Tinanghali ng gising si Kayla, balak pa naman niyang siya ang magluluto ng almusal. Sabay na rin ang iluluto niyang ulam para sana ipabaon kay Matthew mamaya sa opisina. Nalaman niya kasi sa Sekretarya nito na wala nang time kumain ang lalaki lalo na kung marami ang trabahong kailangang matapos. Nagkakasya na lamang daw ang asawa niya sa pag-inom ng kape. Nung tanungin niya kung bakit hindi na lang mag-order ay wala daw hilig kumain si Matthew sa fast foods. Bagay na ipinagtataka niya, paano ba naman ay ang lakas nitong kumain ng fries at burger sa tuwing mag-aaya siyang kumain sa labas. Napipilitan lang ba ito? Pero wala naman sa itsura ng lalaki, sa tingin niya nga ay enjoy na enjoy pa si Matthew lalo na sa tuwing isinasawsaw nito ang fries sa ice cream.
Ala-seis na ng umaga, karaniwang umaalis si Matthew ng alas siyete y medya. Medyo nanakit pa ang kanyang balakang, marahil ay sa tagal niyang nakaupo kahapon, pagpaling niya ng tingin sa pwesto ni Matthew ay hindi sinasadyang nawalan ng balanse ang kamay niyang kaya napasubsob siya sa dibdib ng asawa. Dinig na dinig pa niya ang pag-igik ni Matthew at bago pa man siya makakilos palayo dito ay mulat na ang mga mata nito.
"Sorry" aniya sa nahihiyang boses, nag peace sign pa siya sa lalaki bago dahan-dahang tumayo.
"Anong ginawa mo?" may bakas ng pang-aasar na tanong nito sa kanya Siya naman ay hindi mapigilang makaramdam ng hiya.
"Na ano.... na out of balance lang ako" nakatayo na siya at inaayos saglit ang buhok na tumakip sa kanyang mukha dulot ng pagkakasubsob niya.
"Sure? If you want , we can cuddle." pang-aasar nito. Si Kayla naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin at isasagot sa asawa. Nahagilap ng mata niya ang unan at saka malakas na inihampas iyon sa mukha ni Matthew.
"Ouch!" angal nito sa kanya. Napapansin niyang medyo malakas mang-asar si Matthew nitong mga nakaraang araw. Nang-aasar nga ba o nanlalandi? Hindi na niya mawari kung ano sa dalawa, ang sigurado niya lang ay may kakaiba siyang nararamdaman lalo na kapag nakikita niya ang mga ngiti ng lalaki .
"Bababa na ako. Maligo ka na!" aniya saka mabilis na nagtungo sa pinto, pabalibag niya pang isinara ang pintuan upang pagtakpan ang hiya na kanyang nararadaman sa mga oras na iyon,ang lakas kasi ng tawa ni Matthew. Sa kusina na lamang siya naghilamos, tubig na lang wala ng facial wash, ang mahalaga nakaiwas siya sa pang-aasar ng asawa. Naabutan niya na doon ang kanilang mga kasambahay, nakapagluto na ng almusal at nailabas na rin ang karne na gagamitin niya para sa putaheng iluluto niya. Mabuti na lamag at maasahan ang mga kasambahay na nakuha ni Matthew, nabanggit niya lang naman kahapon sa mga ito na ipagluluto niya ng baon ang asawa, heto at nakapag saing na sila, malinis na rin ang baunan na kanyang binili noong isang araw. Ulam na lang talaga ang aasikasuhin niya.
Kalahating oras lang ang lumipas, inabisuhan siya ng kasambahay nilang si Adel na pababa na si Matthew, inayos ang timpla ng niluluto niya saka lumabas ng kusina, naabutan niya ang asawa na pababa ng grand staircase, inamoy amoy niya pa ng palihim ang kili-kili niya, baka nangangasim na kasi. Hindi niya maiwasang mamangha sa lalaki. Ang tikas! kung makatayo akala mo model, ang makakapal nitong mga kilay ay bumagay sa hazel brown eyes nito. Nagpadagdag pa sa pagiging matipuno nito ay ang malinis na gupit ng buhok. Noong una ay hindi niya na aappreciate ang pisikal na itsura ng lalaki, mas lamang kasi ang yamot nya dito lalo na noong mga unang linggo nila bilang mag-asawa. Ngunit hindi naman nagtagal ay unti-unti niyang nakilala ang tunay na ugali ng lalaki, mabait naman ito at maalalahanin, kaya hindi siya nagtataka na may kakaiba na siyang nararamdaman para dito.
