at may mga mapa na ng pawis mula sa kanyang katawan at maong pants na ripped ang bandang tuhod. May green na face towel din na nakasuksok sa kanyang bulsa sa likuran habang hawak niya ang cutter at nagka-cut ng mga halaman upang sumakto sa hulma na gusto ni mama.
Nangingintab ang mga balikat niya sa pawis at dahil nasa ilalim sila ng sikat ng araw bandang alas diyes ng umaga ay tiyak na pagpapawisan talaga siya.
“Stay in ba siya dito?” tanong ko kay Melisa na nakatayo lang din sa tabi ko habang kumakain ako ng ice cream.
Nagtatagal pa ang kutsara sa bibig ko habang walang kurap na tumititig sa lalaking tila ba isang nakalalasing na inumin. Ang bawat paggalaw niya at pagcut ng halaman ay katumbas ng pagfeflex ng kanyang biceps na pamatay para sa akin.
Kaya naman wala pang ilang saglit ay nakalahati ko na ang ice cream sa malaking baso.
“Opo ma’am. Sa likod po sila nakatira,”
Habang naksubo sa bibig ko ang kutsara ng ice cream na unti unti kong tinutunaw ito ay bigla siyang humarap sa direksyon naming dalawa ni Melisa saka hinawakan ang laylayan ng kanyang malaking sando at biglang itinaas ito upang tanggalin ang kanyang puwing sa mata.
And then I saw his not so perfect body pero sa tingin ko ay enough na upang malaglag ang panty ng bawat makakakitang babae na nagnanais makakita ng magandang tanawin. He has a strong built na para bang kayang kaya ka niyang buhatin lang gamit ang isang kamay. The chest. Oh My God. Perfect. Ang sarap higaan. Mas magiging mahimbing pa ang tulog ko sa ganyang klase ng unan kung sakali.
“Ma’am, mukhang ina-eye r**e niyo na si Nathan,” natatawang wika ni Melisa.
Tila wala akong naririnig dahil nakafocus lang ako sa kanyang ginagawa.
Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kanya ay agad niyang ibinaba ang damit at tumingin sa direksyon naming dalawa ni Melissa. Kaya naman agad kong binawi ang titig ko sa kanya.
“Ano ulit iyon Melisa?” tanong ko sa katabi ko.
“Ma’am, nakatingin siya dito,” mahina ang boses ni Melisa pero sapat na para marinig ko iyon.
Dahan dahan kong ipinihit ang ulo ko sa direksyon ng binata at saka ko nakitang hawak na niya ang payabyab na sombrero at hawak niya lang ito habang nakakunot ang noong nakatingin sa direksyon naming dalawa ni Melisa.
Natural na nakakunot ang noo niya dahil nasisilaw siya sa sikat ng araw.
“Gosh, Melisa, hindi ko kinakaya ito,” magkadikit ang pang-itaas at pang-ibabang mga ngipin ko habang pasimpleng kinakausap si Melisa.
Saka naman biglang naglakad patungo sa direksyon naming dalawa ni Melisa ang gwapong hardinero.
Yung paglalakad niya palapit sa amin ay parang nasa movie na nagslow motion pa sa paningin ko. Hawak hawak ko ang kutsara at baso ng ice cream kaya naman habang papalapit siya ay patuloy lang ako sa pagsubo nito. Hindi ko alintana kung mangilo man ako sa lamig pero basta, mapapakain na lang talaga ako sa sobrang hotness niya.
Hanggang sa nasa tapat na namin siya.
“Mel, tubig nga. Kanina pa ako nauuhaw eh,” nagsalita siya at yung boses niya ay perfect din. Malalim at mucho.
“Wait lang ha? Kukuha lang ako sa loob,” ani Melisa.
“Kumuha ka na rin ng sa akin,” utos ko sa kanya habang umiiwas ng titig sa lalaking ngayon ay kinikilatis din ako.
Panay ang ngiti niya habang nakatitig sa akin at pilit naman akong umiiwas sa mga tingin niya.
“What?” pinilit kong maging firm dahil hindi talaga siya patitinag.
“Bago ka lang dito?” tanong niya sa akin.
Ha? Tinatanong niya kung bago ako dito? Sige, sasakyan ko ang pagka-inosente niya.
“Oo. Bakit mo tinatanong?” nagtaas kilay pa ako a kanya.
Napatingin naman siya sa malayo at nagpaypay ng payabyab sa katawan niya saka siya bumuga ng hangin na para bang naiinitan.
