Naglinis muna si Kayla sa kusina bago niya niyayang umuwi si Matthew. Para siyang nasasakal sa presensya ng kuya niya at ng asawa nito. Kanina habang nanananghalian ay hindi siya halos nakakain, bukod sa kulang ang putahe sa mesa ay nawalan siya ng gana lalo na at puro pagyayabang ang naririnig niya lumalabas sa bibig ng kanyang kapatid.
Si Matthew naman ay tahimik lang na nakikiramadam, napansin niya rin kakaunti lang din ang kinain nito. Dapat sana ay mag-oorder pa ito ng pandagdag na putahe para sa kanyang kapatid ngunit pinigilan niya na. Kilala niya ang kanyang kuya, mamimihasa iyon. Kung siya ay marunong mahiya, kabaligtaran naman ito hangga't makikinabang ito sa tao ay talaga namang sasamantalahin. Mabuti nang hanggat maaga ay malaman ng kanyang kapatid na hindi pupuwedeng samantalahin si Matthew. Malaki na nga ang utang nila dito, ayaw niya nang dagdagan pa.
Kaya nga ganoon na lang ang pagsusumikap niya na makaipon upang maibalik sa asawa niya ang mga nagastos nito para sa pagpapaopera ng kanyang ina, kahit na ba maituturing na bayad na sila dahil sa pagpapakasal niya sa lalaki, hindi pa rin matahimik ang kanyang isip.
"You're spacing out, Kaye" ani Matthew, noon lang din niya napansin na nakahinto na sila sa parking ng isa sa mga paborito nitong puntahan na restaurant.
"Ha? Sorry. Ano nga uli iyon?"
"Sabi ko, let's go. I'm sure gutom ka pa, halos hindi ka nakakain kanina" anito habang tinatanggal ang seatbelt. Hindi nagtagal ay nasa labas na ito ng sasakyan at pinagbuksan na siya ng pinto.Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Kapag tumanggi naman siya ay magtatalo lang silang dalawa. Iyon ang isa sa napansin niya sa ugali ng lalaki, hindi ito pumapayag na tanggihan ang ang mga sinasabi nito. Nung minsang hindi niya sinunod ang nais nito ay talagang pinagtalunan pa nila.
Dalawang linggo na mula nang dumating ang kanyang Kuya, ganoon katagal na rin siyang hindi dumadalaw sa mga magulang. Bukod sa naging abala siya sa mga school activities ay iniiwasan niyang makadaong palad ang kapatid. Aaminin niya,masama ang kanyang loob dito lalo na noong mga panahaon na kailangan nila ang pinansyal na tulong para sa gamutan ng kanilang ina. Ni hindi rin ito dumalaw matapos ang operasyon, nagawa lang nitong umuwi noong kasal niya. Malamang ay upang siyasatin ang mapapangasawa niya, mukhang hindi naman ito nabigo dahil sa buong durasyon ng kasiyahan, ay nakadikit ito kay Matthew.
"Ma'am, tumawag po si Sir Matthew, hindi daw po kayo macontact" natigil siya sa pag-encode ng grades, saka mabilis na chineck ang kanyang telepono. Limang missed calls galing kay Matthew. Napangiwi siya, tiyak na kukulitin nanaman siya nito mamaya kung bakit hindi niya nasagot ang mga tawag nito. Ayaw na ayaw pa naman niya ng paulit-ulit na nagpapaliwanag na tila ba hindi ito naniniwala sa kanya.
"Sorry, medyo na busy lang." aniya saka nagtipa ng mensahe para sa kabiyak. Wala pang isang minuto nang maipadala niya ang mensahe ay nag ring na kaagad ang kanyang telepono, hindi niya napigilan ang pag ikot ng mata nang makita ang pangalan ng asawa.
"You're not answering my calls, what happened Kaye?" bakas sa boses nito ang pinaghalong pag-aalala at iritasyon.
"Sorry, nag-eencode kasi ako ng grades"
"I don't believe you" anito na siya namang ikinainis niya, hindi sya makapaniwala sa narinig kay Matthew, mabilis niyang pinindot ang request video feature saka inutusan ang lalaki sa malakas na boses.
"Open your damn camera, Matthew!" inis niyang utas. Nang makita niya ang pagmumukha nito ay saka niya itinapat sa kanyang laptop ang camera at dahan-dahang ipinaling pakaliwa at pakanan upang makita nito ang mga papel sa kanyang mesa. "now tell me, nagsisinungaling ako? Hindi lang ikaw ang busy sa mundo, pwede ba?! "
"Okay, okay, I'm sorry Kaye, I'm just worried that you're still thinking about your----" hindi niya na pinatapos ang sinasabi nito, mabilis niyang pinindot ang end call button at natgtipa ng mensahe para sa lalaki. "Tigilan mo ako sa mga palusot mong damuho ka, nakakagigil ka! Magbiro ka na sa taong bagong gising, huwag lang sa guro na naghahabol sa pasahan ng grades!!!" hindi na niya hinintay na magreply ito, blocked agad. Saka na niya iunblock ang lalaki kapag natapos na niya ang kanyang ginagawa.
Bandang alas-tres ng hapon nang marinig niya ang ugong ng sasakyan ni Matthew, hindi pa rin siya tapos sa kanyang ginagawa kaya hindi na siya nag-abala pa na babain ito upang salubungin. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng kanilang silid saka ito sumilip.
"What?" aniya, hindi niya ito tinapunan ng tingin.
"Galit ka pa?" tanong nito na tila ba nagpapaawa ang itsura.
"No." maikli niyang tugon, hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa monitor, konti na lang at matatapos na siya, mamaya na niya haharapin ang lalaki kapag sigurado na siya na hindi siya magpapakain sa kanyang mga co-teachers. May kasunduan kasi sila na kung sino man ang mahuhuli sa pagpapasa ng grades ay siyang magpapakain sa katapusan ng buwan. Siyempre ayaw niyang gumastos, malaki pa ang kailangan niyang bunuin para maibalik kay Matthew ang nagastos nito sa Ospital
"Hintayin na lang kita sa baba." ani Matthew saka marahang isinara ang pinto, ngunit wala pang limang segundo ay nagbukas muli iyon at inuluwa ang lalaki, may hawak na bouquet ng pink roses ang kanang kamay at sa kaliwa naman ay isang supot ng chicharon. Napanganga na lamang siya hindi niya alam kung ano ang ire-react sa gesture ng lalaki, hindi rin naman kasi magkapares ang peace offering nito. Sa huli ay natawa na lamang siya at napahawak sa noo.
"Now you're laughing. Are we okay na?" ani Matthew saka lumapit sa kanya upang ibigay ang bulaklak at chicharon, kinuha niya naman iyon saka nagpasalamat sa asawa.
"Bakit naman ganito Matt? Chicharon at bulaklak? Oh!!! May halong joke ba tong peace offering mo?" tawang -tawa siya sa asawa.
"I'm sorry, okay? Wala kasi akong mahanap na chicharong bulaklak, sarado yung binibilhan mo eh" alam nito na paborito niya iyon lalo na at may kapares na maanghang na suka.
"Okay lang naman kahit wala kang peace offering, pero pwede ba, huwag mo laging pinaiiral yang trust issues mo?"
"I'm sorry, nag-aalala lang talaga ako" anito saka marahang inabot ang kanyang kamay upang pisilin ng bahagya. Tila may kung anong kumalabog sa dibdib niya sa ginawa ng asawa, ang bilis ng t***k ng puso niya! Pakiramdam niya rin ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi, hindi... buong mukha niya ay nag-iinit.
"You're blushing Kaye" ani Matthew sa nang-aasar na tono, mabilis niyang binawi ang kanyang kamay saka hinawakan ang kanyang pisngi, ang init nga! "Are you okay? Maysakit ka ba?" nag -aalalang tanong ni Matthew, sinipat nito ang kanyang noo at ikinumpara ang temperatura niya sa temperatura nito.
"Wala! Napagod lang ako" palusot niya, inabot niya ang chicharon saka binuksan iyon, kumuha siya ng isang piraso at isinubo iyon kay Matthew. "Masarap? Halika na sa baba kainin na natin ito, masarap to may kapartner na softdrinks" aniya at nagpatiuna na sa pagbaba sa kusina. Hindi niya alam kung ano itong nararamdaman niya, nagsisimula na ba siyang mahulog sa lalaki?