Chapter 1 - Chris
“Hi Mitch! Can I drive you home?” Tanong ng schoolmate ni Mitch sa kanya nang malapit na sila ng mga kabigan sa gate palabas ng school na pinapasukan. Matagal na itong nagpapapansin sa kanya kaya natandaan na niya ang pangalan nito. Medyo hingal pa ito nang makahabol sa kanila.
“Hi Ren. Pasensya na pero susunduin kasi ako ni Kuya.” Aniya rito at binigyan pa ng tipid na ngiti.
“Ow…ganun ba. S-sige, sa susunod nalang siguro.” Anito at saka lang naalalang batiin ang mga kaibigan niya.
“Hi Lyca and Crystal.” Nakita pa niya ang pilit na ngiti nito sa dalawa niyang kaibigan.
“Hello.. ah goodluck nalang sayo Ren kasi alam mo naman laging may sundo itong kaibigan namin.” Wika ng kaibigan nyang si Crystal sa lalaki na pigil ang pagngiti. Siniko naman niya ito.
Sinabayan na sila nito sa paglalakad hanggang sa makalabas na ng gate. Usually naghihintay na sa labas ang kapatid niya but that time ay wala pa ito.
“Himala, wala pa ang kuya mo Mitch. By the way, mauna na ako kasi hinihintay na ako ni Mom. Bye.” Paalam ng kaibigan niyang si Lyca.
“I also gotta go nandiyan na ang sundo ko.” Nagpaalam narin si Crystal.
“Bye.” Kumaway pa siya sa mga kaibigan bago ang mga ito tuluyang makalayo.
Naiwan naman siya sa labas ng gate kasama si Ren. Isa itong engineering student sa school na pinapasukan. Siya naman ay kursong Business Management ang kinukuha ayon na rin sa kagustuhan ng kapatid niya.
She is Michelle Dela Torre. Their family owns one of the largest companies in the country pinamamahalaan ng kuya niya. Pamana pa iyon ng Lolo at lola nila. Dalawa lang silang magkapatid ng kuya niya at bantay-sarado siya rito dahil na rin siguro sa maagang nawala ang Daddy nila. Ang Mommy naman nila ay ginugugol ang panahon sa pagtatravel kasama ang mga amiga nito at kung minsan ay sa New York ito naninirahan dahil meron din silang bahay doon. Kaya masasabi niyang ang kuya niya ay parang ina na rin niya minsan at ama dahil sobrang inaalagaan at iniingatan siya nito at mahal na mahal.
Nauunawaan niya ang kuya niya kaya mas pinipili niyang magpakabait na kapatid dito.
“ah Mitch..pasensya ka na kung ngayon ko sasabihin to…baka kasi ito lang ang chance kong makausap ka na tayo lang…” parang kinakabahan pang sabi ni Ren sa kanya.
“ano yon?” tanong niya pero sa loob-loob niya ay parang alam na niya ang gustong sabihin nito.
“G-gusto sana kitang ligawan…kung ok lang..” diretso pa itong tumingin sa mga mata niya nang sabihin iyon.
Magsasalita na siya nang biglang may tumigil na kotse sa mismong harap nila. Nagtaka pa siya dahil hindi naman iyon ang kotse ng kuya niya kaya kunot-noong napatingin siya hanggang sa magbukas ang pinto sa driver’s seat niyon.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita si Chris—short for Christopher—na bestfriend ng kuya niya.
Si Christopher Alvarez. Ang unang lalaking nagpatibok ng puso niya.
He’s wearing a white rubber shoes, cream colored pants and a dark blue polo shirt.
Bakat ang malapad na dibdib sa suot nitong polo shirt at tila sasabog na ang muscles sa braso nito na bakat na bakat sa suot nito.
Napakasimple lang nitong manamit kung tutuusin but she likes it. Actually lahat naman yata ng qualities ng lalaking ito ay gusto niya. Well, aside sa pagiging suplado nito sa kanya.
“Mitch.” Anito sa seryosong tinig.
Namalayan nalang niyang nasa tapat na niya ito at tila nagtatanong ang mga matang nakatingin sa direksyon ni Ren.
Kilala na ito ng mga kaibigan niya at hindi na siya magtataka kung marami ang nakakakilala rito na mga kaiskwela niya dahil bukod sa palagi itong kasama ng kuya niya pag pinupuntahan siya ay masasabi niyang naging successful na rin ito dahil sa sariling pagsisikap.
Malakas din ang dating ng binata kaya di na siya magtataka kung marami ang nakakakuha ng interes dito. At isa na nga siya doon.
Tila kinabahan naman si Ren sa presensya ni Chris kaya agad itong nagpaalam.
“Good afternoon po. Sinamahan ko lang si Mitch habang naghihintay ng sundo niya. S-sige Mitch mauuna na ako. Pag-isipan mo sana ang sinabi ko.” Pabulong nalang ang pagkakasabi nito ng huling sentence kaya di niya sigurado kung narinig iyon ni Chris. Yumuko pa ito kay Chris bago tuluyang umalis.
“Nasaan si kuya?” tanong niya kay Chris nang akmang tatalikod na ito pabalik sa sasakyan. Tumigil lang ito saglit saka nagsalita nang hindi siya tinitingnan.
“May biglaang meeting siya kaya pinakiusapan niya akong sunduin ka. Let’s go.” Yakag nito sa kanya kaya agad na rin siyang pumasok sa sasakyan.
‘Ang suplado talaga kahit kailan.’naisip nalang niya.
Third year high-school pa lang siya noon nang una niya itong makilala. Dati itong classmate ng kuya niya sa school na pinapasukan niya ngayon, at simula noon ay naging malapit na ang dalawa.
She had a crush on him sa unang kita pa lang dito. Gwapo ito at matangkad katulad ng kuya niya. He has beautiful dark brown eyes, matangos din ang ilong nito and those lips…shit! Ito ang kauna-unahang lalaking nagustuhan niya. Marami ang nagpapalipad-hangin sa kanya at maraming nagta-try manligaw kahit noon pa, pero ni isa sa mga iyon ay walang nakakuha ng interes niya. Bukod sa napakahigpit ng kuya niya lalo na sa mga pumoporma sa kanya ay sadyang wala siyang makapa ni katiting na interes para sa mga nagkakagusto sa kanya
.
Pero itong Chris na to, he seems not interested in her. At medyo naapakan ang pride niya dahil doon. Maganda naman siya, actually ay kapansin-pansin ang ganda niya kaya marami ang nagkakagusto sa kanya. Matangkad din siya kumpara sa ibang kaedad niya. Hindi naman siya mataba o sobrang payat but she has a beautiful curve dahil malaman ang boobs at puwet niya. Kaya nasaktan siya na ni hindi ito nag-aabalang kausapin siya noon kahit panay ang lapit niya rito pag nasa bahay nila ito.
Ilang beses niya nang sinubukang makipagkwentuhan dito pero pakiramdam niya ay iniiwasan siya nito. Siguro ay napipilitan lang itong pansinin siya, lalo na ang sunduin siya ngayon. Sinubukan niyang magpapansin dito noon pero parang wala man lang epekto rito. Naisip nalang niya noon na siguro hindi nito type ang mga mas bata rito. Or baka may girlfriend na ito. O baka napapangitan ito sa kanya. Anuman ang dahilan nito, sinikap nalang din niyang itago ang nararamdaman dito sa pamamagitan ng pagtataray sa binata.
“Who’s that? Classmate mo rin ba yon?” biglang tanong ni Chris sa kanya habang bumibyahe na sila.
Nagulat man sa tanong nito ay hindi siya nagpahalata.
“Sa isang subject lang. Sa Engineering department siya.” Sagot niyang hindi man lang ito tinapunan ng tingin.
“Nililigawan ka ba niya? Or..boyfriend mo ba siya?” walang emosyong tanong nito.
Napataas naman ang kilay niya sa tanong nito.
“I think it’s none of your business.” Hindi niya alam kung bakit nag-uusisa ito eh hindi naman niya ito kaanu-ano at ni hindi naman sila close.
“Baka malaman ng kuya mo na-“
“Then let him know. Wala naman akong ginagawang masama.”
“O-ok. Pinapaalalahanan lang kita. Alam mo namang mahal na mahal ka ng kuya mo.”
Bigla naman siyang natahimik sa sinabi nito. Pagkuway sinagot ito.
“Yes, I know. Sasabihin ko naman sa kanya bago ako magboyfriend.” Nasabi nalang niya rito para tumigil na ito.
“Hmmmn.” Tanging sagot nito sa sinabi niya.
Hanggang sa maihatid siya nito sa bahay nila ay wala na ni isa sa kanila ang nagsalita.
“Salamat.” Nasabi nalang niya rito pagkababa niya ng sasakyan. Tumango lang ito bilang tugon bago umalis.
“How’s your day baby?” tanong sa kanya ng Mommy niya pagkababa niya sa sala pagkatapos makapagbihis. Ilang araw pa lang ang lumipas nang umuwi ito galing New York.
“hi Mom. Ok lang po.” Niyakap niya ito agad.
“Buti naman. Nasaan si Chris? Tumawag ang kuya mo, late na raw siyang makakauwi kaya si Chris na ang pinasundo sa iyo.” Ani Doña Lorena.
“Umalis na Mom. Bakit kasi di nalang tayo ulit kumuha ng driver para hindi na niya pinakikiusapan si Chris na sunduin ako pag busy siya?”
“Anak, alam mo namang iniiwasan lang ng kuya mo na mapahamak ka. Diba muntik ka nang ma-rape nung dati nating driver? Please just understand your kuya.” Anang kanyang ina sa malumanay na tinig.
Naalala nanaman niya nung 4th year high school siya. Nasa ibang bansa noon ang mommy niya at ang kuya niya ay may business trip at ilang araw hindi makakauwi. Mayroon silang driver noon, si Mang Berto na nasa lampas 40 ang edad. Isang hapon na sinundo siya nito ay di niya namalayang nakatulog pala siya sa biyahe at nagising nalang siya nang maramdamang may humahaplos sa mukha at braso niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang pagdilat ay makita si Mang Berto na mababasa ang pagnanasa sa mukha. Agad siyang napasigaw ngunit mabilis nitong tinakpan ng isang kamay ang bibig niya.
“wag kang mag-alala, magugustuhan mo rin ang gagawin natin..” bulong nito sa isang tenga niya at inilapit ang mukha sa leeg niya.
Nagpumiglas siya hanggang sa naalis ang kamay nitong nakatakip sa bibig niya.
“No!!! Help help he-“ sigaw niya ngunit mabilis rin nitong naibalik ang isang kamay sa bibig niya.
Galit siya nitong tiningnan at akmang sasampalin nang biglang bumukas ang pinto ng kotse at agad nahila si Mang Berto ng isang lalaki at pinagsusuntok at sipa hanggang sa nawalan na ng malay ang lalaki. Mabuti nalang hindi nito nailock ang pinto kundi ay baka tuluyan na siya nitong nahalay.
Takot na takot siyang umiiyak nang biglang pumasok sa kotse ang lalaking nagligtas sa kanya. Si Chris pala iyon. Bigla niya itong niyakap ng mahigpit at ganon din ang ginawa nito.
“Ssshhhhh..you’re ok now. I’m here.”
Masuyong bulong nito habang hinihimas himas ang buhok niya.
“Chris…” umiiyak na sumbong niya rito.
Lalo namang humigpit ang yakap nito sa kanya at pakiramdam niya ay hinalikan pa nito ang buhok niya.
She felt safe inside his arms. Hinayaan niya ang sariling umiyak sa mga bisig nito.
Nahuli naman ang dating driver nila dahil may mga nakasunod palang pulis sa binata.
Saka lang niya napansin na malalim na pala ang gabi at nakatigil ang sasakyan sa parteng maraming punong kahoy di kalayuan sa subdivision nila.
Paano kaya siya natagpuan ni Chris doon?
But she didn’t ask anyway. Ang mahalaga ay ligtas na siya. Nailigtas siya nito.
Dahil sa nangyaring iyon ay hindi na muli pang kumuha ang kuya niya ng driver at ito nalang ang naghahatid sundo sa kanya. At sa bihirang pagkakataon ay si Chris pag busy ang kuya niya.
Lalo lamang siyang nahulog sa binata dahil doon pero itinago niya parin ang nararamdaman para dito.
“Pero kasi Mom…”
“Hayaan mo na at parang pamilya narin naman natin si Chris. Parang magkambal ang dalawang yan eh.” Natatawang sambit pa ng Mommy niya.
“ok Mom.” Ngumiti nalang siya rito at tumango.
She is their princess kaya nagpapasalamat siya at mahal na mahal siya ng pamilya niya. Kahit bata pa lang siya nang mawala ang daddy nila ay hindi siya masyadong nangungulila rito dahil sobra-sobra pa kung mahalin at alagaan siya ng kuya niya.