PAGE 1

1039 Words
“Kenan San Luis, tinatanggap mo ba ang babaeng nasa iyong harapan upang maging iyong kabiyak at makasama sa hirap at ginhawa ng iyong buhay?” tanong nitong si Father na nasa harap ko kaya naman napalunok ako bago tingnan ang babaeng na sa aking harapan. Ano ba ang dapat kong isagot? Kapag sumagot ako ng ‘hindi’ ay baka bigla na lang akong bumulagta rito lalo na at nakakita ako ng b*ril kanina sa baywang nitong babaeng ’to. Kapag ‘Oo’ naman ay matatali ako sa babaeng hindi ko naman kilala at hindi ko naman mahal. At saka bata pa ako hindi pa ako nakakapagtapos ng kolehiyo, dapat ay entablado muna ang aking pupuntahan bago ang kasalan. “Answer his question,” sabi nitong babae sa harap ko kaya naman muli akong napalunok bago tumingin kay Father. “Y-y-yes po,” sagot ko, nanginginig ang aking boses pati na rin ang aking katawan. Tumingin naman si Father dito sa babaeng kaharap ko kaya naman tiningnan ko rin siya. “Luna Akira De Valle, tinatanggap mo ba ang lalaking nasa iyong harapan upang maging iyong kabiyak at makasama sa hirap at ginhawa ng iyong buhay?” tanong ni Father kaya naman hinintay ko ang sagot nitong babaeng nagngangalan palang Luna. Kapag sumagot siya ng ‘Oo’ ibig sabihin ay mag-asawa na kami. Kinilabutan ako sa aking naisip. “Yes,” sagot nito kaya naman tuluyan na talagan akong kinilabutan. Bakit ganito? Parang kanina lang ay nag-aaral ako nang mapayapa tapos sa pag-uwi ko ay isang kasal na ang naghihitay sa akin. “You may now kiss the bride,” sabi ni Father at napaatras ako nang biglang humarap sa akin si Luna. ’Wag niyang sabihin na hahalikan niya ako!? “Kiss the bride,” utos sa akin ni Father pero umiling ako kaya naman nangunot ang kaniyang noo. “I said, kiss the bride,” sabi ulit ni Father pero muli lang din akong umiling sa kaniya bago tingnan ang babaeng na sa harap ko. Nakatingin lang sa akin si Luna at hindi ko alam ang kaniyang iniisip dahil hindi naman ako mambabasa ng isip ng ibang tao. “Tara rito,” tawag sa akin ni Luna pero imbes na humakbang ako palapit sa kaniya ay umatras ako ng isang hakbang palayo sa kaniya. Magpapatuloy sana ako sa pag-atras pero napaigtag ako nang makita ko na mabilis na naglalakad papalapit sa akin si Luna. Napatingin ulit ako sa baywang niya at nakita ko na naman ang b*ril na nakasuksok do’n. Huminto siya sa aking harapan at ang akala ko ay hahalikan niya ako kaya naman pumikit na lang ako at hinintay ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi pero imbes na sa labi dumampi ang kaniyang labi ay naramdaman ko itong dumampi sa aking pisnge. “And now you’re husband and wife,” sabi ni Father kaya naman dinilat ko ang aking kaliwang mata upang silipin sila at nakita ko na nakatalikod na sa akin si Luna at si Father naman ay nag-aayos na ng kaniyang mga gamit. “Mabuhay ang bagong sakal— este kasal!” sigaw ng isang lalaki sa aming likod. “Tara na kakain na tayo,” sabi ni Luna bago magsimulang maglakad at iwan ako rito sa harap ni Father. “Kiss the bride,” bulong ni Father kaya naman dali-dali na akong sumunod kay Luna na medyo nakalayo na sa akin. Sana nananaginip lang ako, magising na sana ako sa panaginip na ito. Nakakakilabot ang panaginip ko na ito kaya naman sana talaga ay magising na ako. Sige na. Sige na, gumising ka na Kenan. Si Aling Lourdes ay siguradong nagagalit na dahil hindi mo pa nababayaran ang utang mo sa kaniya, kaya sige na Kenan gising na. Napahinto ako dahil bumangga ako sa pinto na nasa harap ko at hindi ko na napansin dahil sa sobrang pag-iisip ko. “Tss, how’s st*pid,” sabi ng lalaking nasa likod ko. Napapahiyang yumuko na lang ako at ininda ng palihim ang aking mukha. Masakit ang mukha ko kaya naman alam ko na hindi ako nananaginip. Bumuntot na lang ako kay Luna kung saan man siya pupunta. “Ngayon ay magsasama na tayo sa iisang bahay dahil mag-asawa na tayo,” ani Luna kaya naman sumabay ako sa paglalakad sa kaniya at tiningnan siya. “Ano!? Seryoso ka ba talaga sa ginagawa mong ’to!? Ngayon lang kita nakilala, hindi naman siguro sira ang ulo mo, ’no!?” tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang huminto sa paglalakad at bigla siyang humawak sa kaniyang baywang kung na saan ang kaniyang b*ril kaya naman napataas ako ng kamay at napaatras. “Sa tingin mo ba ay nagbibiro ako?” tanong nito kaya naman umiling ako dahil nakakatakot siya, sobrang nakakakot siya. “Kung gano’n ay ’wag ka ng tanong nang tanong dahil ayaw ko sa mga maiingay,” aniya kaya naman tumango ako. Tanging tango at iling lang aking naitutugon kay Luna dahil para bang umatras ang aking dila dahil sa takot. Hinawakan niya ang aking kamay, nagtayuan ang aking mga balahibo dahil sa kaniyang ginawa. “Gusto kong sa bahay mo tayo tumira,” sabi nito kaya naman napalunok ako. “S-sa bahay ko?” tanong ko rito at tumango naman siya bago siya muling maglakad habang hawak ang aking kamay. “Oo,” maikling sagot niya. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay. ‘Kasal na talaga ako, may asawa na ako pero hindi naman gano’n amg pangarap kong kasal.’ “’Yong sing-sing natin ay mamaya na ang dating,” sabi ni Luna kaya naman sa kaniyang mukha naman nalipat ang aking paningin. Hindi na lang ako nagsalita at mas piniling manahimik dahil baka bigla na lang akong bumulagta rito kapag nagsalita pa ako nang nagsalita. “At saka nga pala...” Muling tumigil sa paglalakad si Luna kaya naman napatigil din ako dahil hawak-hawak nga niya ’di ba ang kamay ko. “Gusto kong magkaanak tayo,” sabi niya na nakapagpalaglag sa aking panga. Anak!? Gusto niyang magkaanak!? Anong akala ni Luna na nagluluwa ako ng bata!? O baka naman... ‘Hindi.’ Umiling ako sa isiping gagawin namin ang bagay na ’yon. Hindi, ayaw ko pang mawala ang aking virginity!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD