Chapter 7 - Leen

1503 Words
Nagkamali lang yata ako ng pandinig. Hindi naman niya sinabi iyon kanina, hindi ba? Tama. Nagkamali lang ako. Agad kong ipinilig ang aking ulo upang iwaksi ang aking isipan. Nang imulat ko ang aking mata ay ang pigura ng seryosong mukha pa rin ni Rave ang nabungaran ko. "P-po?" "Do I really have to repeat myself?" Nahihimigan ko na ang pagkairita sa kanyang boses. "Just get out of here if you don't like working with me anymore!" Akma na siyang aalis sa harapan ko ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang ako mismo ang humarang sa kanyang dinaraanan. Kinurot-kurot ko pa ang mga daliri ko sa kamay para maibsan ang pangangatog ko. Hindi naman ako ganito sa harapan ni Rave noon pero iba ang sitwasyon na iyon. Ako na si Lena. At si Lena ay isang babae na gagawin ang lahat para lang kumita ng pera anuman ang mangyari. Kahit pa na iharap ako sa isang leon ay gagawin ko. "S-Sir Earl..." "What?" inis na tanong niya. "Gusto ko pong magtrabaho. Pagbigyan n'yo po ulit ako. Ipapangako ko na hinding hindi ako gagawa ng anumang ikakagalit ninyo. Pramis po 'yan! Kailangan ko lang po talaga ng pera. Nakikiusap po ako..." Nanginginig man ang boses ngunit pinilit ko ang sarili na hindi humikbi sa kanyang harapan. Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Is that the things you have?" Napatango ako habang nakatungo sa aking maleta. "Okay. Put that in the car." "P-po? S-Sir..." "I'm not going to stay here for good, Lena. Uuwi ako sa bahay ko. Doon mo ako pagsisilbihan. Hindi rito sa bahay na ito," pagpapaliwanag niya. "Sige na. Mauna ka na sa sasakyan. Heto ang susi. Ilagay mo na sa likod ang gamit mo," aniya sabay abot ng susi ng kotse niya. Napayuko na lang ako at bumulong ng pasasalamat. Nang makabiyahe kami ay panay naman ang tunog ng cellphone ni Rave. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nagmamaneho siya o dahil sa ayaw niya talaga itong sagutin, pero sobrang seryoso ng mukha niya kahit sa madilim na sasakyan. Nanatili na lang akong tahimik at sumandal sa may bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa panaginip ko, nakita ko ang magandang ngiti ni Rave. Nararamdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ko. Ang tawa niyang nakakakiliti sa kalamnan ko. At ang mga tingin niyang nang-aarok ng kaibuturan ng aking kaluluwa. Lahat iyon ay tila isang mabilis na pelikula na dumaan sa akin. Hanggang sa naimulat ko ang aking mga mata. "Lena? We're here," ang sabi niya habang nakatunghay sa akin. Naaamoy ko ang kanyang hininga. Nasa harapan ko na pala si Rave. Sa malapitan. Seryoso ang kanyang mukha ang nabungaran ko. Nang mapagtanto ang sitwasyon ay kaagad akong napabalikwas ng bangon dahilan para sumalpok ang ulo ko sa matigas na baga. "Aw!" napahiyaw ako sa sakit at agad na hinilot ang aking noo. Ganoon din si Rave na napaungol sa sakit. Nauntog ako sa kanya. "S-sorry, Sir! Ang lapit kasi ng mukha ninyo, e!" pagrereklamo ko habang hinihilot ang nasaktan kong noo. Ibinuka pa ni Rave ang kanyang bibig upang magsalita ngunit napabuntong-hininga na lang siya at mabilis akong iniwan. Anong nangyari sa isang 'yun? "Get out and unload the car!" Napatalon ako sa sinabi niya at agad nang tumalima. Pagkaharap ko sa bahay ay napa-wow ako. "Ang laki pala ng bahay ni Rave. Ngayon lang ako nakapunta rito..." bulong ko sa aking sarili habang sinusuyod ng tingin ang harapan ng magarang bahay. Modern style siya pero may kaliitan lang. Dos handanas ito at may white at gray na kombinasyon ng mga kulay. May terrace naman sa itaas at sa tingin pa lang ay nakaka-relax nang manatili doon. Ang entrance door naman ay may mahabang modern canopy na kinulayan din ng grey. Pagdating sa loob at mas lalong kahanga-hanga. Makikita kaagad ang kusina mula roon dahil ang salas at ang dining area at kitchen ay magkakarugtong lamang. Mayroon lamang mga dividers kaya magmumukhang spacious ang bahay. Swak lang ang arrangements para sa isang tao na walang balak pang mag-asawa. Napakunot naman ang noo ko at binalingan ang aking amo na abala sa pagkuha ng tubig mula sa refrigerator. Ibig bang sabihin ay hindi siya nag-asawa? "Ano pa bang tinatayo-tayo mo d'yan? Come here and I'll show you where you'll stay." Nagulat ako nang magsalita si Rave. Nakakunot na naman ang noo niya. "Ah, s-sige po, Sir..." nakatungo kong sagot. Sinundan ko si Rave hanggang sa ikalawang palapag. May dalawang kwarto na