When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAPAHAWAK na lang si Kap sa kanyang noo nang isa sa mga player na naman niya ang natawagan ng technical foul. Hindi niya ito inaasahan, pero kilala niya rin naman si Martin na reklamador talaga sa loob ng court, at madalas ay sa mga isang opisyal na laro. Alam din naman ito ng mga players niya at hindi na lang nila binabanggit para hindi ito umalis. Sa mga laro kasi nila noon, ay ang binatang ito ang kumakana ng kanilang opensa. Kung mawawala ito sa team ay mawawalan naman sila ng magaling na ace player. "Martin!" malakas na tawag ni Kap sa binata na hinahawakan pa nina Kaloy at Alfredo. Sinasabihan ng mga ito ang binata na huwag nang magreklamo dahil baka matawagan uli ito ng technical foul. Hindi naman narinig ni Martin ang pagtawag sa kanya ni Kap. Nakatingin pa rin siya sa ref