Selena's POV Sobra akong napagod kagabi dahil ang tagal naming nakauwi galing sa isang family dinner na ang buong akala ko lang ay kaming anim lang. Xyler and Denver together with Dominique decided to go on a place to drink while of course, bringing us. Ang mga magulang naman naming dalawa ni Dominique ay nauna nang umuwi matapos naming kumain. Kaya ang kinalabasan ay uminom din kaming tatlo nina Tine at Sasha, pero ikukumpara sa mga ininom ng mga lalakeng Gutierrez, light drinks lang yung amin, alam niyo na pawine-wine lang. Matagal kaming nakauwi ni Dominique non kaya nagpasya nalang ito na sa condo niya kami uuwi. Nag-unat ako matapos kong kusotin ang aking mga mata. I was about to pull out the bedsheets away from my naked body when a huge arm suddenly snakes around my waist. "