“Oh my! Chris? Raf?” how are you two doing?”
“Jessica? Is that really you?” gulat na tanong ng kaibigang si Raf. Maski siya ay bahagyang nagulat sa pagdating ng babae.
Jessica Estrada. College classmate nila ni Rafael at naging kaibigan na rin naman. Ang huling balita niya rito ay isa na itong modelo sa Korea.
Bigla siyang niyakap nito kahit na nakaupo siya tapos ay saglit ding niyakap ang kaibigang si Raf.
“Who’s with you?” tila excited na tanong ni Raf sa babae.
His friend Raf did court her. Pero hindi naging sila ng babae. He didn’t ask the reason why back then.
“Just some friends. Kakauwi ko lang kahapon from Korea. I didn’t expect to see you guys here.” Tuwang tuwang saad naman nito.
“How are you Chris? The same old serious Chris?” Nakangiting baling nito sa kanya.
Natawa naman ang kaibigang si Raf.
“Nothing’s changed. Bukod sa lalong gumwapo. Right pre?” natatawang baling din ni Raf sa kanya.
“Kumusta Jess? Balita namin sikat ka na sa Korea.” Bati niya rito.
“Hindi naman masyado.”
Niyaya ito ni Raf na maupo muna sa table nila.
“Hanggang kailan ka rito sa Pilipinas?” usisa ni Raf sa babae.
“I’ll stay here for a month.” Malawak ang pagkakangiti ng babae sa tinuran.
“That’s good news! Siguro naman ay makakapunta ka sa 80th Foundation Anniversary ng kumpanya 2 weeks from now. Give me your address and I’ll send you an invitation.”
“Sure, it’ll be my pleasure. Pupunta ka rin Chris right?”
“Of course.”
Saglit pa ay nagpaalam na ito pagkatapos nitong kunin ang cellphone number nila ni Raf.
“Pare mukhang bumalik ang attraction ko kay Jessica. Did you see? Lalo siyang gumanda.” Tila hindi makapaniwalang saad ni Raf.
“Siyempre pre, model yon.” Balewalang sagot niya rito.
“Masyado ka talagang…nevermind na nga.” Muli na itong uminom pagtapos ay iiling iling nalang sa kanya.
“Bakit?” tanong niya rito.
“Wala. Uminom ka nalang diyan. Manhid.”
Nagulat man sa sinabi nito ay hindi nalang niya iyon pinansin at muling uminom. Marami na siyang iniisip para dagdagan pa ng tungkol sa sinabi nitong may kinalaman kay Jessica na wala man lang siyang interes.
“Kuya uminom ka ba kagabi?” tanong ni Mitch sa kuya niya nang mapansin itong tila masakit ang ulo ng umagang iyon habang kumakain ng breakfast. Kumakain ito ngunit paminsan minsan ay hinihilot ang sintido.
“Ah..oo. Konte lang. Nagyaya kasi si Chris.”
“ah.” Nasabi nalang niya.
“Hinatid ka pala niya kahapon sa opisina? Di ba siya ron nagtagal?” Tila bigla itong naging seryoso.
“Hindi naman kuya. Umalis din siya agad pagkahatid sakin sa labas ng opisina ko. Bakit kuya?”
“Wala. Naisip ko lang itanong.”
“Ah kuya, may naaalala ka bang tumatawag sakin ng sunshine?” bigla ay naisip niyang itanong dito at baka may alam ito. Mas kilala pa kasi nito ang mga gustong manligaw sa kanya noon kesa sa kanya.
“Sunshine? Wala. Bakit?”
“Kasi may nagpadala ng bulaklak sakin kahapon ng tanghali, nadatnan ko nalang sa opisina. I thought may idea ka kung sino kasi di naman nagpakilala pero nakalagay sa note tinawag akong sunshine. Nevermind kuya.” Muli ay ibinalik na niya sa pagkain ang atensiyon.
“Alam ba iyan ni Chris?” takang tanong nito.
“Y-yes…kasama ko siya kahapon. Di ba niya nabanggit sayo kagabi?” tanong niya rito. Pero naisip niya na siguro ay masyadong abala ang isip ng lalaki tungkol sa babaeng nagugustuhan nito kaya di na nito naisip banggitin iyon sa kuya niya. Mapait siyang napangiti habang nakatungo sa pagkain.
“No… Ah..now I trully understand.” Tamango tango pa ang kuya niya pero di niya maintindihan ang sinasabi nito.
“Understand? What do you mean?” nagugulumihanang tanong niya.
“wala. Kumain ka nalang.” Nakangiti na ito sa kanya nang sabihin iyon.
Maya-maya ay bigla itong muling nagsalita.
“Do you remember Jessica, yung classmate and friend naming babae nung college? I’m sure you met her before.”
Pilit niyang inalala. Pero di niya matandaan.
“I don’t think so kuya. Di ko maalala. Why? What about her?” patuloy siyang kumain at kukuha muli ng ham nang magsalita muli ang kapatid.
“I did court her pero si Chris ang gusto niya. We met her at the bar last night.”
Bigla ay napatigil ang kamay niya sa pagkuha ng ham.
‘So, iyong Jessica ba ang nagugustuhan ni Chris? Marahil ay sila na…’ di naiwasang nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon.
“Ah, I see.” Aniya. Parang nawalan na tuloy siya ng gana pero pinilit niyang ubusin ang kinuhang pagkain.
Hindi na niya nakita ang seryosong pagtitig sa kanya ng kuya niya.
Makalipas ang ilang araw, tinawagan si Mitch ng college friend niyang si Crystal. Kakauwi lang dw nito galing LA kaya niyayaya siyang magbonding. Agad naman siyang pumayag para makapaglibang at namiss na rin naman niya ang mga kaibigan.
Kasalukuyan na silang nasa bar ng gabing iyon dahil mahilig itong uminom. Umiinom rin naman siya pero hindi malakas ang alcohol tolerance niya dahil occasionally lang kung uminom siya dahil na rin sa pagiging strikto ng kuya niya.
“haaay na-miss ko talaga to! Namiss ko kayo!” halos pasigaw nang sabi ni Crystal sa kanila ni Lyca habang itinataas pa ang basong hawak na may lamang alak.
“Buti nga at umuwi ka. Masyado na akong nai-stress sa trabaho. Itong si Lyca naman lagi ring busy kaya di rin kami nagkikita masyado.”
“Sinabi mo pa Mitch. Akala ko dati paupo-upo lang pag may-ari ng kumpanya.”
“Masyado kasi kayong seryoso. Gayahin niyo nalang ako. Konteng work, and more guys..” kumindat pang sabi ni Crystal sa kanila ni Lyca.
“Tigilan mo nga kami diyan sa pagiging flirt mo.” Aniya ritong natatawa. Dati pa man ay mahilig na itong magcollect ng mga lalaki.
“Wag mo na akong idamay diyan dahil taken na ako.” Nakataas-kilay namang pagyayabang ng kaibigang si Lyca.
“Wag mo rin akong idamay diyan dahil hindi ako interesado.” Aniyang uminom ng alak.
“Masyado kasi kayong kj kaya lagi kayong stress!” pinanlakihan pa sila ng mga mata ni Crystal kaya natawa nalang silang magkakaibigan.
“Bro, nakauwi ka na ba?” bungad na tanong ni Raf sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito.
“I’m about to. Bakit pre?” nagtataka siya minsan kung bakit tinatawag siya nitong bro sa ibang pagkakataon kasi pare or pre naman talaga ang nakasanayan nilang tawagan.
“Kung ok lang sayo, pwede mo bang daanan si Mitch sa isang bar? Just to check kung sino ang mga kasama niya. I’m just worried but I can’t go there myself dahil may kailangan akong tapusin dito.”
Saglit siyang natigilan sa sinabi nito. May dadaanan pa sana siya bago umuwi sa condo niya pero di na siya nagdalawang isip na pumayag sa hiling ng kaibigan.
“S-sure pare. Just tell me her location.”
“Silipin mo lang pre kung sino ang mga kasama niya. You don’t have to wait for her, I know busy ka. I just wanna know kung mga kaibigan niya lang ang kasama niya. Thank you bro. Ang dami ko nang utang sayo. Hayaan mo makakabawi rin ako sayo.” Mahabang sabi nito sa kabilang linya.
“Don’t mention it. Ikaw ang mas maraming naitulong sakin. Don’t worry, I’ll check on her para mapanatag ka.”
Sinabi na nga nito ang lugar kung nasaan si Mitch kaya agad na rin siyang pumunta doon pagkatapos ng pag uusap nila.
Mitch was with her college friends. Kung tama ang pagkakaalala niya ay Crystal and Lyca ang pangalan ng mga ito. He sent a message to Raf to confirm na mga kaibigan nga lang ni Mitch ang kasama nito.
Isang oras na siyang naroon habang nagbabantay mula sa isang madilim na sulok kaya di siya napapansin ng mga ito.
Paalis na sana niya nang biglang may lumapit sa mga ito na isang lalaki.
Napakunot-noo siya nang maisip na tila ay nakita na niya ang lalaking iyon.
Tumabi ito kay Mitch at tila masaya pang nagkwento ang lalaki. Maya-maya pa ay umalis ang dalawang kaibigan ng dalaga kaya naiwan doon si Mitch at ang lalaki.
Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga ito kahit naiinis na siya. Naalala na niya kung saan niya ito nakita. Ito yong lalaking kasama noon ni Mitch sa labas ng gate nung minsang sunduin niya ang dalaga sa iskwelahan. Ito yung lalaking pumuporma dati kay Mitch.
“Hi pretty boy. Kailangan mo ba ng kasama?” malanding saad ng isang babae at humawak pa sa balikat niya pero hindi siya nag abalang tingnan ito.
“I want to be alone.” Aniya sa malamig na tinig habang nakatingin parin kina Mitch.
“ay suplado…tara na nga girls.” Narinig nya pang sabi nito bago umalis.
Uminom siyang mag-isa habang patuloy na nakabantay sa isang sulok. 10 minutes..20 minutes..30 minutes na ay nandoon parin ang lalaki.
Naiinis na siya kakamasid at sa pag iisip kung ano ba ang pinag-uusapan ng mga ito.
Biglang hinawakan ng lalaki ang kamay ni Mitch kaya bigla siyang napatayo sa kinauupuan.
Lalapitan na sana niya ito nang agad namang hinila ni Mitch ang kamay na hinawakan ng lalaki kaya muli nalang siyang umupo.
Lalo siyang naiinis sa isiping iniwan ito ng mga kaibigan para masolo ng lalaking iyon ang oras ng dalaga. Mabuti nalang ay bumalik na rin ang dalawang kaibigan ni Mitch dahil konte nalang talaga ay lalapitan na sana niya ang mga ito.
Dumaan pa ang kalahating oras. Hindi parin umaalis ang lalaki. Maya-maya ay tumayo na si Mitch at hawak na ang bag. Mabuti nalang at parang pauwi na ito.
Tumayo rin bigla ang lalaki at naiwang nakaupo ang dalawang babae. Nakita niyang umiling at ngumiti si Mitch.
Naiinis siya dahil wala siyang ideya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Di nagtagal ay humakbang na si Mitch palabas ng naturang bar na iyon. Tahimik lang siya sa gilid habang pasimpleng sumusunod. Nakaantabay parin ang lalaki kay Mitch hanggang sa makalabas ang mga ito ng bar at dumiretso sa sasakyan ng dalaga. Ilang minuto pang nakatayo ang mga iyon doon hanggang sa pumasok na si Mitch sa driver’s seat at naiwan naman ang lalaki sa labas. Nang nakaalis na si Mitch ay pumasok nang muli ang lalaki sa loob ng bar. Mabilis niyang pinuntahan ang sariling sasakyan at pasikretong sinundan ang kotse ni Mitch.
He just wanna make sure na makakauwi ito ng ligtas. Halos hindi naman ito uminom sa buong oras na pinagmamasdan niya ito kanina pero hindi rin siya mapapanatag na hindi makitang ligtas itong makauwi ng bahay.
He has things to do…dapat sana ay yun ang atupagin niya pero heto siya at parang tangang sikretong nakasunod sa kotse ng dalaga.
Nang makapasok na ang kotse nito sa loob ng gate ay saka lang siya umikot para umuwi sa condo niya.