Tumingin ako sa lalaki habang nakakunot ang aking noo. Alam kong susuhulan laman ako nito upang hindi ko ituloy ang pagsaksak ko sa kawal nito. Ngunit hindi ako magpapalinlang dito. Malaki ang kasalanan nito sa akin kaya dapat itong magbayad! Surang-sura na tumingin ako sa lalaki. “Ayaw ko! Papatayin ko ang lalaking ‘to! At siya lang ang lalaking nagsabi sa akin na isa akong palawang babae---” At mabilis kong hinila ang aking kamay. Ngunit ayaw talaga akong bitawan nito. Kaya ang ginawa ko’y malikis na gulamaw ang isang kamay ko papunta sa kamay na hawak ni Delgado. Agad kong kinuha ang aking kutsilyo at balak ko na sanang isaksak sa lalaki ngunit muling nahawakan ni Delgado ang kabilang pulsuhan ko. Nakita ko rin na nagsenyas si Delgado sa kawal nito na umalis narito sa harap namin. Ini