chapter 57

1575 Words

Hindi na ulit namin pinag-uusapan ang tungkol sa natuklasan ni Fhel dahil kasalo na naming maghapunan si Trey. "Wow! Ang sarap mo palang magluto, Kuya," puri ni Kylie kay Trey. Nalaman kasi nilang si Trey ang nagluto ng isang dish na nakahain. "I took some lessons when I was in college," sagot ni Trey. Kapansin-pansin ang maganda niyang mood habang nakikipag-usap sa mga kapatid ko at pinsan. Pinili kong manahimik at hayaan ang mga itong magkwentuhan. Likas na madaldal si Kylie at Fhel kaya hindi sila nauubusan ng topic. Magkatabi kami ni Trey habang nasa harapan naman namin ang tatlo. "Itlog lang alam kong lutuin," nakabungisngis na wika ni Kylie. "Pero proud kong masasabi na na-master ko lahat ng luto ng itlog!" may pagmamalaki nitong dugtong. "Alam mo iyong balut?" hamon ni Fhe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD