Sarah
Wala nang hihigit pa sa sarap ng pakiramdam na makitang masaya ang aking asawa dahil lang nalaman nitong nagdadalang tao na ako. Pagkatapos ng limang taon na paghihintay, sa wakas ay pinagkaloob din sa amin ang anak na matagal na namin inaasam.
Ang matunog nitong tawa na para bang musika sa aking pandinig at ang masaya nitong ngiti na bumubuo ng pagkatao ko ang pinakamagandang bagay na natatanggap ko sa araw-araw. Itinuturing kong malaking biyaya iyon na galing sa itaas.
Ganito ang simpleng buhay na pinangarap ko. Makasama ko lang siya sa araw-araw ay kuntento na ako. Mayakap at mahagkan ko lang siya ay kumpleto na pagkatao ko. Ang kasayahan nito ay kasayahan ko rin. Siya na ang buhay ko mula ng mahalin ko siya. Sa kanya na rin umiikot ang mundo ko.
"Babe, ilang posisyon na ba ang nagawa mo sa panggagahasa mo sa akin diyan sa isip mo?" Nakataas ang sulok ng labi na tanong ni Jonas dahilan upang mahina akong matawa sa kapilyuhan nito.
"Anong pinagsasabi mo diyan?" Natatawang tanong ko pabalik sa kanya.
"Kanina ka pang nakatulala diyan at para bang ang lalim ng iniisip mo" sagot nito. Ngayon ay nag-uusisa na ang kanyang tingin. Nakataas pa ang kilay nito habang mariin na nakatingin sakin.
"Iniisip kita. Masaya lang ako na nakakasama pa rin kita hanggang ngayon," nakangiti kong sagot sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang beywang.
"Salamat at dumating ka sa buhay ko, Sarah..." malambing ang boses nito nang sabihin iyon, nakakahalina ito at ramdam mo ang pagmamahal sa paraan ng pagkakabanggit.
"Hindi ko alam kung ano ako ngayon kung wala ka. Hindi mabubuo muli ang pamilya ko kung hindi dahil sa'yo. Salamat babe, mahal na mahal kita," sabi pa nito at gumanti sa yakap ko.
Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang ako ang dahilan kung bakit naibalik sa kanilang pamilya ang nag-iisa nitong kapatid na si Jane.
Alam kong lahat ng bagay na nagyayari ay may dahilan. Sa bawat taong nakikilala natin ay may nakalaan na dahilan. Iyong iba ay nakikilala mo lang upang mag-iwan ng alalang hindi maganda at magbibigay ng aral sa ating buhay ngunit ang iba naman ay nakikilala natin upang mapasaya tayo.
Sa kaso ni Jane ay nakilala ko ang barkada niya upang mapasaya ang mga kaibigan ko at upang mabuo ang pamilya ng lalaking iniingatan ko.
"Mahal na mahal kita, Jonas. Alam mong handa akong gawin ang lahat para sa'yo, hindi ba? Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, tandaan mo iyan," agad siyang napabitaw pagkatapos kong sabihin iyon. Mariin ako nitong tinitigan na para bang sinusuri ang emosyon na nakikita sa aking mga mata.
"Bakit parang nagpapaalam ka?" nakakunot-noo nitong tanong dahilan upang matawa ako ng malakas.
"Anong nagpapaalam ang pinagsasabi mo? Alam mong ikaw lang ang meron ako bukod kay Mama," muli ko siyang niyakap pagkatapos sabihin iyon, at naramdaman ko na lang na hinalikan ako nito sa gilid ng ulo.
"Babe, ang makasama ka hanggang sa huling hininga ko ang tanging gusto ko. Walang sinuman o kahit anong materyal na bagay ang hihigit pa sa'yo," seryoso ang tinig nito ng sabihin iyon at muling humigpit ang kanyang yakap.
"Jonas, naiipit si baby," natatawa kong sabi at bahagya siyang itinulak palayo sa akin. Mabilis siyang bumitaw sa pagkakayakap at nag-aalalang tumingin sa medyo maumbok ko nang tiyan.
"Sorry, Son. Sorry. Huwag kang magalit kay Papa ah," mabilis siyang lumuhod at pumantay sa tiyan ko at kinausap ang tatlong buwan kong pinagbubuntis na para bang maririnig at maiintindihan siya nito.
"Son? Babe, hindi pa tayo sigurado kung lalaki siya o babae," natatawa kong sabi habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Babe, malakas ang kutob kong lalaki siya. May tiwala ako sa p*********i ko at alam kong lalaki ang anak ko" kumpyansa nitong sagot habang mawalak ang kanyang pagkakangiti.
"Oo na lang babe at saka anak natin, huwag mong solohin," sinamaan ko siya nang tingin ng sabihin iyon dahilan upang malakas siyang mapatawa.
"Anak, hindi ka pa lumalabas pero nagseselos na ang Mama mo sa'yo," natatawa nitong sumbong sa batang nasa sinapupunan ko.
"Tumigil ka nga, baka maniwala ang anak natin sa mga pinagsasabi mo diyan at magalit pa sa akin," muli ko siyang sinamaan ng tingin pero nananatili lang ang ngiti nito sa kanyang bibig.
"I love you, Babe!" malambing nitong bulong saka ako hinalikan.
Mahina akong napa-ungol ng dumapo ang kanyang kamay sa dibdib ko at marahan iyon pisilin.
"I love you!" nakangiting bulong nito habang magkadikit pa rin ang aming mga labi. Ngumiti ako sa kanya bilang sagot at mabilis siyang sinunggaban ng mapusok na halik.
Dahan-dahan akong gumalaw habang patuloy na nakikipaghalikan sa kanya at umupo sa kanyang tiyan habang siya ay nananatiling nakahiga pa rin sa kama.
Tumaas ang sulok ng labi nito dahil sa ginawa ko at agad dumapo ang malikot nitong kamay sa mga hita ko.
"Babe, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at muli kang angkinin," tila napapaos nitong bulong habang nakatingin sa p********e kong nakadikit sa balat ng kanyang tiyan.
Tanging manipis na pantulog lang ang aking suot at bakas na bakas doon ang masilan na parte ng aking katawan.
"Babe, come closer, " napapaos nitong bulong habang patuloy na nakatingin sa p********e ko.
Nakangiti akong sumunod sa sinabi nito at mas linapit pa ang p********e ko sa kanya.
Malakas na ungol ang kumawala sa bibig ko nang mabilis niya iyon angkinin na tila ba sabik na sabik.Ang matigas nitong dila ay patuloy sa pag angkin sa p********e ko, pinaglalaruan nitong tusukin at saka sipsipin ang dalawang pisngi nito. Napaliyad ako sa sarap nang pakiramdam na dulot ng kanyang ginawa.
Nasa gano'n na senaryo kami ng marinig ang isang katok mula sa pintuan. Malakas na napamura si Jonas dahilan upang malakas akong napahalakhak.
"Istorbo..." mahinang bulong nito at muling inangkin ang p********e ko.
"Anak, nasa baba ang mga kaibigan ni Jonas," malakas na boses nang aking Ina ang nagpatigil sa ginagawa ni Jonas sa pagkakababae ko at muling napamura.
Dumukwang ako upang makita siya at gano'n na lang kalakas ang aking tawa ng agad na sumama ang mukha nito sa narinig.
"Papatayin talaga kita, Ken." Nagdadabog nitong bulong nang umalis ako sa kanyang harapan at maayos na umupo sa kama.
Nakangiti ako sa kanya na tila ba nang iinis habang mabilis niyang isinuot ang pang ibaba nitong pajama. Nakasimangot siyang lumapit sa pintuan at binuksan iyon.
"Salamat, Mama. Susunod po kami sa baba," magalang nitong sabi habang kausap ang aking Ina na nasa labas ng aming kwarto.
Hindi ko na muling narinig pa ang tinig ni Mama at agad isinara ni Jonas ang pinto at saka napabuntong hininga siyang tumingin sa akin.
"Anong oras na ba? Bakit ngayon lang dumating ang dalawang iyon?" Naiinis nitong tanong sa kawalan.
Napatingin ako sa orasan at napakunot-noo ako ng makitang ten na iyon. Isang oras na pala kaming nakakulong sa loob ng kwarto at gumagawa ng milagro.
"Babe, baka may pinuntahan pa sila kanina kaya ngayon lang sila dumating," sagot ko sa tanong nito. Sinusubukan ko siyang pakalmahin dahil alam kong nabitin siya sa kanyang ginagawa kanina at ayaw na ayaw niya iyon.
Nasanay na ako na laging pumupunta dito sa bahay ang mga kaibigan niyang sina Trina at Ken. Nakikitulog sila minsan kung may oras sila dahil pare-pareho na silang abala sa kani-kanilang buhay. Kampante naman ako sa kanila lalo pa't mag nobyo ang dalawang iyon.
"Nag date lang ang dalawang iyon bago pumunta dito," naiinis pa rin na sabi nito. Ganyan na iyan si Jonas pag nabibitin. Madaling mainis at siguradong babawi at ipagpapatuloy ang naudlot na gawain pag nagkaroon ng pagkakataon.
"Babe, huwag ka ng mainis. Ipagpatuloy na lang natin mamaya," nakangiti kong sabi dahilan upang ngumiti siya.
" Sandali, magpapalit lang ako. Kung gusto mo ay mauna ka ng bumaba," sabi ko't tumalikod na sa kanya at naglakad patungo ng closet.
"Hindi babe. Sabay na tayo. Hihintayin kita," pahabol nitong sigaw kaya napangiti ako.
Araw-araw akong nagpapasalamat dahil binigyan ako ng lalaking mapagmahal, ng asawang maaruga at alam kong mahal na mahal ako at hindi ako iiwan at pababayaan kahit ano man ang mangyari.
Hindi katulad ng aking Ama na iniwan si Mama pagkatapos nitong mabuntis at walang pusong tinalikuran ang kanyang responsibilidad. Ang pinakamasakit pa doon ay gusto pa nitong ipalaglag ang batang pinagbubuntis ni Mama.
Masakit na malaman na hindi pa ako lumalabas sa mundong ito ay ayaw na sa akin ng aking Ama. Masakit dahil kahit hindi pa man niya ako nasisilayan ay gusto na niya akong mawala.
Dahil sa karanasan na iyon ni Mama ay minsan ay natatakot din akong magmahal ng subra. Natatakot akong ma-ulit iyon at mangyari sa akin dahil pag nagkataon ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Hindi ko alam kung makakaya kong mawala si Jonas sa akin.
Ngunit ang takot kong iyon ay unti-unting nabura mula ng dumating sa buhay ko si Jonas. Pinatunayan niya sa akin na hindi lahat ng lalaki ay katulad ng aking Ama.
"Babe, natulala ka na naman. Hindi ba ang sabi ng Doctor ay bawal sa'yo ang stress?" nabalik ako sa huwisyo ng maramdaman ang yakap ni Jonas mula sa aking likod. Hinalikan pa niya ang aking ulo pagkatapos sabihin iyon.
"Sorry, Babe. Bigla na lang kasi pumasok sa isip ko si Papa," matapat kong sagot sa kanya at bumuntong hininga. Ramdam ko ang bigat sa loob ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Siguro ay dahil sa tuwing naiisip ko ang aking Ama ay nasasaktan pa rin ako at ngayon ay dumagdag pa ang damdamin na sumiklab sa katawan ko na hindi ko matukoy kung ano.
"Babe, sinabi ko na sa'yo. Hindi mo kailangan pang isipin ang walang kwenta mong Ama. Nandito ako at hindi ko gagawin sa'yo ang ginawa niya. Hinding-hindi kita iiwan at ipagpapalit sa iba. Mahal na mahal kita, tandaan mo iyan" sabi nito at humigpit pa ang kanyang yakap.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa sandaling iyon ay para bang nahihirapan akong maniwala sa kanyang sinabi. Alam kong mahal ako ni Jonas at sa loob ng limang taon na nakasama ko siya ay napatunayan niya ang kanyang sarili.
Ngunit sa sandaling iyon habang nakayakap siya sa akin mula sa likod at inaamoy ang aking leeg ay tila ba may kakaiba. Hindi ko matukoy kung bakit pero ramdam kong may kakaiba.
Sana nga Jonas. Sana ay hindi mo gawin sa akin ang ginawa ni Papa kay Mama dahil ikamamatay ko pag nagkataon.
O baka napapa-praning lang ako dahil sa mga pinagdaan ni Mama.
"Babe, mahal na mahal kita. Alam kong mahal mo ako pero sana hindi dumating ang araw na magsawa ka na sa akin," humarap ako sa kanya nang sabihin iyon at malungkot na ngumiti.
Hinalikan ko siya sa labi at saka niyakap. Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata habang nanatiling nakayakap sa kanya. Naguguluhan ako sa aking sarili dahil nasasaktan at natatakot ako sa hindi ko matukoy na dahilan. Binabalot ng matinding pangamba ang buong pagkatao ko. Madalas kong maramdaman ang pag-aalinlangan pero napupunan iyon ng pagmamahal na pinaparamdam ni Jonas, nang atensyon na binibigay niya sa akin. Lahat ng iyon at tumatakip sa pag-aalinlangan na nararamdaman ko.