When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
MAKIKITA na sa itsura ng mga starters ni Kap ang pagod. Humihingal at pawisang nagsibalikan sa bench niya ang mga ito. Gusto na nga niya sanang pagpahingahin muna ang mga ito at palitan, pero nasa crucial minutes na sila at posibleng mabaligtad ang laban kapag pinalabas niya ang alinman sa mga ito. Maraming tubig nga ang ininom ni Ricky at napahinga nga siya nang malalim. Napangiti siya sa kabila ng pagod at napatingin sa scoreboard. Pagkatapos noon ay nakinig na siya sa mga sinasabi ni Kap sa kanilang lahat. “Depensa, depensa ang dapat ninyong pagbutihan. Anumang oras ay posibleng magmilagro pa si Aldaba. Nakita ninyo kung gaano siya kalakas. Iisa pa lang siyang magaling na player at ganito na kaagad ang nagagawang pagpapahirap nito sa atin,” wika ni Kap at napatingin siya kay Bar