When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
SINUBUKAN pang maitabla ni Vallada sa score ng Canubing sa natitirang wala ng isang minuto ng laro na kung saan ang iskor ay 96-93. Alam niyang may pag-asa pa silang manalo lalo na nga’t tatlo na lang ang lamang ng kalaban. Nang nasa kanya na nga ang bola ay mabilis niyang sinalubong ang depensa na ibinibigay sa kanya ni Mendez. Aminado siyang parang linta ang depensa nito, pero mas malaki pa rin siya at mas mabigat kumpara rito. Gamit ang pisikal niyang lakas ay isinama niya ang binata sa kanyang paggalaw. Ramdam naman nga ni Mendez ang lakas ni Vallada kahit kapwa na sila pagod. Isa pa, halos isang buong laro siyang nasa loob ng court. Ni hindi nga niya inaasahang ibabad siya ni Kap, gayong ito pa lang ang unang beses na siya’y nakapaglaro rito. Iba ang ligang ito kumpara sa CBL.