Napataas ang kilay ng ginang nang marinig ang pananalita ng babaeng bagong dating. Isa iyon sa hindi gusto rito, masyadong magaspang ang ugali. "Ako dapat ang magtanong niyan, anong ginagawa mo rito?" tanong sa babae. "Bakit, Senyara Fatima, hindi ba ako welcome rito. As far as I know, ako lang naman ang girlfriend ng anak niyo?!" madiing wika nito na mas lalong nagpataas aa kilay ng ginang. "Ang babaeng iyon nga nakaapak dito, ako pa kaya na magiging manugang niyo," tahasang wika nito. Nabigla talaga ang ginang sa narinig buhat sa babaeng nasa harapan. Alam niyang maldita ito pero hindi naman niya alam na ganoon pala ito kakapal ang mukha upang sabihin iyon sa kaniya. Tumawa siya ng nakakainsulto. "Ang lakas ng loob mong sabihin na magiging manugang kita. Listen lady, ayaw ko sa'yo at