Nagising akong sobrang tahimik ng kapaligiran. Dahan-dahan ko tuloy iminulat ang aking mga tama at nakita kong nasa isang kwarto ako. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko ito kwarto. Saang kwarto ito? Hanggang sa muli kong ipinikit ang aking mga mata upang maalala ko ang nangyari sa akin. Hanggang sa lumaki ang mata ko nang pumasok sa aking utak ang ginawang pagtulong sa akin ni Delgado. Maingat tuloy akong bumangon para alamin kung na saang lugar ako. Nang sumilip ako sa bintana ay nakita kong puro karagatan ang aking nakikita. Nasaang isla kaya ako? Hindi ako pamilyar sa lugar na ‘to. Napatingin naman ako sa pinto nang kwarto na ito nang bumukas ‘yun ay iniluwa si Delgado. May dala-dala itong pagkain. Agad nitong inilagay sa ibabaw ng table ang hawak nitong tray. “Mabuti naman at