Selena's POV
ANG KAPAL NG MUKHA NG LALAKENG 'TO!
Kaya pala dali-daling umalis kanina sa laro nina Lucca dahil kikitain niya ang pinsan ko. Ang kapal talaga ng mukha! Kapag itong Dominique na 'to ay may gagawing hindi kanais-nais sa pinsan ko, makakakita talaga siya ng liwanag.
At ang malandi kong pinsan naman ay sobrang dikit na dikit sa babaerong Dominique na 'to. Hala s'ya, nasan na ang pagiging mahiyain ng gagang 'to? Parang bula na bigla na lang naglaho ah.
Feel na feel naman ang pag-angkla sa braso ng Gutierrez na 'yan, poque't malaki at maskulado ang pangangatawan ay bibigay na kaagad? Psh!
"Sese, hinay-hinay lang sa paghampas, may plano ka bang sirain yan?" Kunot noong tanong sa akin ni Lucca nang tignan ko siya.
Natapos ko na ang paghahampas sa mga hamster na lilitaw sa mga butas dito sa larong nilalaro ko. Nakita ko yung score kaya kaagad na lumabas ang mga ticket mula sa machine.
Kinuha ko yung mga ticket atsaka binigay kay Lucca.
"28 tickets yan, ilan na lahat?" tanong ko sa kanya. Napaisip muna siya saglit bago ako tinignan ng deretso sa mukha.
"We gathered 267 tickets all in all." Napangisi ako sa sinabi niya. Ayos, paniguradong panalo kami ni Lucca ngayon.
Si Ashley ang may pakana ne'to at sinabihan niya kami na kung sino ang talo, mapupunta ang lahat ng ticket sa panalong grupo. Ewan ko kung bakit ko tinanggap ang hamon ni Ashley, nagmumukha tuloy kaming high school students ne'to na nagcutting sa skwelahan.
Sabay kaming napatingin ni Lucca sa dalawang taong lumapit sa amin. Napatingin ako sa hawak-hawak nilang bugkos ng ticket atsaka tinignan ng deretso sa mukha si Dominique.
"Ilan na ang tickets niyo?" Nakangiting tanong ng pinsan ko. Halatang enjoy na enjoy kasama ang babaerong Gutierrez na nasa tabi niya.
"267." Tipid kong sagot na ikinabilog ng mata niya. Palihim akong ngumisi atsaka humalukipkip bago tinignan mula si Dominique.
Ano ka ngayon, Gutierrez? Mukhang talo kayo, ha!
Gusto kong tumawa ng malakas lalo nang makita ko ang gulat na gulat na mukha ni Ashley. Ha! Ganyan nga mga talunan, magulat kayo sa dami ng tickets na nakuha namin.
"I think it's a draw." Napaderetso ako ng tayo nang magsalita si Dominique. Nilingon niya si Ashley atsaka ito ningitian bago ipinakita ang mga ticket nila.
"We also have 267 tickets."
"Talaga?! Ang dami rin pala ng tickets natin!"
Napaawang ang aking bibig atsaka bumagsak ang aking balikat. Hindi pwede! Anong draw? Walang magdadraw!
"Mukhang walang talo at panalo sa atin ngayo--"
"Sandali!" Napatingin silang tatlo sa akin nang hindi ko hinayaang matapos sa pagsasalita si Lucca.
"May naisip ako." Titig na titig sina Lucca at Ashley sa akin habang nakataas naman ang isang kilay ni Dominique sa akin.
"Dapat may talo at dapat ring may panalo sa larong 'to," sabi ko atsaka nilibot ng aking paningin ang buong arcade. Bumilog ang aking mga mata atsaka napangisi bago itinuro ang basketball game sa gilid ng arcade.
"Don! Don ang huling laro. Kung sino man ang mas may malaking puntos bago matapos ang oras, siya ang panalo." Nakangisi kong saad atsaka pinagkrus ang aking braso sa harap ng aking dibdib.
Tinignan ko si Lucca atsaka siya ningitian na kaagad naman niyang isinukli sa akin.
Ikaw ang magpapanalo sa atin, Lucca, kaya galingan mo!
"Ayos lang ba sa'yo, Dom?" Rinig kong tanong ni Ashley sa kasama niya. Nilingon siya ni Dominique atsaka tumango.
"Of course," wika ne'to atsaka ningitian si Ashley na ngayon ay sobrang lapad na rin ng ngiti.
Tss, ngiti-ngiti pa 'tong isang 'to. Kala mo naman kung sinong anghel ang nasa harapan niya.
Nagtungo na kaming apat sa basketball section at kaagad na pumwesto, sakto dalawa rin ang bakante rito. Sabay na inihulog ni Dominique at Lucca ang token kaya kaagad na itong nagsimula.
"Galingan mo, Lucca," bulong ko sa kanya habang nagshoshoot na sha ng bola sa ring.
Malapad ang ngiti ko dahil wala pang mintis si Lucca kahit isang beses. Mananalo talaga kami ne'to!
"Go, Dom!" Tumaas ang kilay ko nang marinig ko si Ashley na nagchecheer sa Gutierrez na 'yon.
Pumapalakpak pa ito at halos mapunit ang labi sa sobrang lapad ng ngiti habang nakatingin kay Dominique na tumitira ng bola sa ring. Wala rin itong mintis kaya kaagad na nagsalubong ang kilay ko.
Bwiset ah, magaling din pala ang kupal na 'to.
Natigilan ako bigla nang may maalala ako dahilan upang mapa-awang ang aking bibig. Nalintikan na! Nakalimutan kong minsan na rin palang lumalaro ng basketball si Dominique.
"Lucca, damihan mo ang pagshoot, ano ka ba." Madiin Kong sabi sa kanya. Hindi kami pwedeng matalo!
"Pinepressure mo 'ko, Sese."
"Ah basta galingan mo." Tinulungan ko siyang maabot kaagad ang bola upang makatira kaagad siya ng panibago.
Medyo kinabahan ako bigla nang makita ko sa score board na nangunguna si Dominique ng ilang puntos. Napabusangot naman ako nang magmintis na si Lucca sa unang pagkakataon.
Hindi na ako makatiis kaya nagshoot na rin ako dahilan upang bigyan kaagad ako ng space ni Lucca.
Ilang segundo na lang ang natitira pero tira parin kami ng tira. Nang bigla nang matapos na ang laro kaagad akong napatingin sa score board Nina Dominique at hindi maiwasang mapatalon at matuwa dahil naunahan namin sila. Panalo kami!
"Galing mo, Lucca! Panalo tayo!" Nakangiting saad ko atsaka patalon-talon na niyakap ang kaibigan ko. Mahinang napatawa si Lucca atsaka ako niyakap rin pabalik bago naming kinolekta ang mga ticket.
"Ikaw kasi, pinepressure mo 'ko kaya mas ginalingan ko tuloy." Nakangising saad niya.
Don pa lang ako napalingon sa direksyon nina Ashley at Dominique nang yumuko si Lucca upang kunin ang mga ticket sa sahig.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong nakayuko si Ashley atsaka malumanay na hinahagod ni Dominique ang noo ng aking pinsan gamit ang hintuturo niya.
"I'm sorry, I didn't catch the ball quickly. Masakit parin ba?" Tanong ni Dominique sa pinsan ko. Bakas ang pag-aalala sa boses niya habang patuloy parin na hinahaplos ang noo ni Ashley kung saan tumama yung bola.
"A-Ayos lang ako."
"Are you sure?" Nahihiyang tumango si Ashley sa kanya na ikinangiti naman ni Dominique dahilan upang lumitaw ulit ang dimples niya sa pisngi.
Kapansin-pansin ang biglang pagkaestatwa ni Ashley nang tignan niya ang mukha ng lalakeng nakaharap sa kanya habang nakahawak parin sa kanyang noo.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin atsaka salubong ang kilay na tinulungan si Lucca sa pagkuha ng ticket namin. Makalipas ang ilang segundo ay hinarap ko sila atsaka tinuro ang score board namin.
"Pano ba 'yan? Panalo kami." Nakangising saad ko habang nakahawak sa sobrang daming ticket.
Inilahad ko ang aking isang kamay sa harap ng dalawa atsaka ngumiti sa kanila.
"Akin na ang ticket ninyo, gaya ng napag-usapan." Without any words uttered, Dominique automatically handed all their tickets to me.
Nakita ko namang napanguso si Ashley sa tabi ne'to nang makuha ko na ang mga ticket nila. Nilingon ko si Lucca atsaka ito ningitian.
"Magclaim na tayo!" Nakangiting saad ko sa aking kaibigan atsaka masayang sinundan ako sa mga prizes.
Mga pagkain ang ipinalit namin sa mga ticket. Sobrang dami talaga ne'to, almost 1k kaagad ang ticket namin. Si Lucca ang pumila matapos kong sabihin sa kanya ang gusto kong premyo.
Nakangiti akong tumayo rito sa gilid habang hinihintay si Lucca sa pagclaim nang bigla akong mapatingin sa ibang direksyon.
Napaderetso ako ng tayo nang makita ko sina Ashley at Dominique na pumasok sa isang photo booth. Dominique seemed hesitant at first but then he let Ashley grabbed his arms to join her inside the booth.
Nang makapasok na sila sa loob, kaagad akong umiwas ng tingin atsaka napahalukipkip habang nakayuko at nakatingin sa sahig.
Ano bang meron sa Dominique na 'yan at bakit sobrang gusto siya ng pinsan ko? Babaero naman 'yan at halatang pakitang-tao lang ang ginawa ne'to sa pinsan ko kanina.
Muli akong napalingon sa photo booth atsaka salubong parin ang kilay na nakatingin dito.
Sa oras na mapaiyak niya si Ashley, malilintikan 'yon sa'kin. Makikita niya.
SALUBONG ang dalawa kong kilay habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse ni Lucca.
"Boyfriend mo ba si Dominique, Ashley?" Rinig kong tanong ni Lucca habang nagdadrive.
"Hindi pa..." Napairap ako nang marinig ang impit na tili ni Ashley sa backseat.
"But you like him, right?"
"Oo naman, Lucca! Sino ba ang hindi magkakagusto sa kanya? Gwapo, maginoo, mabait, tsaka sobrang maalalahanin pa." Napairap ulit ako.
"Mukhang iba talaga ang tama ni kupido sa'yo, Ashley." Natatawang sambit ni Lucca sa kanya.
Nanatili lang akong tahimik dito sa aking kinauupuan habang patuloy parin ang dalawa sa pagkukwentuhan. Makalipas ng ilang minuto, pinarada ni Lucca ang kanyang sasakyan sa gilid dahil ibababa na namin si Ashley sa harap ng apartment niya.
"Mag-iingat kayo! Salamat sa paghatid!" Nakangiting saad ni Ashley atsaka kami kinawayan.
"Insan! Magtetext ako sa'yo mamaya ha?"
"Sige, pumasok ka na sa loob kaagad." Ningitian ko si Ashley atsaka rin kumaway sa kanya.
Lucca drove his car to my residence. Matapos ang ilan pang mga minuto, nakatayo na ako sa mismong bungad ng pinto namin habang nakatingin kay Lucca.
"Salamat sa paghatid, mag-iingat ka pauwi," wika ko sa kanya. Lucca smiled at me before stepping closer which made me confused a little a bit.
"Nag-enjoy ka ba ngayon?" Tanong niya na ikinatango ko kaagad.
"Oo naman."
"That's good to hear." I stepped backward and pat his broad shoulders before giving him a pressed smile.
"Oh s'ya, pasok na ako sa loob ha? Mag-iingat ka." Tatalikod na sana ako nang bigla niyang hawakan ang aking kamay atsaka pinaharap sa kanya.
I was about to utter some words but he suddenly grabbed my waist closer to him before wrapping his arms around me. Lucca embraced me which made me stiffened in an instant.
"Thank you for watching my game, it means a lot to me." I heard him whispered. Lucca squeezed my body using his strong arms before letting me go.
Napakurap ako ng ilang beses nang tignan niya ako sa mukha atsaka mahinang napatawa.
"Uwi na ako Sese, kita na lang tayo sa lunes," he said and waved his hand at me before getting inside his automobile.
But then, he suddenly stopped and looked at me again while holding his car door.
"By the way, can I fetch you on Monday? Let's grab some coffee before going to the university." I don't know what to say, but I just found myself nodding as a response.
Napangiti ito bago siya tuluyang pumasok sa loob atsaka umalis. Napakurap ulit ako ng ilang beses bago napailing at pumasok sa loob ng bahay.
Dumiretso kaagad ako sa loob ng aking kwarto atsaka pasalampak na humiga sa ibabaw ng aking kama.
Napabuga ako ng hangin bago hinipan ang ilang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha.
This day is seriously tiring for me.
Bigla akong napabalikwas nang tumunog ang aking cellphone. It was a call ringtone which made my forehead creases.
Diba sabi ni Ashley ay itetext niya ako? Ba't siya napatawag? Nagbago ba ang isip niya?
Kaagad kong hinalungkat ang aking cellphone sa loob ng bag atsaka ito tinignan.
"Sasha? Ba't napatawag 'to?" Sambit ko sa sarili bago ito sinagot.
"Hello?" Bungad ko sa kabilang linya.
"Selena! Busy ka ba ngayon?"
"Hindi naman, bakit?"
"May sasabihin sana ako, pero wag kang magugulat ha?" Awtomatikong kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
"At wag ka sanang magagalit pagkatapos." Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Ano ba kasi 'yan?" Narinig ko siyang mahinang napatawa.
"Ikakasal ulit ako." Hindi ako nagulat. Alam ko naman 'yan eh na dadating talaga siya diyan.
"Oh tapos?"
"Ano ba yan, hindi ka nagulat? Nagulat naman si Tine ah."
"Ako ba si Tine? Diba hindi?" Pilosopa kong sagot.
"Oh eto na ang kasunod... Maid of honor kita at hindi ka pwedeng tumanggi!" Hindi rin ako nagalit.
"Okay." Tipid kong sagot atsaka humiga ulit sa kama habang tinitignan ang mga kuko ko sa daliri.
"Si Dom naman ang kapares mo, at siya rin ang best man ni Denver."
"ANO?!" Tuluyan na akong napatayo atsaka napaawang ang aking bibig.
At sa isang idlap lang ay sabay akong nagulat at nagalit sa sinabi ni Sasha.
Bakit siya pa talaga!?