"Baka naman matunaw ako niyan, titig na titig ah" ani Matthew habang kunwari ay inaayos ang neck tie na suot, sumunod ay hinawi pa ng bahagya ang gilid ng buhok saka tumingin sa kanya gamit ang mapupungay na mata. Napanguso na lamang siya, at para mapagtakpan ang hiya ay inirapan niya ang lalaki.
"Kapal ah, ang tagal mo kasing bumaba" aiya saka inayos ng bahagya ang buhok. Nagpatiuna na siya sa dining area.
"Good morning Sir" bati nila Adel, bumati rin naman pabalik si Matthew with matching sweet smile. Napansin niyang malapit si Matthew sa mga kasambahay, noong minsan kasi ay nakita niyang nakikipag kuwentuhan ang lalaki kay Adel, hindi lang nakikipag-usap na para lang mag-utos ng mga gagawin. Mga personal na bagay pa ang pinag-uusapan ng dalawa. Ang akala niya nga noon ay pinopormahan ni Matthew si Adel ngunit nang magtagal at nakita niya ring nakikipag kuwentuhan ito kay Aling Nadia ay doon napagtanto niya na may kabaitang taglay ang lalaki.
"Manang Nadia, mapaparami nanaman ang kain ko nito" ani Matthew sa matanda habang sinasalinan ng garlic fried rice ang pinggan ng lalaki, kasunod niyon ang bacon at sunnyside up egg, may nilagay din siyang tasty sa hapag ngunit hindi iyon pinansin ni Matthew. Mas excited itong kumain ng sinangag na binudburan ng napakaraming bawang. Siya na lang ang kumain ng tinapay, pinalaman niya iyon ng keso, saka isinawsaw sa kape.
"Matthew, dadaan nga pala ako nina Nanay mamaya" pagpapaalam niya, nagbabakasakali kasi siya na sasamahan siya nito. Minsan gusto niya ring mag pa bebe sa asawa.
"Sure'"
"Hindi ka ba sasama? Ilang linggo na tayong hindi nadaan doon"
"I'm sorry, may imi-meet akong Businesss partner later, baka gabihin din ako"
"Okay sige" aniya, habang pilit na itinatago ang paghihinayang sa kanyag boses. Bakit ba naman kasi naisipan nitong pumasok ng sabado, dati naman inilalaan nito ang weekends sa pahinga.
"You can use my card, mag grocery ka ba? " inabot nito ang wallet sa bulsa saka mabilis na dinukot ang isa sa mga credit cards nito.
"Hindi na, may budget naman ako para sa kanila"
"Itabi mo na lang yan Kaye, ito na lang ang gamtin mo" pilit nito, kinuha pa nito ang isa niyang kamay saka inilagay doon ang card. Hindi na siya tumanggi pa, mamimili na rin siya ng stocks nila para dito sa bahay. Bakit ba? Eh pinilit siya nito na iyon ang gamitin eh, eh di gamitin! Idaan ang inis na nararamdaman para kay Matthew sa paggamit ng card nito.
"I'll get going, baka matraffic pa ako" inabot nito ang table napkin saka pinunasan ang mapupula nitong labi.
"Wait" aniya habang nagmamadaling nagtungo sa kusina, paglabas nya ay dala na niya ang lunch box na may lamang calderetang baka.
"What's that?" takang-takang tanong ni Matthew.
"Lunch mo" aniya sa inabot ang bag na naglalaman ng pagkain.
"Why? anong meron?"
"Wala, sinipag lang ako magluto, kainin mo yan mamayang lunch, ipa init mo na lang sa Secretary mo"
"Wrong timing ka yata Kaye, I'll be out on a lunch meeting later--" hindi pa nito natatapos ang sinasabi ay tinaliukaran niya na ito.
Hiyang hiya siya sa ginawa niya, first time niyang ipagprepare ito ng lunch heto at nasabihan pa siyang wrong timing. Minsan din walang filter ang bibig ni Matthew. Narinig niya pa ang pagtawag nito sa pangalan niya ngunit hindi niya na ito nilingon, dire-diretso siya sa pag-akayat ng hagdan upang magtungo sa silid nilang mag-asawa. Agad niyang ini-lock ang pinto saka inihagis ang katawan sa malambot nilang kama, doon ay nagpa- ikot-ikot siya. Naiinis siya sa sarili dahil umiiral ang pagiging mahiyain niya nitong mga nakaraang linngo pagdating kay Matthew.
