TAHIMIK na nagsiupuan sa bench nila ang players ng Bucayao Waters. Mabilis na uminom si Von Aldaba ng tubig nang abutan siya nito ng kanyang girlfriend. Seryoso nga lang siyang nakatingin sa bench ng kalaban habang pinagsasabihan naman ng coach nila ang apat niyang mga kasamahan. Napatingin nga siya sa scoreboard sa itaas at isang 9-0 run ang mabilis na nagawa ng kanilang kalaban sa pagsisimula pa lamang ng 3rd quarter. Habang pinupunasan siya ng pawis ng kanyang girlfriend ay agad na rin siyang tumayo. Marahan niyang ibinanat ang kanyang bisig at seryosong bumalik sa loob ng court nang magpatuloy na muli ang laro. “Masyado kayong umaasang makakahabol kayo,” wika ni Aldaba sa kanyang sarili at nang masambot niya ang bola mula sa kanyang kakampi ay agad siyang dinipensahan ni Semero