When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KINAHAPUNAN, agad na nag-practice si Rommel Alfante sa court na nasa kanilang bakuran. Sariwa pa nga sa alaala niya ang ipinakitang laro ni Ricky Mendez kanina sa laban nito sa Bucayao Waters. Ibang-iba na ito kumpara sa nakita niya rito nitong nakaraang CBL. Malinaw niyang nasaksihan ang malaking pagbabago sa laro ng player na iyon. “Hindi ko akalaing sasali ka sa Inter-Barangay, Ricky Mendez,” sabi niya sa sarili habang pinapatalbog ang bola. Kasalukuyan din siyang nakatingin sa basket at pagkatapos ay binitawan niya ang isang hindi kalayuang jump shot. Pumasok iyon at kasabay noon ay naalala niya bigla ang kanyang kuya Reynan. Wala ito ngayon sa bahay nila dahil nasa Maynila ito upang mag-review para sa board exam nito. Kung nandito raw ang kapatid niyang iyon ay baka si Mendez