Isang kutsilyo ang nakikita ko at ‘yun ang tatama sa kakawawang bampirang itim. Hindi na ako nag-isip pa. Mabilis na umangat ang aking katawan sa ere. Maliksi akong tumambling ng ilang beses sabay angat ng aking paa at buong lakas kong sinipa ang kutsilyo na tatama sa likuran ng kawawang bampira. Mabilis kong kinuha ang aking karayom sabay pitik sa isa pangkalaban na nagtarget ng kutsilyo. Mayamaya pa’y mabilis itong bumagsak sa lupa. Dali-dali akong lumapit sa kakawawang bampirang. Kailangan ko itong tulungan. “Huwag mo akong kakagatin, dahil ililigtas kita. Humawak ka sa akin bilisan mo!” Naramdaman kong lumapit ito sa akin. May nakita akong kabayo kaya dali-dali kaming sumakay roon. “Huwag mo akong kakagatin! Papatayin kita!” pagbabanta ko ulit sa itim na bampira. “P-Pangako hin