"Ahhhhh! Nakakainis!!!" sigaw niya pa, mabuti na lamang at nakabaon ang kanyang mukha sa unan kaya hindi siya gaanong maririnig ng mga kasambahay. Ang hirap manligaw!!!
Halos tatlong oras siyang nagkulong sa silid, nagmuni-muni kung ano nga ba ang nararamdaman niya para kay Matthew. Ang alam niya lang ay masaya siya kapag kasama ito, at tila kulang ang araw niya kapag hindi niya ito nakakausap o hindi siya nakakatanggap ng mensahe mula sa lalaki. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan saka tumayo dahil nakaramdam na siya ng gutom, hindi naman siya kakain dito sa bahay dahil ang plano niya ay sa labas na lamang mananghalian bago siya magdaan sa grocery. Saktong papasok na siya ng banyo nang tumunog ang kanyang telepono, nagmamadali pa siyang kinuha iyon at hindi niya napigilang mapangiti nang makita ang mukha ni Matthew sa screen.
"Bakit?" pilit niyang tinatago ang excitement sa boses, pigil niya rin ang ngiti. Pero ang totoo ay tuwang tuwa siya.
"Wala naman, I just want you to see this"
"Oh my! Hahahahaha!!!" hindi niya napigilang matawa sa ginawa ng asawa, ipinaling nito ang direksyon ng telepono nito upang makita niya ang pinabaon niyang kanin at ulam, nasa restaurant ito kasama ang mga kaibigan. Sabay-sabay pa ang mga ito na bumati at kumaway sa kanya.
"Oh tama na, nakapag-hi na kayo" dinig niyang sambit ni Matthew, hindi nagtagal ay lumabas na muli ang gwapo nitong mukha sa screen. Talaga namang kinikilig siya ng lihim sa tuwing nakikita niya ang ngiti ng lalaki.
"Akala ko ba may lunch meeting ka? Bakit sila Anthony ang kasama mo? tukoy niya sa matalik nitong kaibigan.
"Sila nga ang ka-meeting ko, may project kami by next year"
"Akala ko naman kung sino na yang ka-meeting mo"
"Kumain ka na?" dinig niya ang kantiyawan ng mga kaibigan nito, hindi rin nakaligtas sa kanyang pandinig ang sinabi ni Mikael, para tuloy siyang sinilihan.
"H-hindi pa, sa labas na lang ako mag la-lunch before mag-grocery"
"Bro! tayo na muna ang mag-usap! Mamayang gabi mo na kumustahin si Kayla, aba! magpa miss ka naman!" muling singit ni Mikael sa usapan nila ng asawa. Sanay naman na siya dito kaya nginingitian na lamang niya ang lalaki.
"Sige na, mamaya na lang Matt, mag prepare na rin naman ako."
"Sige, pinauwi ko si Tristan para ipagdrive ka"
"Ha? Paano ka?"
"Don't mind me---"
"Ako na bahala kay Prince Charming mo Kayla, ihahatid ko nang buong-buo yang asawa mo" sabat nanaman ni Mikael, sa mga kaibigan talaga ni Matthew ay ito ang masyadong hyper, hindi pa ito nakakainom sa lagay na iyan, paano pa kaya kung lasing na ito?
"Shut up Mike! Ang ingay mo!" saway ni Matthew sa kaibigan saka siya muling binalingan. " Ingat ka Kaye, if may kailangan ka just send me a message, okay?"
"Sige. Ikaw din, mag-ingat ka"
"Okay. I love you"
"Ha? Ano?" mahina lamang ang pagkakasabi ni Matthew pero malinaw niyang narinig! Ngunit imbes na sagutin nito ang kanyang tanong ay maagap nitong tinapos ang tawag, habang siya ay naiwang nakatulala sa hawak hawak na telepono. Tama ba ang narinig niya mula sa lalaki? Baka naman namali lang siya ng dinig? Pero paano kung totoo nga iyong narinig niya? Napahawak siya sa kanyang dibdib, ang lakas ng kabog ng kanyang puso! Nag-iinit ang kanyang buong mukha! Mahal nga ba siya ng asawa?