“Thank you kuya.” Mabilis na sinalubong niya ng yakap ang kuya niya nang papasok na ito sa kusina. “Ok na kayo ni Chris?” Tumango-tango naman siya. “Ewan ko ba sa kaibigan kong yan. Akala mo napakasuplado eh napakatorpe naman. Tsssskkk” “Baka kasi natakot sayo dati kuya. Diba ayaw mong may manligaw sakin?” “Really? So kasalanan ko pa na inabot ng ilang taon bago siya umamin sayo?” tila di makapaniwalang saad nito. Bigla naman siyang natawa sa sinabi nito. “No kuya. I’m just kidding. I love you! You’re the best kuya!!” Ngumiti naman ito. “Everything for our Princess. I love you too. You deserve to be happy.” Tugsh!!! It was Monday morning at naghahanda na si Mitch papasok sa opisina nang makarinig ng tila banggaan sa labas ng bahay nila. Dali-dali siyang bumaba. “S