PAGE 2

1044 Words
“San Luis?” Anak!? Gusto niya ng anak at gusto niya ay sa akin siya magkakaanak!? B*liw siya, b*liw! Mabab*liw rin ako! “Sa Luis!?” Ginulat na nga niya ako sa kasal tapos mas ginulat niya pa ako nang sabihin niya na gusto niyang magkaanak sa akin. Anong akala niya!? Kapag bumay— “SAN LUISSSSS!!!” Napatayo ako nang malakas na tawagin ng lecturer namin ang apelyido ko. “M-miss, yes... A-ahh— I-i’m here,” sabi ko at itinaas ang kamay ko. Nakarinig naman ako nang mahihinang tawa na galing sigurado sa aking mga kaklase. “SAN LUIS!!!” sigaw ni Miss kaya naman napatayo na ako ng tuwid. “LABAS!!!” sigaw niya sa akin kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kunin ang mga gamit ko upang lumabas. “P-pasensya na po,” ani ko bago tuluyang lumabas. Pambihira naman kasi, kasalanan talaga ’to ni Luna. Masyado niya akong pinag-iisip kaya naman nawawala ako sa sarili ko. Tiningnan ko ang kamay ko at nakita ko sa aking daliri ang binigay niyang sing-sing sa akin kahapon. “Tanda ’yan na may asawa ka na.” Aish, ginulo niya ang tahimik kong buhay! Hindi ko man lang nagawa ang pangarap kong kasal. Pati ang mga katangian sa isang babae na gusto ko sanang mapangasawa ay hindi ko na naku— pero sandali, katangian? Ano nga ba ang mga katangian ang gusto ko sa isang babae? Una ang gusto ko ay mabait at sa palagay ko ay wala no’n ang babaeng Luna. Pangalawa ay mapag-alaga, hindi ko masasabi na maalaga ’yong Luna na ’yon dahil kakakilala lang namin at kung tutuusin nga ay hindi pa kami magkakilala. Pangatlo ay maganda. Napalunok ako nang biglang pumasok sa isip ko ang imahe ni Luna. Hindi ko naman maitataggi na ma— “Kenen!” “Maganda siya!” napasigaw ako dahil sa pang-gugulat na ginawa sa akin ni Joyce. “Ano ka ba naman, ’wag mo naman akong ginugulat ng gano’n. Mamamatay ako nang maaga.” “Pasensya na, tinatawag kasi kita kanina pa pero para kang walang naririnig,” aniya kaya. Tingnan mo, nawawala talaga ako sa sarili ko kapag naiisip ko ang babaeng ’yon! “Ano pa lang kailangan mo?” tanong ko sa kaniya at agad naman siyang kumapit sa aking braso. “Kenen, hindi kasi natuloy ang gagawin natin kahapon baka naman gusto mong ituloy na natin ngayon,” aniya. Gagawin namin kahapon? Anong bang gagawin namin kahapon? Tiningnan ko ang paligid namin at may iilang mga estudyante ang nadadaanan kami pero halata namang walang pakialam sa amin. Humarap ako kay Joyce at nagulat ako nang makita siya na nakatingkayad habang nakapikit at nakanguso. Itutulak ko na sana ang kaniyang mukha pero napapikit ako nang may kung anong liwanag ang tumama sa amin. “Bro, she will k*ll you.” Naitulak ko palayo si Joyce nang makilala ko ang dalawang lalaking nasa harap ko. “H-hindi, nagkakamali kayo,” saad ko at napalunok. Kinuhanan niya kami ng picture ni Joyce habang nakanguso sa akin si Joyce, baka isipin ni Luna na nambababae ako. “K-kaibigan ko l-lang siya.” “I know,” sagot nitong lalaking isa na mukhang masungit. “Don’t call me ‘masungit’ i’m Drake.” Nababasa ata nito ang iniisip ko, nakakatakot siya. “Recco,” sabi naman nang lalaking kumuha sa amin ng picture kanina. Pero anong bang ginagawa nila rito? Tiningnan ko ang kanilang mga suot at hindi naman sila naka-uniform ng katulad ng sa akin. “Aray ko.” Nakita ko na tumayo si Joyce mula sa pagkakaupo sa sahig dahil sa ginawa kong pagtulak sa kaniya. “Ang sakit ng p’wet ko, Kenan,” ani Joyce kaya naman napatingin akong muli rito sa dalawang lalaking kaharap ko. “S-sorry hindi ko sinasadya,” sabi ko. “Pagpagan mo nga ang palda ko,” utos sa akin ni Joyce na tumalikod pa sa akin upang pagpagan ang palda niya sa likuran. Papagpagan ko na sana ang palda niya nang magsalita na naman ang lalaking nagngangalang Recco. “She.will.k*ll.you,” anito kaya naman hindi ko na pinagpagan ang palda ni Joyce dahil mahahawakan ko nga naman ang kaniyang pang-upo kung papagpagan ko ang kaniyang palda. “C’mon, come with us,” sabi ni Drake at nauna nang maglakad. Sumunod ako sa kaniya at sinabayan naman akong magalakad ni Recco. “Kapag nakita niya ang picture na ’to sigurado ako, mata lang ang walang latay sa’yo.” Hindi ko alam kung nananakot lang ba siya o ano pero sa palagay ko ay kayang gawin ’yon ni Luna. “Recco, ’wag kang ganiyan kay Kenan,” saad ni Drake kaya naman mapapangiti na sana ako dahil ang akala ko ay pinagtatanggol niya ako mula kay Recco pero mas kinilabutan ako sa sinabi niya. “Masyado naman ang mata lang ang walang latay, mas maganda sigurong sabihin na baka mata na lang niya ang matira sa kaniya.” Ilang ulit akong napalunok dahil sa pinagsasabi nila sa akin. Mas gugustuhin ko na lang mangyari sa akin ang sinabi ni Recco kaysa sa mata na lang ang matira sa akin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero napansin ko na palabas kami sa campus kaya naman nagtanong na ako dahil hindi pa tapos ang mga klase ko para sa araw na ’to. “Saan pala tayo pupunta?” tanong ko sa mga kasama ko at si Recco ang unang nagsalita. “Kay kam*tayan,” sagot nito kaya napataas ang aking kilay dahil sa sagot niya. Ngayon palang nakikita ko na wala akong makukuhang matinong sagot sa lalaking ’to. Hindi na lang ako nagtanong dahil nakalabas na kami sa campus. Huminto sila kaya naman gano’n din ang ginawa ko. Nakita ko na kumaway si Recco at ilang sandali lang ay may isang itim na magarang sasakyan ang huminto sa aming harap. Bumukas ang pinto nito at si Luna ang nakita ko sa loob. “Let’s go,” anito at nagulat naman ako nang bigla akong itulak ni Recco papasok sa kotse. “Saan?” tanong ko sa kaniya. “Sa bahay mo,” sabi niya na nakapagpaawang sa aking labi “Bahay pala natin.” ‘Talaga bang seryoso siya sa mga ginagawa niya!?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD