Ngunit mabilis namang nakalapit ang hayop kong kalaban. Kaya agad akong nahawakan sa aking braso at parang bola akong binalibag ng nito. Kitang-kita ko pa nga ang pagngisi nito. Napatingin naman ko sa likuran ko upang alamin kung saan ako tatama at nakita kong sa isang malaking bato. Gigil na gigil tuloy ako sa kalaban ko. Hanggang sa mabilis kong iginalaw ang aking katawan upang iwasan sng bato. Pinilit kong humarap sa bato. Mabuti naman at mabilis ko lang na gawa. Agad kong inunat ang isang paa ko para itukod sa bato. At nang lumapat sa bato ang paa ko ay mabilis akong nagtambling ng ilang beses. At tuloy-tuloy na akong bumulusok sa paibaba sa lupa. “Mahusay---” At mabilis itong sumugod papalapit sa akin. Ngayon ay nakikita ko na ang bawat galaw nito. Hanggang sa agad itong nakalapit