Ramdam kong humawak din ito sa aking beywang at mahigpit akong kinapitan. Ngunit mabilis akong lumayo sa lalaki dahil iba ang pakiramdam ko rito. Masamang tingin ang binigay ko rito. “Mr. Zet, baka nakakainis mong teacher mo ako kaya matuto kang gumalang sa akin!” Mariing sabi ko sa lalaki. Hindi ito nagsalita ngunit ngumisi lamang ito sa akin at parang inaasar pa ako. Napalunok ako dahil ‘yung nginsi nito ay katulad na katulad kay Zetro Delgado. Iiling-iling na lamang ako na tinalikuran ko ang lalaki. Pero narinig ko ang sigawan ng mga kabarkada ni Delgado. “Bossing Zet, dedma ang kagwapuhan mo kay Ma'am Pinaypay,” narinig kong anas ng isang barkada ni Delgado. “Huwag kayong mag-alala, dahil darating ang araw at luluhod din sa aking harapan si Ma’am,’ mayabang na sagot ni Zet. Iil