Selena's POV Nanatili akong nakatulala rito likod ng bahay namin. Nakaupo ako sa outdoor couch namin habang nakatulala sa maliit na waterfalls sa gilid ng hardin. May isang maid ang naglagay ng pagkain dito sa harap ko dahilan upang napakurap ako. "S-Salamat." Sabi ko atsaka siya ningitian bago ito tuluyang umalis. Ibinalik ko ulit ang aking paningin sa hardin at nanatiling nakatulala ulit. "Hoy! Selena naman, kumain ka na nga diyan. Malelate tayo ne'to eh." Napatingin ako kay Nami nang bigla itong magsalita sa tabi ko atsaka nagsimula na ring kumain. Nasa bahay kami ngayon ay inaya ko si Nami rito para sabay kaming pumunta ng Wilksven mamaya. Nasa business trip na naman sina Mama at Papa at nasa trabaho si Ashley, kaya wala akong ibang mapagsasabihan kundi si Nami lang. I haven't ha