Chapter 5 - Jealous

2144 Words
After 3 years…. Pagbaba ni Mitch sa kusina ay wala doon ang kuya niya. Marahil ay nauna na ito sa opisina. Nagtatrabaho na rin siya sa kumpanya nila at siya narin ang nagddrive ng sarili niyang kotse. Nang makagraduate siya ng college ay pinayagan na siya ng kuya niya na mag aral ng driving at magkaroon ng sariling kotse. Ang kapalit noon ay sa kompanya nila siya magtatrabaho para nababantayan parin siya nito at para na rin daw matutunan na niya ang pasikut-sikot sa negosyo nila dahil kailangan niya raw iyon matutunan upang kahit papaano ay may katuwang na ito sa pamamahala niyon. Ang kaibigan naman nitong si Chris ay bumili na rin ng share sa kumpanya nila ngunit sa panahong nagtatrabaho siya sa kumpanya nila ay tila mas bihira na sila nitong magkita kaysa dati. Somehow ay mas naging kumportable na rin sila sa isa’t-isa. Hindi sila nagtuturingan na magkaibigan but they both respect each other and treat each other professionally. Siguro sa mga nakalipas na taon ay mas naging busy rin ito sa iba nitong negosyo kaya mas madalang na silang magkatagpo dahil sa pagkakaalam niya ay nagtayo ito ng bagong branch ng negosyo nito. Malapit na ang 80th Foundation Anniversary ng kumpanya nila na itinayo pa ng Lolo nila sa father’s side. Nag-iisang anak ang namayapa nilang ama kung kaya’t wala itong kaagaw sa mga ari-arian na ipinamana ng mga magulang na ngayon nga ay magkatulong na nilang pinapamahalaan ng kuya niya. Pagkakain ay agad na siyang pumasok sa opisina. CEO ang kapatid niya at siya naman ay kabilang na sa board of directors. Almost lunchbreak nang dumating ang kuya niya sa opisina niya. Agad siyang lumapit dito at nagbeso. “Kuya, napadaan ka?” tanong niya rito. “Let’s eat outside. Kasama rin natin si Chris.” Anito. “Why?” nagtatakang tanong niya. Bihirang-bihira kasi siya nito yayaing kumain kasabay nito dahil palagi itong busy. Ang mas ipinagtataka niya ay kasama pa nila si Chris na kakain. Naitanong na lang niya sa sarili kung hindi ba busy ang dalawa kaya biglang naisipang magkita at sabay kumain. “Wala naman. Gusto ko lang kayong makasabay kumain.” “Halos lagi naman tayong sabay kumain sa bahay kahit breakfast lang diba?” nagtataka parin siya. “Yes but I want to eat with you two. Ayaw mo bang sumama?” “H-hindi naman. Ok I’ll just fix myself.” Nakangiti nang saad niya rito. “I’ll just wait for you in the lobby then.” Pagkalabas nito ay agad na rin siyang nag retouch ng light make up at sinuklay ang medyo maalon ngunit makintab na buhok. Kotse nalang nito ang ginamit nila papunta sa kakainan nilang restaurant. Wala pa si Chris pagdating nila pero umorder na ng pagkain ang kuya niya. Marahil ay alam naman nito kung ano ang gustong kainin ni Chris. Saglit lang ay dumating na rin ang binata at tumayo pa ang kapatid niya nang malapit na ito. “Bro. Buti naman at nakapunta ka. I know you’re busy, but thanks for joining us.” Nakangiti pang sabi ng kapatid niya. Medyo nawiweirduhan talaga siya sa biglaang pagyayaya ng kuya niya pati na rin sa parang masiglang aura nito ng araw na yon. Naisip nalang niya na baka sobrang namiss lang nito ang kaibigan. “Basta ikaw.” Nakangiting saad ng binata at nagkamay pa ang magkaibigan. Pagkuway bumaling naman ito sa kanya at nginitian din siya. Hindi na rin tipid ang mga ngiti nito sa kanya. “Mitch.” Anitong nakangiting nakatingin sa kanya. Ngumiti rin siya rito. “Kumusta?” di niya napigilang itanong. “Okay naman. Busy lang lately.” Sagot nitong nakangiti paring nakatingin sa kanya pagkatapos ay umupo na sa tapat niya. “Busy yan sa pagpapayaman. Mukhang may balak na yatang mag-asawa.” Sabi ng kuya niya na umupo na rin. Bigla namang napalis ang ngiti niya pagkasabi niyon ng kuya niya. Mabuti nalang at hindi nakatingin sa kanya ang dalawa kundi ay baka magtaka at magtanong pa ang mga ito. Hindi rin niya alam ang sasabihin kung sakali. So kaya ba sila nandito pala icelebrate iyon?? Tanong nalang niya sa sarili. “Kalokohan mo.” Sagot