Selena's POV Nasa likod ako ngayon ng sasakyan ni Dominique habang si Ashley naman ay nakaupo sa tabi passenger's seat. Kinontak ko na sina Mama at Papa kanina bago kami tuluyang nakaalis sa ospital. Nang malaman nila ang nangyari sa akin, halos buong minuto kong pinakinggan ang sermon ni Mama sa akin. Kesyo raw bakit pa kami tumambay sa gilid ng kalsada nong oras na 'yon at iba pa. Hindi ko rin naman din masisisi si Mama dahil ganyan talaga siya makareact, tsaka kahit sino mag-aalala talaga kapag nalaman nila ang balita tungkol sa akin. "ANO?! Nasan ka ngayon? Okay ka na ba? Gusto mo puntahan kita diyan kaagad? Magsabi ka lang Sese!" Nailayo ko kaagad ang aking cellphone nang mapasigaw si Lucca sa kabilang linya. Tinawagan niya kasi ako ngayon kaya sinagot ko na lang. "Ayos lang ako L