Selena's POV "Bilis na, Sese." Kaagad kong inilagay sa ibabaw ng cashier ang dala kong mga physical equipment. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin mawala-wala ang physical education subject sa kurso ko o mas kilala bilang PE. "Magkano po lahat?" Tanong ko sa ateng nagkakahera. "1, 576 po." Bumilog ang mga mata ko sa presyo. Nak ng... "Ang mahal naman, wala bang discount 'yan ate?" Kaagad na kumunot ang noo niya sa sinabi ko atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Ma'am, mall po 'to. Walang discount ang store namin sa araw na 'to." Muntikan na akong mapairap sa pagiging maldita niya. Naramdaman kong sinundot ni Lucca ang aking tagiliran dahilan upang mapatingin ako sa kanya. Nakita kong kumuha siya ng wallet atsaka naglabas ng dalawang libo na kaagad ko namang pinigil