Selena's POV 2 days went by like a flash of light. Tapos na ang cruise ship escapade namin nang dumunggo na kami sa pier. Isa-isa ng lumalabas ang mga bisita nina Xyler at Celestine at ganon din ang kamag-anak namin. Ngunit mas pinili kong mahuli dahil ayokong makipagsabayan sa iba. Narinig ko na ang balita tungkol kay Ashley dahil nabanggit iyon ni Iñigo sa akin kahapon. Nang marinig ko ang tungkol don ay hindi ko maiwasang mag-alala sa aking pinsan ngunit unti-unti rin 'yon nawala nang malaman kong binantayan naman pala siya ni Dominique buong magdamag. I'm not really sure what happened and what's the reason behind it but for now, I just don't give a damn about those. Pagod ako at gusto ko na lang makauwi para magpahinga. Iba kasi ang ginhawang mararamdaman ko kapag nasa sariling