Chapter Nine NATHAN PINIPILIT kong iwasan siya dahil nararamdaman ko na gusto niya na naman akong lapitan. Umaga pa lamang nang makarating sa akin ang balitang iiwanan niya akong mag isa at ang aking mga kasamahan ay may pupuntahan. Iba na ang aking pakiramdam sa kanyang mga plano. Kaya naman hanggat maaari ay umiiwas ako sa kanya para malaman niyang seryoso ako sa aking sinabi sa kanya kagabi. Ngunit sadya yatang tuso ang babaeng ito. Gumagawa talaga ng paraan para ako ay lumapit sa kanya. O kaya naman siya ang lumapit sa akin. Hindi naman ako makatanggi dahil anak siya ng amo ko. Kasalukuyan na akong nagtatanim ng mga bagong biling halaman nang tawagin niya ako para mag merienda. Sa una ay gusto kong tanggihan ngunit talagang mapilit siya kaya naman lumapit na lamang ako at walang