“Hindi mo pa siguro alam ang mga patakaran dito kaya prenteng prente ka lang diyan at nakaupo miss?” yung tono niya at tila gusto niyang malaman ang name ko.
“Marina,” sagot ko.
“Miss Marina. Kapag nakita ka ng may-ari ng bahay ay baka pagalitan ka. Kaya naman kung ako sayo, habang hindi pa sila dumarating ay magtrabaho ka na,” aniya.
Wow. Ganon ba talaga sila mama at papa? Nagagalit sila pag may mga tauhang tutula-tulala?
“Bakit? Masama bang maupo ako? Hindi ba pwedeng nag-oobserba muna ako? Bago ako dito diba? Kaya naman baka pwedeng bigyan ako ng time para mag-observe muna ng mga gawain,” baling ko sa kanya.
“Kapag alam mo ang gagawin mo, hindi ka na kailangang mag-obserba,”
“Kailangan pa rin,” sagot ko.
“Sa lagay mo para kang hindi sanay sa trabaho. Mukha kang hindi naghahawak ng marumi. Marunong ka bang maghugas ng pinggan man lang? Bakit ka nila kinuhang kasambahay? Porket maganda ka?” aniya.
Wow ha? Na-offend ako at pinagkamalan akong kasambahay. Porket luma ang suot kong damit at hindi ako magara mag-aayos ng sarili ay mukha na akong kasambahay? Hindi naman sa ina-under estimate ko ang mga kasambahay pero hindi magandang ijudge ang tao na porket ganito lang ang suot nila ay kasambahay na kaagad sila. Hindi ganon.
“Excuse me, huwag kang judgemental diyan ha? Anong akala mo sa akin? Inutil? May alam ako sa buhay at hindi moa lam kung ano at sino ako kaya huwag kang feeling all knowing diyan,” nabad-trip na ako sa kanya pero hindi pa rin nawawala ang pagpapantasya ko sa kanya lalo na sa tuwing ngingiti siya at sisilay ang pantay pantay niyang ngipin.
“Relax huy. Baka isipin ng mga kasamahan natin dito ay inaaway na kita kabago bago mo. Pwede bang makipagkilala na lang muna ako sayo. Tapos babalik na ako sa trabaho ko pagkainom ko? Kasi baka lumabas na yung anak ng may-ari ng bahay. Balita ko tanghali na iyon bumabangon dahil may pagkatamad daw talaga. Tapos baka masita pa tayo kapag nakikita tayong nag-uusap,” aniya.
What? Tamad ako? Sinong may sabing tamad ako? Late bumangon? Alas otso lang akong bumangon kanina, late na iyon? Ako ba ang pinagtitsismisan nila dito sa bahay?
How dare them?
“Nathan nga pala. Nathaniel ang buo kong pangalan,” iniabot niya ang kanang kamay niya para akipagshakehands at saka ko naman iyon tinignan muna.
Babawiin n asana niya iyon nang bigla kong abutin.
“Marina,” ako na ang nagshake ng hands niyang mainit-init pa. May pagkagaspang iyon at mukhang sanay na sanay sa trabaho.
Naabutan kami ni Melisa sa ganong posisyon kaya naman agad akong nagbawi ng kamay.
“Bakit ang tagal tagal mo sis?” bigla kong inakbayan si Melisa at iniremind sa kanya through gestures na hindi niya dapat ako ipakilalang anak nina mama at papa.
Nakausap ko na siya kagabi pa na huwag ako masyadong ipakikilala sa mga trabahador na anak ng may-ari ng bahay. Mula pagdating ko sa bahay last week ay hindi ako masyadong lumalabas at mula sa bintana ay sumisilip lang ako kaya naman walang nakakakilala sa akin. Ngayon lang ako nagkainteres lumabas nang may makita akong magandang tanawin kanina.
“Mukhang sa kamay mo pa lang ay hindi ka na sanay sa trabaho ah? Naku, anong trabahio ba ang pinasok mo dito Marina? Secretary ni ma’am? Taga timpla ng kape?” tanong niya.
Tiningala naman ako ni Melisa na nagtataka kung bakit ako tinawag na Marina ng lalaking nasa harap naming dalawa.
“Ah eh, tama. Secretary siya ni ma’am,” sagot ni Melisa at iniabot ang juice kay Nathan.
Kaya naman pala nagtagal siya dahil juice ang prinepare niya. Langhiya, tubig ang request tapos juice ang ginawa. Porket gwapo?
“Secretary? Bakit ganyang ang suot niya at asta niya? Dapat naka semi formal man lang ang dating para naman hindi ko pagkamalang kasambahay,” komento niya.
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway nang sinabi niya iyon.
“Ah kaya ganito ang suot niya ay dito kasi siya natutulog at titira muna, kasama natin,” palusot ni Melisa.
Ang galing ng batang ito. Kaya pala naging scholar ni mama.
Hindi pa rin ako makapagsalita dahil wala akong tamang salitang mahagilap dahil sa mga pagkabigla ko sa mga sinabi niya.
As in, wala siyang kaalam alam na ako ang anak ng boss niya at ngayon ay binash pa niya ako ng harap harapan. Humanda ka sa akin. Kung hindi ka lang yummy ay hindi ko palalampasin ang ginawa mo sa akin ngayon.
Makakaganti ako not this time pero sa mga susunod na araw.
Humanda kang lalaki ka. Paglalaruan kita. Sanay pa man din akong maglaro ng apoy.
Well, itetest ko muna kung hindi ko pa nakalimutan ang mga techniques ko.
At susubukan ko na iyon agad agad, sa mga susunod na araw.
Napapatango na lang ako habang tinititigan ko siya at habang kausap niya si Melisa.
“Oh siya, salamat sa pajuice ha? Babalik na ako at baka magising na yung tamad na anak nina ma’am at sir,” natatawa niyang wika nang maiabot kay Melisa ang baso.
“Oo nga pala, nice meeting you, Marina,” aniya sabay talikod at balik sa trabaho.
Anak ng… Tsk. Tamad ako?
Tawang tawa si Melisa habang tulala lang akong pumasok sa loob ng bahay dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga naganap sa labas.
Hindi ko kineri ang kanyang pagiging straight forward.
Buo na ang desisyon ko. I will take revenge. Not now but soon. Very soon.
NATHAN
PAGKAINOM ko ng juice ay agad na rin akong bumalik sa trabaho ko. Inatasan ako ni ma’am kanina na magtrim ng mga halaman at maging ulo ng pag-aayos ng mga halaman at landscape nila sa tapat ng kanilang malaking bahay.
Lumabas sila ng asawa niya dahil may mahalagang okasyon na dadaluhan dahil nga kapitan si Sir Emilio Trinidad.
Kababalik ko lang kahapon dito araw ng Biyernes mula sa bayan namin sa San Joaquin para magbakasyon saglit sa aking mga kapatid at nanay.
May bago na palang secretary si ma’am. Isang linggo lang ako nawala at nakakuha kaagad sila ng pamalit kay Vanessa na mas piniling mag-abroad na agad namang pinayagan ng mag-asawang Trinidad.
Hindi nga lang masyadong marunong manumit at umastang secretary ang pumalit sa kanya na nagngangalang Marina.
Nakapambahay siya ng shorts na mukhang malapit nang masira dahil wasak wasak ito na maong at sando na lulumain na rin ang kulay.
“Saan napulot nila ma’am yung bagong secretary nila Mang Pedring?” tanong ko sa matanda habang ito ay nag-aayos ng mga bato.
“Hindi ko pa nakikita ang pumalit kay Vanesa hijo. Meron na nga ba?” tanong nito sa akin.
“Nakita ko po kanina. Prenteng prente na nakaupo kasama si Melisa,”
“Hindi ko napansin pero siguro lalabas iyon ulit mamaya,” ani Mang Pedring.
Nagpatuloy na ako sa pagtitrim ng halaman.
Pagkapananghalian ay dumating ang mag-asawang Trinidad at lulan sila ng kanilang Montero.
Bumaba si ma’am at saka tiningnan ang ginagawa naming disenyo ng kanyang halamanan.
“Naku hijo, napakaayos naman ng pagkakatrim mo sa isang iyon,” itinuro niya ang isang halaman na maayos kong natrim kanina lang ayon sa hulma na gusto niyang ipagawa.
“Salamat po,” sagot ko.
“May mga dala akong mga bagong halaman at materyales. Pakitulungan na lang ang ilan sa pagbaba ng mga iyon sa likod ng sasakyan. Dinaanan naming kanina ni Eming sa Kyla’s Garden dahil maraming bagong deliver sa kanya kanina,” masiglang wika ni Ma’am Rosalinda.
Napakahilig ni ma’am sa halaman. Halos lahat nan g tauhan sa bahay nila ay hardinero at tagapagmaintain ng kanyang malawak na halamanan. Ako ang itinalaga niyang maging head nila dahil nakitaan niya ako angking galing sa pag-aayos ng kanyang pinakamamahal na halamanan.
Magdadalawang taon na rin naman ako dito kaya naman nakabisado ko na ang mga gusto ni ma’am na ipagawa sa kanyang halamanan. Halos taun-taon ay ipinababago niya ang ayos nito kaya naman ngayon ay abala talaga kami dahil gusto na naman niyang ipabago ang hardin.
Iba talaga pag mayayaman. Pati halamanan pagkakagastusan.
Kaya naman pagkasabi niya niyon ay tumulong na akong magbaba sa sasakyan ng mga materyales at mga maliliit na halaman na nasa maliliit na paso. Kasama ko ang ilan sa mga kabataang tauhan din ng pamilya Trinidad.
Inilagay namin ang mga ito sa lagayan ng mga bagong dating na halaman para naman doon mabigyan ng sapat na patubig at tamang sikat ng araw bago pa man mailagay sa dapat nitong kalagyan.
“Pagkalagay ninyo diyan hijo sumunod ka sa akin sa loob at ipapakita ko sayo ang disenyo na ipagagawa ko sa inyo. Pinicturan kanina ni Eming yung garden ng isa naming kakilala sa San Fabian. Napakaganda kamo. Eksakto ang laki ng area natin tapos kaunting polish lang ay magagaya na natin iyon,” excited pa ang matanda na magbalita sa akin.
“Oh sige po ma’am. Susunod na po ako pagkatapos nito,” sagot ko.
“Oh siya at magbibihis muna ako,” paalam niya.
Matapos naming gawin ang pinagagawa niya ay naghugas muna ako ng kamay at nagtuyo ng pawis gamit ang towel na nasa likod ko para naman mabawasan ang pag-aamoy pawis ko kapag pumasok ako sa mansion nila.
Bibihirang pagkakataon lang na makapasok ako sa loob dahil kung hindi kami tatawagin ay hindi rin ako papasok sa loob dahil una nahihiya ako, pangalawa, basta nahihiya talaga ako.
Kumatok ako sa main door at si Melisa ang nagbukas sa akin ng pinto.
“Si ma’am Rosa?” tanong ko.
“Ayy nasa taas po. Nagbibihis. Hintayin mo na lang dito sa sala,” binuksan niya ng maluwag ang pintuan na yari sa kahoy at nangingintab dahil sa barnis nitong kulay dark brown.
Inilibot ko ang tingin ko sa sala at nandoon ang malaking lumang litrato ng kasal ng mag-asawa. Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay ang pagbaba ni ma’am.
At nang makitang pababa na siya ay tumayo ako bigla.
“Oh hijo, ito pala yung sinasabi ko sayo kanina,” dala niya ang isang tablet saka lumapit sa akin.
“Ito oh,” saka niya iyon ipinakita sa akin.
“Maganda po,” komento ko.
“Gusto ko sanang lagyan pa natin ng kaunting place for a single swing sa gilid para naman magmukhang ganito ang style niya. Nagpa-order na ako ng parehong disenyo at idedeliver sa susunod na linggo,” aniya.
“Sa tingin ko naman po ay matatapos po agad iyon at hindi na aabutin ng buwan,”
“Naku sige nga hijo at may kaunting salu-salo dito sa susunod na buwan dahil sa pagtatapos ng anak ko sa kanyang Master’s Degree. Dadalo ang mga kilalang pamilya kaya dapat lang na maganda ang hardin natin,” wika pa niya.
“Sige po. Ihahabol natin iyan,”
Saka napansin ng matanda na bumaba si Marina mula sa hagdan.
“Oh, heto na pala ang bunso ko. Nakita mo na ba siya?” tanong niya sa akin.
Ha? Bunso?
“Anak niyo po?” halos hindi pa ako makapaniwala.
“Oo. Si Maurene,” nakangiting sabi niya.
“Maurene anak, siya yung sinasabi ko sayong nag-aayos ng mga halaman natin,” pagpapakilala niya sa akin.
“Ah, talaga ba ma?” tumaas pa ang kilay nito saka sarkastikong ngimiti sa akin.
Tsk. Naalala ko naman bigla iyong mga pinagsasabi ko kania.
Paktay ka Nathan. Paktay kang bata ka.
Babalik na ako at baka magising na yung tamad na anak nina ma’am at sir…
Nang maalala ko ito ay bigla akong nagkamot ng batok dahil nahihiya talaga ako sa mga pinagsasabi ko kanina sa kanya.
Siya pala iyon?
Naku po Jusko Po.
End of Chapter One.