When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KAKAIBANG atmospera ang naramdaman ni Ricky sa pagsisimula ng 4th quarter. Napatingin pa nga siya sa score sa itaas at lamang pa ng lima ang kalaban nilang Bucayao. Masaya siyang nakahabol sila noong nakaraang quarter, pero hindi ibig-sabihin nito ay panalo na sila. “May oras pa. Marami pang pwedeng mangyari,” bulalas ni Ricky sa kanyang sarili at nakapunta na sa kanila ang mga kalabang dedepensahan nila sa pangunguna ni Von Aldaba. Nakikita nga niyang kakaiba ang itsura nito lalo na nga nang mapatingin siya sa kalmadong mga mata nito. Mabilis na niyang dinepensahan si Cruz na kasalukuyang may dala ng bola. Seryoso niyang pinagmasdan ang bolang pinapatalbog nito. Nakikita niya ang malikot nitong pagkilos, subalit nababasa niya ang galawan nito. Hindi ito kagaya ng dribbling na