Leen
"What are you doing?" tanong niya sa akin.
Abala ako sa pagsara ng pinto ng sasakyan habang hinahabol ng ilang libong daga sa aking dibdib sa sobrang kaba. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Naging madilim at nakakatakot ang paligid ko. Malamig ang buong paligid pero hindi nawawala ang malalaking butil ng pawis na namumuo sa magkabilang sentido ko. Wala na rin akong pakialam sa cocktail dress na suot ko kung gusot-gusot na o kung lumuluwa na ang boobs ko sa sobrang pagmamadali.
Palinga-linga pa rin ako sa may bintana ng backseat nang marinig kong muli ang kanyang untag.
"I said what are you doing?" tanong niyang muli.
Doon na ako napalingon sa kanya at kaagad na tinakpan ang kanyang bibig upang hindi na siya makapagsalita na. Ang ekspresyon ko ay naging aligaga at mapag-alala.
Bakit kasi sa lahat ng papasukan ko ay rito pa sa maingay na lalaki?
Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata habang tinatakpan ko ang bibig niya.
"Shh!" nagkandahabang ngusong sabi ko sa kanya. Panaka-naka pa ang paglingon ko sa bintana hanggang sa nangyari na nga ang pinaka kinatatakutan ko.
Isang malakas na katok ang naulinigan ko mula sa aking likod. Napatalon ako sa gulat. Pagkalingon ko ay nakita ko ang malaking mukha ng lalaki na kanina pa ako hinahabol. Kita ko sa kanyang hilatsa ang pagkainis at pagkahapo sa kahahabol sa akin.
Shit! Nakita niya ba ako kanina na pumasok dito?
Sa sobrang kaba ay ibinaling ko ang atensyon ko sa aking katabi. Hindi pa rin gumagalaw ang lalaki at nakatingin lang nang mataman sa akin.
"Nakikita niya ba tayo ngayon?" tanong ko sa lalaki.
Umiling siya. Sa sobrang irita ay tinabig niya ang mga kamay ko na nakatabon sa kanyang bibig. "You should go. I don't want any of your troubles," pantataboy niya sa akin habang nag-iwas ng tingin pero hindi ako nagpatinag.
Mas itinuon ko ang paghahanap ng paraan upang malampasan ang problema na ito.
Naghanap ako ng bagay na maaari kong gawing alibi sa loob ng sasakyan ngunit bumalik lamang ang tingin ko sa lalaking aking kasama. Napadako ang tingin ko sa kanyang suot. Doon nagkaroon ng magandang ideya ang utak ko.
"Hubarin mo 'yan!" pag-uutos ko sa kanya nang may pagmamadali. Gumana agad ang kamay ko at nakahawak na sa butones ng kanyang coat.
Nanlaki ang mga mata niya at akmang pipigilan ako sa pagtatanggal ng butones niya. "What the f**k are you doing, woman?! Stop it!" he hissed. Patuloy kami sa pag-aagawan sa butones sa may laylayan niya. Kitang-kita ko na namamawis na rin siya tulad ko kahit na malamig sa loob ng kotse.
Pero ang utak ko ay determinadong makaalpas sa problemang ito at gagawin ko ang lahat makaalis lang sa sitwasyon na ito. Ako ang mas nanaig at napagtagumpayan kong mabuksan ang kanyang coat.
"Hubarin mo na bilis! Kailangan ko ng alibi. Wala na tayong oras!" nagmamadaling sabi ko.
Kahit na awkward ang hitsura ng lalaki habang tinatanggal ko sa kanya ang coat niya ay hindi pa rin ako tumigil. Wala na akong pakialam. Saka ko na lang iisipin ang kahihiyan na ito pagkatapos. Saka na ako magso-sorry sa lalaking kapag naayos ko na ang problema kong ito. Hindi rin ako pwedeng umiyak sa kanyang harapan. Wala akong oras na umiyak at maglupasay.
Nang makuha ko ang coat mula sa kanya ay isinuot ko iyon sa aking balikat. May kinuha pa akong sumbrero na nakita ko sa bulsa at isinuot iyon. Saka ako humarap sa lalaki. "Please, help me. Kapag umalis ang lalaking umaaligid sa kotse mo, babayaran kita sa anumang paraan para sa abala na ginawa ko ngayon. Pero kailangan mo akong tulungan na makatakas sa lalaking iyan. Kapag nakuha niya ako, papatayin niya ako. Gusto ko pang mabuhay." Inilapit ko ang kamay ko sa pindutan ng bintana at tiningnan siyang muli. "Just play along. Iyon lang ang hiling ko. Okay..." Napahugot ako ng malalim na hininga at pumikit nang mariin. Pagkatapos niyon ay pinindot ko na ang button sa may bintana.
Ang kasunod na ginawa ko ay ang hindi inaasahan ng kasama ko. Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. I leaned forward, ipinulupot ko ang braso ko sa kanyang leeg, at hinalikan siya sa kanyang mga labi habang nakapikit ang aking mga mata.
Saktong tumunog na ang bintana senyales na nakababa na iyon.
Naghintay lang ako nang naghintay na umalis ang lalaking humahabol sa akin habang nakahinang pa rin ang mga labi namin ng estrangherong kasama ko. Ni hindi ko ginagalaw ang mga labi ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa ginagawa ko. Ito ang unang beses na natakot ako para sa sarili ko na kung ano-ano na lang ang ginagawa ko para makaligtas.
Sa sobrang abala ko sa aking malalim na iniisip ay hindi ko namalayan ang sumunod na nangyari. Ang sumunod na nangyari ay unti-unti nang gumalaw ang estranghero sa magkahinang naming mga labi.
Hindi na ako masyadong nag-abala sa pagtingin sa kabuuan ng lalaki kanina pero ngayon ko lang napagtanto na kay lambot pala ang kanyang labi. Ang hininga niya na kanina ko pa nasasama sa aking paghinga for about 10 minutes magmula nang pumasok ako sa kotseng ito ay naging isang bagay na kinahumalingan ko nang husto.
Sharp breathing. Nanggigigil na pagtugon sa nakaestatwang labi ko. Unti-unti na niyang pinaglandas ang kanyang kamay at pumunta sa aking likuran at malumanay na dumadaiti sa aking balat. Naghatid iyon ng kakaibang kiliti sa akin. Nakakagulat na may ganito pala akong mararamdaman nang dahil sa kalokohan na ginawa ko. Wala sa loob na napahigpit ang kapit ko sa kanyang leeg at unti-unting tumugon sa kanyang mga halik.
Sa sobrang pagkalunod sa sandaling ito ay hindi ko kaagad napaghandaan ang pagkakahiwalay ng aming mga labi.
"No..." gusto kong itugon ngunit naging isang piping panalangin.
Saka ko napagtanto na hinarap niya na pala ang lalaking nasa labas ng sasakyan at binigyan niya ng ngiti. "Can't you see that we're busy here?" sarkastiko niyang tanong. Good actor. Hmm... Mabuti na lang at sumakay siya sa trip ko.
Nakita ko sa aking peripheral view ang pagkapahiyang pagngiti ng lalaki sa kanya at napayuko. "Ay, sorry, sir! Akala ko po kasi..."
"Akala mo, ano?"
"Ah..." Napailing ito sa kanya. "Wala po, sir! Sige po. Aalis na ako. Pasensya na..." Iyon lang ang sabi nito at saka na lumakad paalis.
Napabuntong-hininga ako at nakahinga nang maluwag. Naibaling ko ang tingin ko sa lalaking kasama ko at napangiti. "Salamat sa pagtulong mo..." sambit ko sa kanya. Natanggal lang ang pagngiti ko nang bigla siyang lumapit sa may gilid ko at inabot ang pindutan sa bintana.
Walang salita na lumabas mula sa kanyang bibig at muli lamang bumaling sa akin. Ngayon ko lang napansin na nakaka-hypnotize ang kanyang mga mata. Matingkad ang pagkakakulay kape nito na ngayon ay nakatingin sa akin na tila inaarok ang kabuuan ko.
Napalunok ako sa kaba.
Bakit ako biglang dinadaga? Hindi dapat ako kinakabahan. Ang tao na ito ay ang tumulong sa akin na makatakas sa kaninang humahabol sa akin. Pero ngayon, tila naging baliktad na ang sitwasyon. Siya na ngayon ang pinakadelikadong bagay na nasa malapit sa akin.
Nang magsara na ang bintana ay ganoon din niya isinara ang aming pagitan. Muli niyang sinakop at pinaghinang ang aming mga labi. This time, he's more passionate and soft. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang gulat at kaba.
Parang puputok ang puso ko sa loob ng aking dibdib. At ang pinakamasaklap na ginawa ko ay ang magtangay sa agos ng sitwasyon. I gave in to his deepening kiss. Ginamit niya ang kanyang ekspertong dila para tuksuhin ang aking bibig na bumukas. Naglandas na rin ang kanyang mga kamay at nagsimulang gumapang papunta sa ilalim ng suot ko.
Napasinghap ako dahil doon. Dahil doon ay napaawang ang labi ko ay nagtagumpay ang kanyang nakakakiliting dila sa loob ng akong bibig. Binati niya ang aking dila at mas nilaliman pa ang mga halik na aming pinagsaluhan. Mas lalo niya akong kinabig papalapit sa kanya at pinagsawaan ang sandaling ito.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Dapat ay itinutulak ko na siya. Dapat ay nagpatuloy ako sa pagtakas. Pero heto alo at nagapi nang dahil sa kanyang presensiya. Sa kanyang mga halik.
Nakakatuliro. Nakakahibang. Nakakalunod.
Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit hindi ko magawang makawala? Biglang nanlambot ang aking mga tuhod. Hindi ko inaasahan na mapapaungol pa ako nang dahil sa paglikot ng kanyang dila. That was when I realized that he already unhooked my bra. Napakalso ako sa kanyang likuran, somehow trying to send him signal.
Signal him of what? Stop him or stop him from prolonging what you crave for? pang-aasar ng isang bahagi ng isipan ko.
Damn it. I must be crazy. Pinahintulutan ko ang isang estranghero na gawin ito. To savor my lips and tame my wild and eager heart to escape. Ngayon, marami nang nakakahibang na ideya ng aking pagtakas ang lumubay nang tuluyan sa aking isipan. At wala na akong inhibitions na nararamdaman. I just want him all night. Just this night.
Just this night, pagbibigyan ko ang aking kahibangan. I'll just deal with my problems tomorrow. For now, I want to be weak in someone's arms. I want to feel someone protecting me like this.
Napatigil siya sa paghalik sa akin at binigyan ako ng tingin na may matinding pagnanasa. "Sleep with me, stranger..."