Selena's POV Hindi ako makapaniwala... Anong ginagawa niya rito? Planado ba 'to lahat? Alam na ba ni Dominique na pupunta kami rito kaya pinili niya ring puntahan ang lugar na 'to? And what about Lucca? Did he tell him about this trip? I am really confused. "Bakit andito si Sir Dominique?" Rinig kong bulong ni Nami sa aking tabi habang pareho kaming nakatingin sa isang lalakeng nagtatayo ng sarili niyang tent matapos niyang itayo ang tent ni Ashley. "Pinsan mo 'yan hindi ba?" Wika niya pa sabay turo sa babaeng nakangiting tinitignan si Dominique sa ginagawa ne'to. Kaagad kong ibinaba ang kamay ni Nami dahil sobra siyang halata. "Hindi ko alam kung bakit andito 'yan, at oo pinsan ko nga ang kasama niya." "Sila ba?" Napalunok ako sa kanyang tanong atsaka kaagad na umiling. "Ganon