naroon. Ang unang binuksan ni Rave ay ang kaliwang pinto. "This will be your room, Lena. The other room is mine. Wala akong ibang room dito kaya dito ka na lang mag-stay sa guest room. Bukas ka na magsimula. For now, you can rest. Alam ko naman na kailangan mo ng pahinga lalo pa't may mga sugat ka pa..." sabay napatingin siya sa aking ulo na mayroon gauze. "S-salamat po, Sir." "Sige na. I'll be resting then..." Akma siyang aalis nang bigla ko siyang tawagin. "Ahh... S-Sir!" Napapihit siyang muli at hinarap ako. Halata sa mukha niya ang pagod. Pero inaamin ko na hindi pa rin iyon nakakabawas sa kanyang kagwapuhan. "Ahh... Gusto ko lang pong malaman kung bakit kinuha n'yo po ako ulit bilang katulong ninyo? Hindi ko po kasi kayo maintindihan. Ang akala ko po kasi..." "Let's just say that I re-hired you because of one thing..." sagot naman niya. Napakunot ang noo ko. "A-ano po 'yun, Sir?" "Well... I don't want to be a judgmental guy, but you are the right maid for the job. You are likely not the kind of woman who would want to seduce me," pagbubuo niya sa kanyang sinabi na ikinataas ng aking kilay. Mabuti na lang at makapal ang kilay ko at hindi masyadong halata na nagtataray ako sa kanya. Grabe pala ang confidence ng isang Earl Raven Fortaleza. Lumalampas pa ng Eiffel Tower! "Ahh..." Napatawa ako nang alanganin. "'W-wag po kayong mag-alala, Sir. Sabi ko nga sa inyo, sa pangit kong ito, safe na safe ka sa akin. Masipag akong magluto, maglinis ng bahay, at maglaba! At kahit na anong mangyari, Sir, hinding hindi ako magkakagusto sa'yo!" pagdidiin ko sa salitang 'hindi'. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang isang kilay sa akin. "Are you really sure about that, Lena?" Hindi ko namalayan na unti-unti na palang lumalapit si Rave sa akin. Sa sobrang pagkabigla ay napabitiw ako sa aking maleta habang siya ay patuloy lang sa paglapit sa akin. Hanggang sa lumapat na ang likuran ko sa corner ng pintuan. Naaamoy ko na ang pabango ni Rave. Iyong signature na pabango niya na hindi ko malilimutan. "Are you really sure that you can stand being close to me, Lena?" he seductively asked me. "A-ano bang ginagawa ninyo, Sir?" "Tell me... hindi ka nga ba talaga matatablan nito? Kahit na ganito na ako kalapit sa'yo?" tanong niya pang muli. Napalunok ako. Bwisit! Paano ko ba ito malulusutan? Anak naman ng tipaklong! Bakit bigla-bigla naman 'tong nang-aakit? "S-Sir... Wala po kayong dapat na ipag-alala, okay? Hindi po ako magkakagusto sa inyo. K-kasi..." "Kasi...?" "K-kasi... ano, Sir... Umm..." "Ano nga?" Enjoy na enjoy ang hudyo sa pang-aasar sa akin! Nakangisi pa! "K-kasi, Sir... M-may asawa na ako!" bigla ay sigaw ko. "Oo, tama! May asawa na ako, Sir. Iyon ang dahilan!" natitilihan kong pagsisinungaling. "So, you have a husband, huh? And so?" "A-anong 'and so', Sir?" Ano bang gustong palabasin ng hudas na 'to?! "Sinong mas gwapo sa aming dalawa? Ako o siya?" Seryoso ba talaga siya sa mga tanong niya? "Sir, wala namang ganyanan!" "I am asking you a question, Lena. Who's the handsomest? Me or he?" pag-uulit niya. Sa pagkakataong ito ay mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kanyang hininga na tumatama sa aking mukha. "Sir, mahal ko po ang asawa ko. At hindi ako bumabase sa hitsura. Bumabase ako sa kabusilakan ng puso. Kaya kahit iharap ako sa kahit sinong gwapo ay hinding hindi ako mai-in love sa iba. Lalong lalo na sa'yo, Sir." Mas mabuti na ang magsinungaling na may asawa ako para hindi niya isipin na may dahilan ako para magkagusto sa kanya. Hinding hindi ko siya bibigyan ng dahilan para asaran akong muli! Dahil ayaw ko na rin talagang mapalapit sa kanya. Pero mapagbiro nga naman anf tadhana. Dahil ang taong pinagkakaiwasan ko sa loob ng anim na taon ay ang siyang naging amo ko pa sa trabaho ko bilang isang katulong. Kailangan kong mag-survive. Wala akong ibang pagpipilian. Kailangan ni Yen-yen ng pambili ng gamot. Gagawin ko ang lahat kahit pa ang lunukin ko ang aking pride para lamang madugtungan ang buhay ng anak ko. Lahat ay gagawin ko para sa kanya... Naglaho ang mapang-asar na ekspresyon sa mukha ni Rave at napalitan ng ibang emosyon. Pagkamangha o pagkadismaya? "Okay. You passed..." iyon lang at mabilis akong iniwan doon sa harap ng pinto. Wala pang ilang sandali at sinarado na niya ang pinto sa kabilang kwarto. Habang ako ay naiwang natitilihan. Phew! Muntik na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD