Chapter Eight Nathan Pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong mali ang gagawin naming dalawa. Alam kong nadadala lang din siya sa mga ginagawa ko sa kanya at maging ako ay nadadala lang din sa mga ginagawa niya sa akin. Hindi naman talaga ako nakainom masyado at hindi rin ako nalasing kaagad sa ininom naming alak kanina sa birthday ng anak ni pareng Leo. Ngunit dahil hindi ko na talaga mapigilan ang aking sarili para tanungin siya kanina ay naglakas-loob na rin talaga akong i-corner siya bago pa man kami makapasok sa kanilang bahay. Ngunit dahil hindi siya umamin kaagad ay iniwan ko siyang mag-isa doon sa labas. Kaya naman katulad ng inaasahan ay sumunod din siya sa akin sa loob at ikinagulat ko talaga nang sumunod pa siya sa akin sa aming quarters. Doon ako naglakas loob na gawi