naman ng binata na natatawa. Dumating na ang order nila kaya natapos na ang usapan. Nang magsalita muli ang kuya niya ay tungkol na sa negosyo ang sinabi nito kaya yon na ang napagkwentuhan ng dalawa, siya naman ay tahimik lang na kumakain at sumasagot lang pag tinatanong. Maya-maya ay may tumawag sa cellphone ng kuya niya at agad itong nag-excuse at tumayo upang sagutin ang tawag. “Kumusta ka na Mitch?” biglang tanong sa kanya ni Chris nang sila na lamang dalawa. “Eto, nakakapag-adjust na rin sa kumpanya.” Sagot niya rito na bahagya lang itong tinapunan ng tingin. “Balita ko hindi ka na masyadong hinihigpitan ni Raf so I guess marami nang nanliligaw sayo.” Patuloy lang ito sa pag slice ng steak habang nagsasalita. Natawa naman siya sa sinabi nito. “Well…maybe?” sagot niya. Oo marami ang gustong manligaw sa kanya pero lagi ay sinasabi agad niya sa mga ito na wag nang umasa dahil di pa siya interesado sa bagay na yon. Paminsan-minsan din ay may dumadalaw sa kanya sa opisina pero pag niyayaya na siyang magdate at tinatanggihan niya. Deep inside her, isa lang talaga ang gusto niyang manligaw sa kanya. “Bakit naman?” “Wala lang. Ikaw, kelan ka ba magpapakasal?” bago pa man niya maisip ay lumabas na sa bibig niya ang tanong na ikinatigil nito. “Raf was just kidding.” Pagkuway sagot nitong tumingin pa sa kanya at bahagyang ngumiti. “Really? But I bet there’s someone special.” Sinalubong niya ang tingin nito habang pilit ang ngiting sinasabi ang mga katagang iyon. “Actually, there is.” Sagot din nito habang nakatingin parin sa kanya. Tumango-tango siya at ibinaba na ang tingin para muling kumain. Nasaktan siya sa sinabi ng binata. Ganunpaman ay nagsalita siyang muli. “That’s good to hear.” She doesn’t know if she sound convincing pero yun na ang best effort na kaya niya para hindi ipahalata rito na nasasaktan siya. Sakto namang bumalik ang kuya niya. “Bro, can I ask you a favor?” anang kapatid niya na nakatayo parin. “what is it?” “Pwede bang ikaw nalang ang maghatid kay Mitch sa office? May biglaan kasi akong lakad. If that’s ok with you.” “It’s ok kuya. Magtataxi nalang ako.” Siguro ay mas mabuti nang mas maaga ay mawala sa paningin niya si Chris at baka sakaling mabawasan ang bigat ng dibdib niya. “No. I’ll just drive you back to your office. May dadaanan din ako malapit don.” Sagot naman ni Chris. Lihim nalang siyang napabuntong hininga. Tila hindi nakikisama sa kanya ang pagkakataon. “Thank you pare, you’re the best.” Nakangiting saad ng kuya niya at agad na rin itong nagpaalam sa kanila. Di nagtagal ay natapos na rin silang kumain at umalis na upang ihatid siya ng binata sa kumpanya. Pareho lang silang tahimik habang nasa biyahe. Hindi mawala-wala sa isip niya ang sinabi nito na may nagugustuhan ito. ‘Hindi naman yon nakakapagtaka diba? At sa edad niya ay imposibleng wala man lang siyang nagustuhan ni isa. Siyempre meron.’ Aniya sa isip. ‘Kung kaya ko lang sana…sinabi ko na sa kanya na matagal ko na siyang gusto…pero para saan? Magmumukha lang akong tanga.’ Parang gusto niyang maiyak sa mga naiisip. Hanggang sa makarating na sila sa kumpanya ay hindi sila nag imikan. “Thank you sa paghatid.” Aniya nang tumigil ang kotse sa tapat ng gusali ng opisina nila. Hindi siya sinagot ng binata bagkus ay mabilis itong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. “T-thank you.” Aniyang muli nang makababa na. “Can I walk you to your office?” “Bakit?” gulat na tanong niya rito. “Ah…gusto ko lang sanang makita ang opisina mo. Kung ok lang.” “sure..” wala naman siyang maisip na dahilan para tumanggi kaya pumayag nalang siya. Nagtitinginan pa sa kanila ang mga empleyado na nadadaanan nila lalo na pag inaalalayan siya ni Chris sa siko sa curve na daan o pagpasok sa elevator. “Bagay sila noh?” tila kinikilig na saad ng isang babae na di nakaligtas sa pandinig niya. Ewan lang niya kung narinig din iyon ng binata dahil wala naman itong reaksyon habang naglalakad sila bukod sa pagtango at pagngiti nito sa