Natatawa na lamang ako sa aking sarili, dahil kung ano-ano ang pumasok sa aking utak. Hanggang sa pabasta na lamang akong nahiga rito sa sofa. Gusto ko sanang matulog ngunit nang ayaw makiayon ng aking mga mata. Ang makakainis pa ay panay ang pasok sa aking utak ng halik na pinagsaluhan namin ni Delgado kanina lang. s**t, hindi puwede ‘to. Hanggang sa magdesisyon na akong bumangon. Ngunit bago lumabas ng kwarto ay tiningnan ko muna ang aking sarili lalo na ang dibdib ko. Pero bigla akong napangiwi dahil kitang-kita ko ang aking n****e na nakabakat sa suot kong damit. Dali-dali ko namang kinuha ang bathrobe ni Delgado at ito ang inilagay ko sa aking katawan upang hindi makita ang aking korona. Hanggang sa nagmamadali na akong lumabas ng kwarto. Madali ko lang nakita ang kusina. May nakit