(KRICEL’S POV) Gusto kong tumawa dahil sa mga pinagsasabi ko sa lalaking kaharap ko. Kitang-kita ko naman ang galit sa mukha ni Delgado. Mabilis tuloy akong bumangon at nagtatakbo papunta sa loob ng banyo. Peste! Dahil parang gusto akong sakaling ng kawang ni Zetro. Agad kong ini-lock ang pinto ng banyo. Napasandal din ako sa pinto at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Ngunit ang labi ko ay may nakapaskil na maganda ngiti. Sapagkat natutuwa ako dahil kitang-kita kong na inis ko talaga si Delgado. Tiyak na malalagot ako kay Delgado oras na makita ako nito. Ngunit iiwas na lamang ako at hindi ako masyadong lalapit sa lalaki. Isa-isa kong inalis ang lahat ng damit ko sa aking katawan hanggang sa walang natira. Tumingin ako sa style bathtub na nandito sa loob ng banyo dahil ginto a