mga empleyadong bumabati sa kanila. Dapat sana ay kinikilig siya sa mga tinginan at sa naririnig na bulungan ng mga empleyado nila, lalo na sa pagiging gentleman ni Chris sa kanya…pero sa kaalamang may nagugustuhan ang binata ay ni hindi niya magawang ngumiti kahit sa isip lang. “May problema ba?” tanong ng binata sa kanya nang nasa loob na sila ng elevator. “W-wala naman.” “May masakit ba sayo?” tanong muli ng binata. “Wala.” Pero ang totoo ay tila kumikirot ang puso niya. Sa dinami rami ng lalaking nagkakagusto sa kanya ay dito pa siya sa lalaking ito nagkagusto na parang ang tingin lang sa kanya ay kapatid. Napakasakit pala na malamang may ibang gusto ang lalaking matagal mo nang pangarap. Tumango nalang ito at di na muling nagsalita hanggang sa makarating na sila sa labas ng opisina niya. Agad tumayo ang secretary niya. “Good afternoon Maam, Sir. Maam may nagpadala po pala sa inyo ng bulaklak. Kadarating lang po.” Sabay abot ng secretary niya sa kanya ng isang boquet ng bulaklak. “Kanino raw galing?” nagtatakang tanong niya. “Eh wala pong nakapangalan sa sender maam. Pero may note po.” Agad niyang hinanap ang maliit na note. “See you soon sunshine. I hope these flowers will make you smile.” Yon ang nakalagay sa note kaya napakunot noo siya. Sa pagkakaalala niya ay wala namang tumatawag sa kanya ng sunshine. Walang paalam na inabot ni Chris ang maliit na note at binasa rin iyon na ipinagtaka niya dahil sa pagkakakilala niya rito ay hindi naman ito pakialamero. “Sunshine?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “I don’t know..wala akong kilalang tumatawag sa’kin ng ganyan.” Nakakunot-noo paring saad niya. Binalewala nalang niya ang pagiging usisero ni Chris tungkol sa bulaklak dahil mas iniisip niya kung meron ba siyang nakakalimutan na tumawag sa kanya ng sunshine. “Sure kang para sakin to?” tanong niya sa secretary niya. “Yes Ma’am Mitch. Dinouble check ko pa po. Nakalagay ang full name niyo. “Ok..” nagtataka man ay tumango nalang siya. “Do you want to come in?” maya-maya ay baling niya kay Chris nang buksan na ng Secretary niya ang pinto ng opisina niya. “Maybe next time.” Tipid itong ngumiti pagkatapos ay nagpaalam na. “Bro. Nagkikita pa lang tayo kanina. Na-miss mo ba ako agad?” biro nang kaibigang si Raf nang datnan siya nito sa isang bar. Niyaya niya itong uminom nang gabing iyon. Natawa nalang siya sa sinabi nito. “May problema ba tayo?” tanong muli nito kapagdaka. “Gusto ko lang uminom. Baka nga na-miss lang kita.” Biro niya rin dito at nagkunwa pa itong bakla. “Di sayo bagay.” Aniyang natatawa nang umakto itong nagpapacute na bakla. “Seriously pre, bakit naisipan mong uminom bigla?” tanong ni Raf na sumeryoso nang muli. Alam niyang di siya nito titigilan hanggat di siya nagsasabi. “Pagod lang sa trabaho. Gusto kong lang magrelax.” Pagsisinungaling nalang niya at tumango tango naman ito. “salamat nga pala ulit sa paghatid mo kanina kay Mitch.” “Ok lang pre.” Saad niya at muling uminom. “Ano nga pala ang dinaanan mo kanina?” biglang tanong nito. Agad siyang nag isip ng dahilan dahil wala naman talaga siyang sadya kanina. “May chineck lang akong site.” “I see.” Anang kaibigan. Mukhang naniwala naman ito dahil di na ito muli pang nag usisa sa sadya niya. “Di mo pa nga pala napupuntahan ang opisina ni Mitch ano? Dapat pala tiningnan mo na rin kanina para alam mo rin ang opisina niya.” Wika ni Raf bago muling uminom. “Actually pre hinatid ko siya kanina hanggang sa opisina niya. Na-curious rin kasi ako. Saan ka nga pala pumunta kanina?” iniba na niya ang paksa para di na ito muling mag usisa pa tungkol sa pagpunta niya kanina sa opisina. “May binisita lang din akong site. So, nagtagal ka ba kanina sa opisina?” muling balik nito sa paksang gusto na sana niyang iwasan. “Hindi naman.” Ayaw man niya pero nagtataka na siya sa mga tanong nito sa kanya. Magsasalita pa sana itong muli nang biglang may lumapit sa kanila na isang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD