When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAPATINGIN sa scoreboard si Morris pagdating nila sa kanilang bench. Ang mga kasama naman niya ay parang normal lang na nagsiupuan at lahat sila’y makikitang hindi pa pagod. Dito na rin nga nagsalita ang kanilang coach, hindi ito tumawag ng time-out para sirain ang momentum na nagagawa ng Canubing Panthers. “Kumusta ang kalaban ninyo?” tanong ng coach nilang si Leo Herrera, isang 36 years old at isa sa mga konsehal ng barangay ng Lalud. “Malakas sila coach. Magandang kalaban. Nakaka-thrill,” wika ni David Alamazan na relax lang na nakasandal sa kanilang bench. “Ikaw Rommel? Kumusta ang match up mo kay Mendez?” Napalagok kaagad ng tubig si Rommel nang marinig niya iyon. Sandali siyang sumeryoso na mabilis ding naglaho nang magbigay siya ng mapanlabang tingin sa kanyang coach